Hi guys! I am back. Suuuper thank you for staying even the updates are just, errr... like once in a blue moon. Plates aren't done yet but midterms week is over so, refresh lang tayo ng kaunti. Your patience truly means a lot to me, so again, thank you! :)
----
Hindi ko alam kung paano nalusutan ni Neville ang mga tingin ni Henroe, basta nalang ay sila na ang nagusap-usap and once again, kaluluwa na naman ako para sa kanya.
I decided na lumabas na ng kwarto and let them have the time for boys' talk. I entered my room, grabbed my journal until I fell into sleep.
"Sabine!!" tili ni Andy.
"Ano? Makatili naman 'to, pinagtitinginan tayo ng mga tao oh." nilingon ko ang paligid and true enough, nakatingin nga ang mga tao sa amin. Hinatak ko siya palabas ng bookstore ngunit ayaw niyang magpatinag.
Hinampas niya ang kamay kong nakahawak sa kanya. "Wait lang, ano ba! Saan ba tayo pupunta?"
"Lalabas na tayo. Wala ka rin namang binili, eh."
"Well..." hinawi niya ang kanyang buhok, "ngayon ay bibili na ako. Wait ka lang diyan, aura lang ako dito. Hep! Diyan ka lang, 'wag kang lalabas at magtatangkang iwan ako." pinanlakihan pa niya ako ng mata bago siya mawala sa mga rows ng mga libro.
Para naman libangin ang sarili ko, tumingin-tingin na rin ako ng mga libro. Madaming magagandang mga libro, sa sobrang dami hindi ako makapili kung alin ang uunahing bilhin at isusulat muna sa wish list. Tinanaw ko ang aking kaibigan at napailing nalang ako nang makitang isa sa mga mag-aaral din ng aming school ang tinutukoy niya sa 'aura' niya.
Bitbit ang apat na libro na napili ko, pumunta ako sa section ng mga journals. Dahil dala ko ang laptop ko, kinailangan ko pang gumilid gilid hindi lamang ito mabangga sa mga shelves. Sa sobrang pag-iwas ko, hindi ko na nakita ang dinadaanan ko. Nabangga ako sa isang tao dahilan upang malaglag ang mga bitbit kong libro.
"Tulungan na kita." sabi ng isang pamilyar na boses.
Naunahan niya na akong dumampot ng mga libro kaya naman nanatili akong nakatayo at nakatingin sa nakayuko niyang pigura. Nang umangat siya ay halos hindi ko na maintindihan kung anong dapat maramdaman. Napatulala ako sa lalaki.
"Sab!" nagising ako mula sa pagkakatulala sa kanya. Nakangisi na siya sa akin. Haay, nakakahiya!
"Uhhh... Austin?!"
"Buti naman kilala mo pa ako." kindat nito sa akin. Inabot niya sa akin ang mga libro. Hindi ako makapaniwala na siya nga ang nakatayo ngayon sa harapan ko.
Niyakap ko siya ng mahigpit, 'yung tipo ng yakap na bumabawi sa tatlong taong nawala. Ganoon kahigpit.
"Sab... hindi na 'ko makahinga."
"Ayy! Sorry sorry sorry." binitawan ko siya at inayos ang collar niya.
"Ikaw naman! Hanggang ngayon ba naman naloloko pa rin kita na hindi ako makahinga kapag niyayakap mo ako?"
"Loko ka talaga!" hinampas ko siya sa braso.
"Ouch! Ang sakit mo na pumalo ah!" simangot niya.
"Hindi mo na ako maloloko, Austin. Nagawa mo na ng isang beses." irap ko.
"Ang cute mo pa rin, Sabine-ila." kurot niya sa pisngi ko.
"Tantanan mo na nga 'yang kakatawag ng Sabine-ila sa'kin!"
"Eh sila naman kasi nagsabing cute ka, hindi naman ako."
"Tse! Paanong nandito ka? Kailan ka pa dumating? Bakit hindi ka man lang nagsabi? Saan ka tumutuloy ngayon?"
BINABASA MO ANG
10 Ways To Make Him Fall In Love
Fiction GénéraleBelieve it or not, magkapatid talaga si Henroe at Sabine. Akala palagi ay nagloloko lang si Sabine kapag sinasabi niyang kuya nuya si Henroe - ang gwapong miyembro ng Noxious. Sa daldal at pagiging pakialamera naman nito ay kahit sino hindi maniniwa...
