Chapter 1

191 4 3
                                    

Chapter 1

"Are you ready?" Ms. Ocampo asked.

"Yes, Ma'am!" I replied gleefully.

"Remember, no below-the-belt questions, okay? Baka kalagitnaan palang ng interview niyo eh layasan ka 'non. Clear?"

"Crystal clear!" sabay salute ko.

Ms. Ocampo laughed, "Ang sigla mo ah? Go now, I told him to wait inside the meeting room. Baka mainip pa 'yon. You know how ratty he is pag pinaghihintay." Sabay wiggle ng kilay niya.

Parang bata talaga itong si Ms. Ocampo. Well, bata pa naman talaga siya, she's just 22. Fresh graduate palang ay agad ng nakapasok dito sa EMA. Siya ang aking Journalism Adviser. Kung kakausapin mo siya ay parang estudyante lang din siya ng EMA kung hindi lamang siya naka-unipormeng pangguro.

Nginitian ko nalang si Ma'am at nagpaalam na aalis na ako.

This is it! Today, I got the chance-pero privilege kung tawagin ng iba- to have an interview with the campus' heartthrob for our school newspaper. I don't know why we considered putting some information about his life eh wala namang kinalaman iyon sa mga kaganapan sa school, hindi rin naman siya ganoon kaimportanteng tao- o baka sa paningin ko lang. Pero alang-alang sa newspaper namin, para mas lalo itong pumatok bago man lang kami gumraduate, ay gagawin ko. Sigurado akong papatok itong newspaper dahil ang Zeus of the modern generation na kanilang tinitingala ay magsisiwalat ng iilang bagay tungkol sa kanyang boring na buhay.

Hindi sana ako mahirapan sa interview na ito dahil kabanda naman siya ng kuya ko. Sana ay maayos ang magiging pag-uusap namin.

Habang naglalakad ako papuntang meeting room ay tiningnan ko ang papel na hawak ko. Sa papel na ito nakasulat ang mga tanong na inihanda na ni Ma'am Ocampo, mga tanong na sigurado siyang mas may pag-asang sagutin ni interviewee kaysa sa mga tanong na inihanda ko.

1) May girlfriend ka na ba?

(follow-up: Kung wala, edi bakla ka?)

2) Saan ka nakatira?

3) May crush kaba ngayon dito sa EMA?

4) Nagpupunta ka ba sa gym?

5) Na-basted ka na ba?

Wala bang pag-asang sagutin niya ang mga ito? Naisip ko lang naman ang mga ganitong tanong dahil ang mga ito ang sa tingin kong bumabagabag sa isipan ng kanyang batalyon.

Kumatok muna ako sa pinto pagkatapat ko rito. Hingang malalim, at dahil wala namang sumagot sa katok ko, ay pinihit ko na ang doorknob. Pagsilip ko ay madilim at mukhang wala pa siya dito.

"Hello?" Nandito na kaya siya? "May tao ba dito?"

Bigla namang bumukas ang ilaw ay nakita ko ang isang lalaking nakahalukipkip na nakasandal sa gilid ng pintuan. Mukhang ginamit niya ang likod niya para pindutin ang switch ng ilaw.

Maliit lang ang distansya namin dahil nakasilip nga ang posisyon ko sa pinto. Nginitian ko siya at babati na sana pero..

"Hindi ko pa nga sinasabing buksan mo na ang pinto, pumasok ka na agad. Tss!" sabay talikod niya sa akin at lakad papunta sa conference table at upo sa swivel chair.

Tiningnan ko ang lalaking nagtataray sa akin. Gwapo siya. Hindi ko na iyon ipagkakaila dahil marami naman ang nagkakagusto sa kanya. Mula sa mga matang kulay brown, na nakakatakot kapag tumitig sa iyo, sa matangos na ilong, sa mapupulang labi, katamtamang kulay ng balat-hindi moreno at hindi rin tisoy- hanggang sa pangangatawang kapansin pansin. Hindi siya maskuladong tipo pero alam mong nagwowork out siya dahil sa biceps at triceps na lumilitaw sa kanyang braso sa tuwing hinahawi niya pataas ang kanyang t-shirt tuwing P.E.

Pumasok nalang ako at di na sinagot ang kasupladuhan niya dahil baka kung ano pa amg masabi ko at di ko pa makuha ang interview na 'to. Habang nilalapat ko ang pinto at nakatalikod sa kanya, inismidan ko siya at pinaulanan ng sapak sa isip nang mailabas ang pagkaasar ko. Umupo ako sa upuang nasa tapat niya sa kabilang bahagi ng table.

"Shall we start? Ang bagal mo, baka magbago pa ang isip ko." Utas niya.

ABA'T ANG LALAKING ITO TALAGA!

  

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon