Chapter 17

20 1 1
                                        

Chapter 17


Hindi ko alam kung insomnia ba o yung ginawa ni Neville ang dahilan kung bakit napuyat ako. Hindi talaga ako makatulog kahit gaano karaming kurap pa ang gawin ko. Kaya instead of forcing myself to go to sleep, kinuha ko ang laptop ko at tinuloy ang panonood ng kdrama. 

I am so into kdramas but I stopped lately because I just found myself addicted to them. Kaysa manood ako ay sa library ako nagpupunta upang magbasa ng kung anu ano dahil kapag wala akong ginawa ay sigurado akong sisirain ko lang ang pangako ko sa sarili ko. Kaya naman kahit episode 15 na ako ay tinigil ko na. Hindi ko pwedeng tapusin dahil maghahanap lang ulit ako ng bagong papanoorin at tatapusin.

Even though it's already 2 in the morning, I texted Andrea to recommend this drama to her. When I suggest a drama for her to watch, she immediately knows it. This. Freaking. Drama. Made. Me. Cry.

To: Andrea

You better watch Oh My Venus!!!! YOU. MUST!!!!


Dahil natapos ko na hanggang finale, at dahil 4 A.M na rin, nagdesisyon ako na matulog muna kahit isang oras. 7 A.M pa naman ang klase ko pero kailangan kong maaga magprepare. Girls will always be girls. 

Bago ako pumikit ay siniguro kong nakaset ang alarm ko ng 5 A.M. Mahirap na, puyat ako kanonood at may klase pa ako mamaya. Hindi pa rin ako dinadalaw ng antok pero kailangan ko talaga ng tulog dahil baka mamaya naman ay sa klase pa ako datnan. 


I remember dreaming about a Korean model when someone said my name. I'm hearing the voice as if it came from a distant. Yung naririnig mo pero alam mong mula sa malayo ang pinanggalingan. Yung pag ang sarap ng panaginip mo tapos ginigising ka na. 

Ginigising ka na.

Ginigising ka na.

Ginigising ka na!

Agad akong tumayo at nakita ko si Henroe na nakaupo sa kama ko, mukhang nagulat sa biglang pagtayo ko. Hinawakan ko ang ulo ko dahil nakaramdam ako ng pagkahilo at biglang nangitim ang lahat ng nasa paligid ko.

Nang maayos na ang paningin ko ay tiningnan ko siya. Nakaupo pa rin siya doon but he's not looking at me. He's texting someone. Bihis na bihis siya. Oh my god nakabihis siya!

"What the hell!! Anong oras na?" sigaw ko sa kanya.

Without looking at me he said, "6:10. Dalian mo, kakain ka pa."

Oh my god!! We have to leave at 6:40 and 30 minutes won't be enough for everything. Tumakbo ako papasok ng banyo at habang nagttoothbrush ako ay iniisip ko kung alin ba sa routine ko ang aalisin ko muna dahil magkukulang ang 30 minutes ko. Pagligo ko palang yung 30 minutes na 'yon, eh!

Binilisan ko ang pagligo ko. Agad kong sinuot ang bathrobe ko at kinuha ang towel pangtuyo ng aking buhok. Paglabas ko ng banyo ay wala na si Henroe. Pagtingin ko sa wall clock ko ay laking gulat ko nang 6:22 na. What?!! 12 minutes na agad 'yon eh halos sirain ko na yung shower lumakas lang yung tubig na bumabagsak sa akin.

Nagbihis lang ako at hindi na nagsuklay at makeup pa. Ano ba naman 'yan, oh! Plano ko pa namang pumasok nang naka-braid ngayon. Kainis!

Pagbaba ko ay kumuha lang ako ng isang sandwich sa lamesa at agad nang lumabas ng bahay. Henroe's already inside, waiting for me, nang makapasok ako sa kotse.

Habang nasa biyahe kami ay doon na ako nagsuklay, lagay ng powder at lip tint, at pinatuyo ang buhok ko nang lumiko sa ibang direksyon ang driver namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling na-update: Feb 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

10 Ways To Make Him Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon