Chapter 13

58 4 1
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan upang ipagluto si Henroe ng almusal. I'd bribe him with breakfast so he would tell me some details more.


Mabilis akong bumaba pagkatapos kong mag toothbrush. Pinusod ko ang aking buhok at nagsimula nang umindak sa kusina.


Plano ko siyang gawan ng crepe at ng paborito niyang carrot-banana juice. Sinimulan ko ang pag gawa ng crepe at nang natapos ako rito, ay saka ko naman ginawa ang kanyang juice.


Matapos siguro ng halos tatlumpung minuto ay natapos ko rin ang kanyang almusal.


Aakyat na sana ako ulit para tawagin siya sa kanyang silid nang may bumusinang sasakyan sa labas. Agad akong nagpunta sa pinto at sinilip sa katabing bintana nito kung kaninong sasakyan ang dumating.


Nang hinawi ko ang kurtina ay nakita kong saktong bumaba ang banda ni Henroe sa Silverado ni Damon.


Huli namang bumaba si Neville sa Silverado. Pagsara niya ng pinto ay parang may kung anong koneksyon sa aming dalawa dahil bigla nalang siyang napatingin sa may bintana. Nagulat ako nang nakita niya ako kaya agad kong sinara ang bintana.


Tumakbo ako pabalik sa kwarto ko para magpalit. I was still on my pj's for Pete's sake! I can't let them see me that way.


Pagbaba ko ay naka high-waist shorts na ako at isang tee shirt ni Henroe. I liked wearing his shirts whenever I was home.


Naglagay ako ng mga plato sa mesa at pati na rin baso. I thought the crepes I cooked would be enough since I had planned on sharing some with manang too... but, never mind. Ipagluluto ko nalang ulit sila.


Pagkalapag ko ng crepes at prutas sa mesa ay saktong pumasok sa kusina si Kurt at Jero na nagtatawanan pa. Biglang nabaling ang atensyon nila sa akin at nginitian ako ni Jero.


"What is this? Apology breakfast?" Ngisi niya.


"Asa ka namang sayo 'yan!" I hissed.


"Burn!" Hagalpak ni Kurt. Jero glared at him.


"Asan ang iba?" Tanong ko. Silang dalawa palang kasi ang pumasok sa kusina kahit na kanina pa sila nakarating.


"Ah. Inaayos lang nina Roey at Nev yung bagong ampli sa taas. Tapos may dala kaming bagong guitar. You should see it, kulay pink!" Tawa ni Kurt.


Tinatawag niya lang na Roey si Henroe noon kapag may mga dates ito or whatever. Kaya tinaasan ko siya ng kilay ng narinig ang tawag niya kay Henroe sa araw na ito.


"Eh si Dame?"


"May binalikan sa kanila. Nakalimutan niya yung ibang wires eh." Sagot ni Jero.


"Hindi pa ba natin kakainin 'to?" Tanong ni Kurt. Aabutin niya na sana ang plato kung saan nakalagay ang mga crepe nang pinalo ko ang kamay niya. "Ouch!"

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon