"Seriously?" tumawa ako sa sinabi niya, "Cowgirl ako diba? Dapat horse!"
"Edi sana horsegirl nalang sinabi ko, diba?" Inirapan niya ako, "Tsaka pasalamat ka nga di kita sa baka papasakayin para mapanindigan mo 'yang pagiging cowgirl mo eh. Buti nalang ginagatasan sila ngayon."
"Ang aga naman ata nilang gatasan Neville? Alas sais palang oh!" Sabay tingin ko ng oras sa cellphone ko.
"Ganun talaga. Gusto mo magatasan na rin ng maaga? Ako maggagatas sayo." Tinaas baba pa niya ang kilay niya sabay halakhak. Ang walanghiya! Minamanyak na ata ako sa isip niya!
Pinaghahampas ko siya at sabunot. Bastos! Siguro grabeng pagpipigil ginawa nito kanina habang natutulog ako. Pakshet!! Dapat di ako sumama dito eh.
"Fuck you, Neville. Isusumbong kita kay Henroe." Sabay dila ko sa kanya.
"Di ka naman niya paniniwalaan kasi di naman niya alam na close na tayo." Kumindat pa sa'kin si kumag.
Wait! Kami? Close na daw kami? Totoo ba yung narinig ko? Close na daw kami?! Di bale nang manyak, basta ba close na kami eh. Hahaha!
"Whatever." Inirapan ko na siya.
Lumapit sa amin yung lalaking tinawag ni Neville kanina. Kasama pa din niya si Renzo.
"Kuya Jun, si Sam. Kapatid ng tropa ko. Pag may naghanap na pulis sa kanya pakisabi sumakay kami kay Charles Keen ah! Pumunta kaming haven." Sabay silang nagtawanan. Sino ba 'yon? Ba't parang lahat ata ng bagay dito may pangalan? Wala bang kaibigan 'tong si Neville kaya pinangalanan lahat ng nakapaligid sa kanya dito?
"Sira ka talaga!" Tumatawa pa rin si Kuya Jun nang tumingin siya sa akin. "Ma'am Sam, enjoy po kayo dito. Tawagin niyo nalang po si Lourdes kung may kailangan kayo." At umalis na sila ni Renzo.
Walang hiyang Neville 'to! Sa kalabaw nga ako pasasakayin. Pagkaalis kasi ni Kuya Jun ay pinuntahan na namin ni mukhang kutong lupang Neville(pero charing lang, malabas ko lang asar ko sa kanya) yung tinuturo niya kanina pang kalabaw.
"Sakay." Utos niya.
"Ayoko nga. Ba't naman kita susundin?" Pagtataray ko.
"Kasi.." humakbang siya palapit sa'kin, "..kung hindi.." humakbang pa ulit siya hanggang sa halos magkadikit na ang katawan namin, "isasama kita sa mga bakang ginagatasan ngayon. Pero special treatment.." yumuko siya para bumulong sa tainga ko, "..kasi ako ang maggagatas sayo. Dun tayo sa kulungan ng mga baka." bulong niya at tumingin siya ng diretso alsa mga mata ko at ngumisi.
WHAT THE EFFIN' FACT FACT NG MANOK?! Gago 'to ah! Manyak na manyak dating! Hindi man lang nailang sa'kin. Yariin ko kaya 'to kay Henroe nang mabangasan man lang at makita nang mga nagkakandarapa sa kanya na basag na ang mukha ng lalaking hayop sa pagkamanyak na sinasamba nila.
"Punyeta ka Neville ah! Tantanan mo ako! Isa nalang talaga magfi-file ako ng rape laban sayo! Isa pa! Anak ng tokwa!" Nanggagalaiti na 'ko sa purutong na 'to.
"Di pa nga ako nag-uumpisa, magfi-file ka na agad. Pag-umpisahin mo naman muna ako." At kumindat pa talaga si loko. Adik ba 'to? Ba't kinaibigan pa 'to ni Henroe?
"Fucking asshole! Damn it! Just shut up, okay? SHUT UP!!" at sumakay na ako sa kalabaw na dahilan ng pagkalabas ng kabastusan ni Neville sa katawan.
Tumatawa tawa lang siya habang sumasakay ako sa kalabaw niya.
Pagkatapos niya akong itour sa ranch nila ay dinala naman ako ng kumag sa bahay nila, or should I say, mansyon. Ang laki ng bahay ng bugok na 'to!
Pagpasok namin ay tumambad agad sa akin ang malaking hagdan at piano sa ilalim nito. Kulay puti ang mga pader at may border ng dark brown. Kapansin-pansin naman ang family portrait na nakasabit sa tapat ng piano. Sa kanang banda ay may fireplace na may nakapatong na mga frames sa ibabaw. May L-shaped sofa na kulay brown sa tapat nito. Sa kaliwang banda ay mga kwarto at pinto papuntang kusina.
"Upo ka muna. Anong gusto mo kainin?"
"Kahit ano." Sabi ko.
"Tss. Wala kang pinagkaiba sa ibang babae." Pataray naman niyang sabi.
Ano bang pinagsasabi ng kumag na 'to? Umupo ako sa sofa at napansin kong puro pictures pala ni Neville ang nakapatong sa fireplace. Mamaya ko na siya pagpapantasyahan diyan. Joke! Ang halay ko na naman.
"Pinagsasabi mo diyan?"
"Pag tinatanong sila kung anong gusto nila, sasabihin kahit ano nalang." At umalis na siya papuntang kusina.
Ilang saglit lang ay bumalik siya ng nakakunot ang noo.
"Wala si Nay Lourdes, tara!" At bumalik ulit siya sa kusina.
Sumunod naman ako sa gusto niya at nakita ko siyang nakatayo habang hawak ang pinto ng ref at nag-iisip nang kung anong maaaring lutuin.
"Marunong ka magluto?" Tanong ko.
"Ikaw?" Sagot niya.
"Medyo. Pero more on sweets and savory."
"Good. Ikaw ang magluto." At umalis na naman siya.
Wala bang ibang alam gawin ang lalaking ito kundi ang umalis?
BINABASA MO ANG
10 Ways To Make Him Fall In Love
General FictionBelieve it or not, magkapatid talaga si Henroe at Sabine. Akala palagi ay nagloloko lang si Sabine kapag sinasabi niyang kuya nuya si Henroe - ang gwapong miyembro ng Noxious. Sa daldal at pagiging pakialamera naman nito ay kahit sino hindi maniniwa...
