Chapter 5
"Asan si Henroe?" Medyo lumayo ako sa kanya dahil masyado akong malapit at hindi pa naman pala ito si Henroe.
"Amyté."
"Hindi. I mean, nasaan siya? Bakit hindi siya yung sumundo sakin?"
"He's probably enjoying the night." simple niyang sinabi.
"Asshole." bulong ko. Sira ulong Henroe. Bwisit!
"Hey, lady! Don't call me that. Pasalamat ka nga at sinundo pa kita." sumulyap siya sa akin. Hindi naman para sa kanya 'yon, nagrereact siya diyan. Bahala siya!
"Am I referring to you? Tss." Inirapan ko nga. Walang hiya talaga si Henroe. Alam ko na plano ng purutong na ito.
Hindi na siya sumagot pagkatapos no'n. Nang natanaw ko na ang matingkad na mga kulay ng ilaw na sumisigaw ng AMYTÉ, ay inayos ko na ang sarili ko.
"You dress too plain. Seems like you don't do partying." Nakakagulat 'tong lalaking 'to. Bigla-biglang nagsasalita.
"What? What's wrong with these?" Tiningnan ko ang sarili ko. Wala namang mali sa suot ko. Peach heart-shaped tube dress with brown boots, I don't see anything wrong here. Tss! Ang buhok ko naman ay nakahawi sa balikat ko at tuwing bumabagsak ang bangs ko ay sinusuklay ko ito ng daliri ko pataas. Sinuot ko rin ang lock heart necklace na binigay ni Henroe noong nag eighteen ako.
Pinark niya sa parking lot sa harap ng Amyté ang Audi convertible ni Henroe. Lumabas na siya habang tinatanggal ko ang seatbelt ko.
"Come cowgirl, we got a lot of horses to chase." Humahalakhak niyang sinabi at sinara na ang pinto.
BADTRIP NA LALAKI! BWISIT!!
Sinundan ko siya papasok ng Amyté. Habang naglalakad siya nang di ako nililingon ay minumura ko naman siya sa isip ko. Bwisit! Ang yabang. Pero ang gwapo niya pag tumatawa. Lagi nalang kaya akong magdamit ng ganito? Para naman lagi din siyang tumatawa? Hay, Neville.
Papunta siya sa isang table at nakita ko sa table na 'yon ang sira ulo kong kapatid na si Henroe. Inunahan ko sa paglalakad si Neville at binatukan si Henroe mula sa likod.
"Aray! What the--"
"Fuck you, Henroe!! Ba't hindi mo ako sinundo?" Iritado pero pabulong kong sabi.
"What? What, baby? I can't hear you!" Sigaw niya sa akin kahit alam ko namang narinig niya ako dahil nilapit ko ang aking bibig sa kanyang tenga para marinig niya iyon ng mabuti.
"You're an asshole." Sabay tayo ko ng diretso.
Tumawa lang siya at iminuwestra na umupo ako sa tabi niya. Sinunod ko naman siya at umupo ako dun. Pinulupot niya ang kanyang kaliwang braso sa aking balikat at may binulong, "Baby, I'm just doing you a favor. I thought tuturuan mo siya ma-inlove? This is your chance," tumingin ako sa kanya "Do whatever the fuck your mind says."
Sumulyap ako sa kanya at bumulong, "I'll do it my way, Henroe. I don't need your stupidity."
"Ouch! Mas nakatatanda pa din ako," Sabay wiggle ng eyebrows niya.
"Yeah! 1 year. Sucks, right?" tumayo ako at kinuha ang shot ng margarita sa harap.
"Hey, hey! You're not allowed to drink that young lady. Umorder ka ng hindi alcohol. Maybe water, eh?"
Nilagok ko yun at padabog na inilapag ang baso sa harap niya.
"I'll dance. I don't need your help. I. Don't. Need." at pumunta na ako sa dagat ng mga nagsasayaw.
Habang nagsasayaw ako kasama ang ilan sa mga babaeng kakilala ni Henroe, nakita ko sa malayo si Neville na may hawak na bote ng beer. Diretso ang tingin niya sa akin. Luminga-linga ako para tingnan kung may binabantayan ba siya pero wala namang mukhang may alam sa pagtingin ni Neville. Mukhang ako talaga ang binabantayan ng kumag. Hinayaan ko siya at nagsayaw ng nagsayaw.
Lumalalim na ang gabi kaya peak na ng party. Mas nagiging wild ang mga sumasayaw. Ayoko ng sumayaw. Ang laswa na ng mga babae. I don't do that kind of dancing. I'm not that kind of girl. Medyo nahihirapan akong umalis dito dahil nag gigitgitan na ang mga tao at siksikang nagsasayaw nang biglang may humatak sa akin. Asshole! May heels ang boots ko.
"Hey! Where do you think you're bringing me Neville?"
"I'm bringing you home."
"WHAT?" ano bang problema nito? "We just got here."
"I know. Eh kung dalhin nalang kaya kita sa isang ranch?" halakhak niya.
"Idiot! Nasa city tayo. Saan ka makakakita ng ranch dito?" irap ko sa kanya.
"Edi we'll go to a province. Where there is a ranch."
May kinuha siyang susi sa kanyang bulsa at pinatunog ang isang sasakyan. Sa tunog nito, I'm sure it is not Henroe's convertible, it is his car.
Shoot. His car. Damn Ford Ranger.
At tinulak niya ako papasok sa loob ng passenger's seat.
BINABASA MO ANG
10 Ways To Make Him Fall In Love
General FictionBelieve it or not, magkapatid talaga si Henroe at Sabine. Akala palagi ay nagloloko lang si Sabine kapag sinasabi niyang kuya nuya si Henroe - ang gwapong miyembro ng Noxious. Sa daldal at pagiging pakialamera naman nito ay kahit sino hindi maniniwa...
