Chapter 4

99 4 0
                                    

Chapter 4

Isang linggo na rin ang nakalipas simula nung interview ko kay Neville. Napasa ko na rin ang article kay Ms. Ocampo, at nagustuhan niya naman ang pagkakagawa ko, though may iilan lang daw na kailangang i-edit. Kanina, nakita ko si Kuya Henroe sa cafeteria at sinabi ko sa kanya na nagustuhan ni Ma'am yung article. Natuwa siya at sinabi sakin na magpupunta daw kami ng bar mamayang gabi, libre niya na at siya na rin daw bahala magpaalam kanila daddy. Pumayag na ako syempre dahil baka magbago pa ang isip niya, sayang naman.

Pagkauwi ko, tinext ko muna ang bestfriend kong si Andrea at sinabing bukas nalang kami magkikita dahil magbabar kami ni kuya kasama ang mga barkada niya. And speaking of barkada, ibig sabihin kaya 'non ay kasama din si Neville?

Pagkasend ko naman ay agad-agad din tumawag si Andrea.

"SABINE! Saang bar kayo? Baka pwede namang sumama ako? Alam mo na, syempre diba barkada ni Henroe 'yon, baka ma-OP ka kahit na pinapansin ka naman nila. I really think you need a company. Don't you think so?" Mabilis niyang pagtatanong.

"Ano ba Andrea, isa-isa lang sa pagtatanong. Oo na, kung gusto mo sumunod, sumunod ka.Di mo na ako kailangang sabihan kung anong mangyayari mamaya." Humiga ako sa kama at tinandayan ang isang unan sa aking paanan.

"Oh sige, sasama ako ah? See you there! Anong oras ba?" Halata ang excitement sa boses niya.

"10PM punta na kami ni kuya sa Amyté."

"AMYTÉ?! Shet, madaming pogi doon!" Tumitili niyang sinasabi, "Sige, see you there! Text mo ko pag nandoon na kayo."

Binaba ko na ang tawag at nag-ayos. 7PM na pala. Nakauwi na kaya si Henroe?

Natapos akong mag-ayos mga bandang 9PM. Bumaba ako at kumuha muna ng mangangata sa kitchen. Kinuha ko yung cookies sa ref, umupo sa sofa sa sala at nanood ng AsNTM. Habang kumakain ako ay may nag-honk na sasakyan sa labas. Sigurado akong sasakyan ni Henroe iyon.

Sinabi ko kay Nanay Ising na lalabas na ako dahil dumating na si Henroe. Hinatid niya ako hanggang sa gate at binuksan na rin iyon. Pagkabukas ng gate ay nakita kong sasakyan nga ni Henroe. Mabilis kong binuksan ang front seat at walang pasubaling sumakay. Madilim sa loob ng sasakyan pero nasanay na rin ako dahil hindi naman talaga ugali ni Henroe na magbukas ng sasakyan sa loob. Binaba ko ang salamin at nagpaalam na kay Manang Ising. Pagkatapos ay agad nang pinaandar ni Henroe ang sasakyan. Dinaldal ko siya ng dinaldal at sinabing susunod si Sabine sa amin. Kinuha ko ang cellphone ko at nagtype doon.

To: Andrea

9:38PM

Andy, we're on our way there. See you!

Pinindot ko ang send ang pinang-ilaw ang liwanag na nanggagaling sa cellphone ko sa mukha niya dahil gusto kong makita kung anong itsura niya. Nag-iba kasi ang amoy ng perfume sa loob ng kotse niya. Nagulat ako ng maaninag ko ang lalaking katabi kong nagmamaneho.

Hindi ito ang kuya ko.

Hindi ito si Henroe.

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon