Chapter 3

100 4 1
                                    

Chapter 3

Habang naglalakad ako sa kahabaan ng corridor, pabalik sa Journalism Room, pinakinggan ko ng paulit-ulit yung interview ko kay Neville.

Because I don't believe in the so called magic of love.

Perokakasabimolangkaninanananiniwala-

Yes, I do believe. But only in the kind of love you feel for friends and family.

Have you been in love?

Yes, an era ago.

Ang weird niya. Na-inlove na siya pero hindi siya naniniwala sa love. Weird.

Pagkapasok ko sa room ay agad akong sinalubong ng nakangiting si Ms. Ocampo.

"Ano, Sab? How was it? Natapos mo ba? Tinarayan ka ba? Kumpleto ba?"

"Ma'am, pwede relax muna? First, it was terrifying. Terrifying kasi hindi man lang siya nailang na tingnan ako habang iniinterview ko siya. Second, yes, natapos ko po. Third, no. He's cocky at first, pero mabait naman. And fourth, yes. Kumpleto." I sighed. "There, nasagot ko na lahat."

"Haaay, buti nalang. Actually, nag-uusap usap kami dito kung matatapos mo kaya yung interview mo eh. Kasi diba, knowing Neville.. well, it's a miracle na natapos mo." she smiled, "Congratulations! Oh, submit your article the day after tomorrow." at tinalikuran niya na ako.

Pagkauwi ko sa bahay, nakita ko si kuya sa sofa na nanonood ng TV. Tamang-tama! Nandito si kuya, tatanungin ko siya tungkol kay Neville.

Umakyat muna ako sa kwarto para maligo at magbihis. Habang nagpapatuyo ako ng buhok, kinuha ko sa loob ng aking bag yung recorder. Pinakinggan ko ulit ang interview naming dalawa. In fairness, ang ganda ng boses niya para sa isang lalaki. Yung tipong gusto mo nalang laging kausapin dahil gusto mong laging mapakinggan ang boses na iyon.

Pagkababa ko, ganoon pa rin si kuya. Nanonood pa rin. Tumabi ako sa kanya at winagayway ko sa harap niya ang recorder.

"Ano 'yan?" sabay kuha niya ng remote at pinindot ang mute.
"Interview with Neville."

Sumandal siya sa sofa at ipinahinga ang kaliwang braso sa sandalang sinasandalan ko. "Parinig nga." Aniya.

Pinindot ko ang play at sabay namin iyon pinakinggan. Nang natapos ay agad namang nagsalita si kuya.

"Si Neville talaga. Tss! Buti nalang at di ka tinarayan." Aniya.

Gusto ko sanang sabihin na noong umpisa ay nagtaray si Neville, pero mas malaking parte nitong isang tanong ang gustong lumabas sa aking bibig.

"Kuya, diba barkada kayo? Nagka-girlfriend na ba siya?"

"Oo." Simpleng sambit ni kuya.

"Eh bakit daw di siya naniniwala sa magic of love?"

"Ayun ang hindi ko alam. Hindi nagkukwento yan si Neville tungkol sa mga ganyang bagay. Hindi nga rin naman nakikitang nakikipag-fling yan eh."

Wala rin naman pala akong makukuha dito kay kuya, badtrip! Akala ko naman mapapakinabangan ko siya dahil tutal naman ay magkaibigan sila.

Ginulo ni kuya ang aking buhok at pinisil ang aking pisngi. "Napapaisip ka ata? Misteryoso ba si Neville? Wag mo nang isipin yun, sasakit lang ang ulo mo!" Sabay tawa niya.

Pero ako, hindi ko pa rin makuhang tumawa. Tumingin ako kay kuya na diretso ang tingin sa akin habang nakangiti. Umayos ako ng upo at tinanong si kuya.

"Eh kung turuan ko kaya siyang ma-inlove kuya, ano?"

Bigla namang bumagsak ang pagkakangiti ni kuya at tumayo siya upang patayin na ang TV.

"Delikado 'yang iniisip mo, Sabine. Delikadong delikado." at pumanhik na siya sa kanyang kwarto.

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon