Chapter 11

44 4 0
                                    

I did not understand. Loading pa sa utak ko. Did he just say that I ruined their practice? Duh! Eh sumunod nga siya sa akin, how the hell did I ruin it? Tsk.

Padabog kong isinara ang pinto ng kwarto ko. Nakakagigil siya! Umupo ako sa study table ko at kinuha ang diary ko. Iniisip ko palang na maglilista ako ng sampu ay kumukulo na ang dugo ko. Ako, nag-e-effort na umisip ng mga paraan dahil lang sobrang na-curious ako. Samantalang siya, nag-e-effort na asarin ako.

Pero mukhang may kung anong sumapi sa akin at dinala ako ng sarili kong mga paa sa practice room. Pagpasok ko ay nagliligpit na sila ng ibang gamit.

"Di na kayo magpa-practice?" Tanong ko.

"Hindi mo naman mapapagpractice kuya mo eh. Sa inasal nun... hinalang bumalik pa 'yon." sabi ni Jero.

"Eh ano bang nasabi ko? Sabi ko lang bumalik na si ate Ivy kasi diba naging friends naman si—"

"Baka hindi lang friends kaya ganun siya." singit ni Kurt.

"Ang alam ko nagkagusto sa kanya si Ivy eh." sabi ni Damon habang pinupulupot ang ilang wires.

"Eh 'yon naman pala! Si ate Ivy ang nagkagusto, eh ba't ang grumpy niya?" nalilito na talaga ako. Ano bang meron sa binalita ko?

"There are some things better left unknown." Neville said coolly.

Pinaningkitan ko siya ng mata. Anong some things are better left unknown, kapatid ko ang pinag-uusapan dito.

"Don't quote me, Mendiola. Alam ko 'yan! I'm just asking kung anong meron sa sinabi ko—"

"You still don't get it, do you?"

Nakakairita na 'tong lalaking 'to ah! Magtatanong ba ko kung gets ko na? "Ikaw Mendiola, napaka-plastik mo rin eh, no? Tinataray-tarayan mo ko, samantalang dinala mo na ko sa rancho niyong ultimo damo may pangalan."

Nagpalipat-lipat naman ang tingin nila Jero sa amin. Tila 'di maintindihan ang pinag-uusapan naming dalawa. Tama ba namang gawin akong feeling close sa kanya sa harap ng mga kabanda niya?

Umigting ang panga ni Neville. Kahit blangko ang ekspresyong binibigay niya, I could still see his jaw perplexed.

"Whoa!" singit ni Jero. "Close kayo, sunshine?"

"Jero, will you stop calling me anything?"

Damon and Kurt was taken aback, kaya hindi na sila nakisali pa.

"Easy! I was just trying to lighten up the mood." Atras niya.

"Well, obviously, you failed." I shifted and narrowed my eyes on Neville. "Ikaw! Ano? Why are you so fake in front of your bandmates? Parang di mo ko kilala at all."

Kinuha niya ang ilang music sheets na nakalapag sa sofa at ini-scan ang mga ito. Hindi ba ito magsasalita?

"Argh! I'm so getting tired of this!" Ginulo ko ang buhok ko at nagmartsa palabas ng music room.

Mabilis akong nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan ni Henroe. Wala siya pero nandito ang sasakyan niya? Weird.

I was about to slide in the driver's seat when I heard footsteps behind me. Nakita ko si Kurt at Jero na tumatakbo papunta sa akin.

"Where are you going?" Tanong ni Jero. Hinawakan niya ang pinto ng sasakyan ni Henroe.

"Why do you care?" Pataray kong sabi.

"No need to be grumpy on me, Sabine. Come on, tell me. I'll drive you."

"As far as I can remember, I can drive. Bye." I slid inside and started the engine immediately.

I texted Andy and asked for her location.

To: Andrea

Where are you? I'm driving na. See you in ten.

From: Andrea

Nasa Starbucks ako. Bilis! I'm watching ate Ivy.

I drove fast because of her text. We've been spying on her since she left. Hindi namin alam kung bakit siya umalis. Even her friends, walang alam. Kahit ang pinsan niyang si Kurt ay walang masabing dahilan sa amin. Just one day, she was gone.

Pinarada ko ang Civic ni Henroe at nagdadasal na sana ay hindi niya mapansing nawala ang kotse niya sa garahe. Dalawa naman ang sasakyan niya, duh!

Nagmadali akong pumunta sa Starbucks at nakita ko si Andy sa may glass window na sumusulyap-sulyap sa direksyon ni ate Ivy.

Umupo ako sa upuan sa harap niya at nilingon lingon din si ate Ivy.

"Tingnan mo siya, Sab. Ang ganda niya na!" Namamanghang sabi ni Andy.

"Maganda naman talaga siya, Dy."

"No. Something about her... changed." She hesitated at the word she used.

"Parang hindi na siya si ate Ivy pero siya pa rin si ate Ivy."

"Huh?"

"Basta may iba talaga sa kanya eh." Inagaw niya ang frappe na hawak ko. "Akin 'yan! Bumili ka nga ng iyo."

"Is that... Aaron?" She suddenly asked.

Nalipat ang tingin ko kay Aaro Lorzano. Ka-batch siya noon nila Henroe at kasalukuyang soccer player ng college nila.

"Pahingi lang eh. Anyway, for good na kaya siya dito?" Tanong ko at pumangalumbaba sa mesa. Should I ask her why she suddenly disappeared? But we were not close before. So obviously, wala akong karapatan magtanong. But curiosity kills me. Argh!

Iniisip ko palang na magtanong ay tumayo na agad si Ivy at lumapit sa table nila ate Ivy. Dahil sa gulat ko ay dali-dali din akong tumayo at sumunod sa kanya. Ano ba namang naiisio niya?!

"Hi ate Ivy!" Bati niya. "You remember us?" NIlingon niya ako at hinatak sa tabi niya. "This is Sabine, Henroe's sister. And I am her bestfriend."

Ngumiti sa kanya si ate Ivy at tumayo. Bineso niya kami sa magkabilang pisngi at nang sa akin na ang pansin niya, ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

"Ang laki mo na! At ang ganda pa." Tumawa lang ako bilang tugon sa sinabi niya.

"Ikaw nga ate Ivy eh. Makinis ka na nga noon, parang lalo ka pang kuminis." Singit ni Andy.

Natawa si ate Ivy sa kanya at iminuwestra ang kasama niya na ngayon ay nakatayo na rin. "Girls, this is Aaron Lorzano. Batch mate namin siya noon ni Henroe."

"Hi!" Bati ni Aaron. Lumingon naman siya sakin at nagtanong. "Kamusta kuya mo?"

Bago pa ako makasagot ay nakita ko ang reaksyon sa mukha ni ate Ivy. Hindi ko malaman kung gulat ba o pagkataranta o takot. What I know is, she suudenly stiffened.

"Uh... he's good. Wala pa ring girlfriend." Sabi ko at nakita kong lumingon si ate Ivy sakin mula sa pagkakatingin niya kay Aaron. I said that because I really wanted to know why Henroe reacted that way before. And because of the words I used, I now have my conclusion. "He's still with his band. New vocalist nga lang."

Humalakhak si Aaron. "Then, that's good. Right, Ivy? Ito ngang si Ivy eh, di pa rin nagkakaboyfriend. Pinipilit ko na nga." Humagalpak siya at kasabay no'n ay ang pagtawa ni Andy.

Ngumiti si ate Ivy kay Aaron at umupo na."That's good. Yeah. He's still the same Henroe. Pursuing what he wants." At tinapunan niya ako ng isang tingin bago nagsimulang abalahin ang kanyang sarili sa pagkain.

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon