Nakaisip na ako ng 10 ways. Itutuloy ko na talaga 'tong plano ko.
Pabalik na kami ng Manila ngayon, Sunday morning. As usual, driver na naman siya at ako muni-muni lang sa tabi niya.
"May practice kami nila Henroe sa inyo bukas."Biglang sabi niya.
"So? As if I care."
"Just so you know."
May banda sila nila Henroe sa EMA. Noxious ang pangalan nila. Harmful daw kasi sila sa mga girls. Duh!
Lima sila sa grupo- si Kurt, bassist; Jero, guitarist; Damon, keyboardist; Henroe, drummer at; ang dakilang si Neville na lead vocalist slash guitarist.
Hinatid niya ako sa bahay namin. Tanghali na pala. Nagpaalam na ako sa kanya at nagpasalamat.
Pumasok na ako sa bahay. Buti naman wala sila daddy, yari ako dun pag nalaman na di ako umuwi kagabi. Pagdaan ko sa sala ay naabutan ko si Henroe na naglalaro ng xbox habang nakaupo sa sofa.
"Saan kayo galing? You had a great time?" Natatawa nitong sabi.
Binatukan ko siya at pekeng sinakal-sakal mula sa likod. "Putakte ka, Henroe! Anong tingin mo sa'kin, prostitute?" Pero this time, hinigpitan ko na pagkakasakal ko sa kanya.
Nabitiwan naman niya ang nilalaro niya at hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ito sa lalong paghigpit ko ng sakal.
"Of course not, baby. Binigyan ko lang kayo ng panahon to get to know each other." Asar nito.
Mas lalo kong hinigpitan at bumulong sa tainga niya, "You're such an asshole. Di ako gaya mo na madaling maakit." Sabay kagat ko sa tainga niya at tumakbo paakyat ng hagdan.
Bago ako makapasok sa kwarto ay narinig ko pa ang halakhak nito at ang sinabi niya. "Yeah, right. Di daw madaling maakit pero in love ka na!" Tawa siya ng tawa hanggang sa makapasok na ako sa kwarto.
Kinabukasan, 'di pa nga nagriring yung alarm ko, eh may narinig na akong ingay sa kabilang kwarto. Tss! Banda ni Henroe. Fuck.
Naghilamos muna ako at toothbrush at lumabas ng kwarto ko. Naka-pajamas pa ako at medyo magulo pa ang buhok. Kakain na ko, ang aga pa kasi magre-rehearsal na. Tss! Pang-asar na Henroe!
Pero pagkabukas ko palang ng pinto ko ay nakita ko na ang buong banda. Pang-asar!
"Princess!" Tawag ni Damon.
Tinanguan ko lang siya at ngumiti. Aalis na sana ako pero tinawag ako ni Jero.
"Sab! Will you be our audience? Please!" Nagpuppy eyes pa ang loko.
"I haven't eaten anything yet. I'll come up later."
"Padala nalang natin kay Manang. Come!" Binitawan niya ang gitara niya at hinatak ako papasok sa practice room ni Henroe.
Wala akong nagawa kung hindi sumalampak sa sofa at panoorin silang mag-ayos ng kani-kanilang instrumento. Hindi nagtagal ay dumating si manang na may dalang tray na may lamang pancake at orange juice. Araw-araw ay ganito ang almusal ko pero ni kahit isang beses, hindi ako naumay. Kanya-kanya lang 'yan ng paborito kahit na ba sitahin ako palagi ni Henroe.
Ilang minuto ang lumipas, habang inookupa ng pagkain sa harap ko ang pansin ko, nagsimula ng mag-strum ng gitara si Jero. Napatingin ako sa kanila at hindi agad naisubo ang hiniwa kong pancake. Parang pamilyar ang himig pero hindi ko mawari pa kung ano nga ba ang kanta. Maya-maya ay sinabayan na rin ito ni Damon ng keyboard.
Summer after high school, when we first met
We'd make out in my Mustang to radiohead
And on your 18th birthday
We got matching tattoos
Halos hindi ko na masubo talaga ang nag-aabang na pancake sa harap ko. Ano ba' to Neville! Tinamaan na ata ako, eh. Sa umpisa palang ng bagsak ng instrumento nina Jero at Damon ay nadala na ako, haluan mo pa ng mala-anghel na nanghaharanang boses ni Neville, ewan ko nalang talaga kung sino pa ang makaka-resist dito.
Pero hindi! Hindi pwede. Ako ang magtuturo ma-inlove, hindi ako ang maiinlove. This wasn't part of my stupid plan. How am I going to continue this if I have this certain feeling I couldn't explain.
"Uhh... CR lang ako." Tumayo ako at binitbit ang tray ko ng breakfast.
Nagmadali akong pumunta sa kitchen at nilapag agad ang tray. I sighed. God! Bakit ba ganito ako ka-nerbyos? Wala naman akong ginawa ah.
"Ano ba Sabine. Ano ba, ano ba!" bulong ko sa sarili ko habang pinapalo ang magkabilang pisngi ko.
"Why are you slapping yourself?" tanong ng boses na alam na alam ko kung sinong nagmamay-ari.
"None of your business. Bakit ka ba nandito?" binuksan ko ang ref at naghanap ng kahit ano para lang 'di ako makatingin sa kanya.
"Wala kaming audience, so we stopped." kibit balikat niya.
"I excused myself. Hindi dapat kayo huminto."
"This isn't even the CR. As far as I know, kitchen ito."
"Arggghhh!" ang tangi kong naibulalas dahil sa frustration.
Nagmartsa ako pabalik sa kanilang practice room at sumalampak sa sofa. Nagpatuloy sila sa pagpapractice habang ako naman ay nagtitingin sa mga magazine.
Tumayo ako at tumakbo papunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang phone ko at tumakbo ulit pabalik sa practice room para hindi na ako sunduin ulit ng Neville na 'yon. Pagkabalik ko naman ay nagpapractice pa rin sila. Mabuti naman at 'di sila huminto.
Nakita kong ang dami ko na palang text sa phone. Lahat ay galing kay Andrea. Anong problema nito?
Andrea:
Hey! Kita tayo sa mall. Nakita ko si Ate Ivy. She's back.
Tinaas ko ang kamay ko at hinintay na makita iyon ni Henroe. Nakita niya naman ako at agad na tumigil sa pagdrums.
"Andy texted me."
"And?"
"She said ate Ivy's back."
Kitang-kita ko ang gulat sa mukha ni Henroe kahit gaano niya pa ito itago. Tumayo siya at umalis ng practice room. Nagsi-ilingan naman ang buong banda pagkaalis ni Henroe.
"She still affects him..." dinig kong bulong ni Kurt kay Damon. What the hell are they talking about?
Lumakad si Neville at tumigil sa gilid ko.
"You ruined our practice. Tsk!" What?
BINABASA MO ANG
10 Ways To Make Him Fall In Love
General FictionBelieve it or not, magkapatid talaga si Henroe at Sabine. Akala palagi ay nagloloko lang si Sabine kapag sinasabi niyang kuya nuya si Henroe - ang gwapong miyembro ng Noxious. Sa daldal at pagiging pakialamera naman nito ay kahit sino hindi maniniwa...
