"AAAAAAAAAAHHHHHHHH!! IBABA MO KOOOOO!! KIDNAAAAAAAPPP!" Hindi ko talaga mapigilang hindi sumigaw ng parang engot dito. Hello! Sapilitan kaya 'tong pagpapasakay sa'kin ni Neville. At eto pa! Pagkapasok niya sa driver's seat ay nilock niya lahat ng pinto. O diba? Sinong di magwawala ng parang ewan dito ngayon?
"Shh! I didn't know that Henroe's sister swallowed a megaphone." Sabay takip niya sa kaliwang tainga niya ng kaliwang kamay niya. Aba't talaga naman!! Isang kamay niya lang ang nakahawak sa manibela, paano kung yugyugin ko siya at mabangga kami?
"ANO BA NEVILLE!! AYUSIN MO NAMAN PAGMAMANEHO MO!" Hinatak ko ang kaliwang kamay niya at ipinwesto iyon sa manibela.
Tumingin nalang ako sa labas dahil napapagod na ako ng kakasigaw. Hindi rin naman ako papakinggan ng lalaking 'to!
Habang nananahimik ako dito sa isang tabi at nakatingin lang sa labas, napansin ko na ang daan na tinatahak niya ay hindi daan pauwi sa amin.
"AAAAAHHH!! NEVILLE, HINDI ITO YUNG DAAN!! AAAAAHHHHHH!! Nagpapapadyak na ako dahil nabubwisit na talaga ako dito sa kasama ko. Kung di lang talaga siya gwapo, kanina ko pa binangasan mukha niya.
"SAB! Will you please shut your mouth? You're annoying. Where did I just say earlier I will take you?" Diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada.
What the?! Saan nga ba 'yon? Farm? Province?
RANCH?!! Seryoso siyang dadalhin niya ako sa isang ranch?
"What are you? A coward? Bawal mo akong dalhin doon, magpapa search and rescue sila mommy pag nalaman nilang di ako umuwi. Arggh!" Sa frustration ko ay ginulo ko ang buhok ko. Ano ba naman to!
"But I already have Henroe's permission. I'm sure he'll take care of it." Ngisi niya sa akin.
EFFIN' HENROE! IPAGKALULO BA DAW AKO SA TROPA NIYA? Humanda sa akin 'yon pagkauwi ko. Namin pala, rather.
Hindi ko na sinagot at baka mabangasan ko pa talaga. Inipon ko nalang ang asar ko. Sa pananahimik ko ay nakatulog na pala ako.
Pagkagising ko ay madilim pa din, pero kitang-kita ang ganda ng view. Walang buildings, walang strret vendors, walang maiingay at mauusok na jeep-purely nature.
Nilingon ko ang driver ko, este, kasama ko at tumingin din siya sa akin. Ngumisi siya at binalik ang tingin sa daan.
Ba't ba ang gwapo mo, Neville? Wag ka ngang ngingiti!
"Good morning, cowgirl." Eto na naman siya! Nang-aasar na naman. Leche talaga 'tong lalaking 'to.
"I bought us some food. Do you want me to stopover so we can eat?" OH MY GOSH, NEVILLE! Nagiging crush na ata kita. Erase, erase, erase! Di pwede. HINDI. PWEDE.
"Uhm.. ah.. s-sige.." nilingon ko ang backseat at nakita kong may mga pagkain nga doon. Sa sobrang antok ko ay 'di ko man lang namalayan na dumaan pala kami sa isang fast food chain.
"You went on a fast food chain?" sabi ko.
"Uh-huh." Sabay haplos niya sa labi niya.
"You left me here sleeping?" Medyo inis kong sabi.
"Nah. Drive thru. I won't let a cowgirl sleep here alone." At may lumitaw na ngisi sa kanyang labi.
"Stop calling me a cowgirl!" I demanded.
"Why should I? Eh mukha ka naman talagang cowgirl. Teach me how to ride a horse, ayt?!" Natatawa niyang sabi.
"Fuck you." Bulong ko.
"Ooh. Bad cowgirl." Sabay sipol niya.
BINABASA MO ANG
10 Ways To Make Him Fall In Love
Fiksi UmumBelieve it or not, magkapatid talaga si Henroe at Sabine. Akala palagi ay nagloloko lang si Sabine kapag sinasabi niyang kuya nuya si Henroe - ang gwapong miyembro ng Noxious. Sa daldal at pagiging pakialamera naman nito ay kahit sino hindi maniniwa...
