Chapter 7

100 3 4
                                        

Huminto kami sa parang isang public park. Actually, di ko masasabi kung public park ba ito or what, hindi naman kasi siya developed pero napakaganda ng lugar. Nilagyan lang ng mga benches na nakaharap sa magandang tanawin- kitang kita ang bundok, ang matataas at malulusog na pananim, at ang mga magsasakang maaga palang ay nagbabanat na ng buto.

Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng isang bench. Kinalas niya ang kantang seatbelt at lumabas. Habang tinatanggal ko ang seatbelt ko ay binuksan naman niya ang pinto ng backseat at kinuha ang mga pagkain namin.

Napansin niya sigurong tinitingnan ko siya kaya nag-angat siya ng tingin at nagtama ang aming paningin. Nag-iwas agad ako ng tingin. Nakakahiya.

Bumaba ako ng sasakyan at umupo sa bench sa tapat. Hindi ko siya nililingon. Di ko kaya. Naaakit ako ng kagwapuhan niya.

May naramdaman akong lumapat na tela sa balikat ko.

"Wear that. It's still dawn. Too early for you to rodeo." seryoso niyang sabi.

Okay na eh. Kikiligin na talaga sana ako. Alam na alam talaga nito ni Neville kung paano manira ng moment.

Oo nga pala! Naka-tube dress nga pala ako. Naramdaman ko na rin sa balat ko ang lamig kaya naman di na ako umapila.

Sinunod ko nalang siya at sinuot ang gray jacket niya. Makapal ito kaya tamang-tama lang para maibsan ang ginaw ko.

"Thanks. Paano ka?" sabi ko. Iniabot niya sa akin 'yong burger na binili niya at fries. May pahabol pang coffee float.

"Don't mind me. Ladies should come first." Sabi niya. "Eat."

Hindi ko siya maintindihan. English kasi ng english. Joke! Syempre naintidihan ko naman 'yon. Para saan pa't naging miyembro ako ng Journalism diba kung 'di ko rin naman kayang mag english.

Kumain kami ng tahimik at walang nang-ahas na mag-umpisa ng usapan hanggang sa piliin kong basagin ang nakakabinging katahimikan na 'yon.

"Saan ka mag-aaral pag college?" Sabi ko.

"Dunno. Haven't planned anything yet." Simpleng sabi niya.

"Di ka ba nag-aalala? I mean, buwan nalang ang bibilangin bago tayo mag-graduate."

"There are things that should be done first 'cause it came first."

Okay. Nanahimik nalang ako. No comment.

It's not that I didn't understand him. Oha! Napa-english din ako. Hahaha! Minsan kasi, almost na yung sagot niya pero.. ewan! Dunno.

Ang pagkakaalam ko kasi talaga sa isang 'to, grumpy siya masyado. Kaya nga walang love life eh. Biruin mo, babae na lalapit sa kanya, pinagtutulakan pa. Palibhasa gwapo! Tsk!

Niyaya naman niya ako na may pupuntahan daw kaming ranch kaya sige at gora na! Ako pa ba, aarte? Si Neville na nagyaya oh! Hindi naman ako patay na patay sa kanya, tama lang para magpauto ako sa mga kalokohang gusto niyang gawin.

Pagkadating namin sa ranch na iyon ay kulang nalang saluhin ko ang baba ko dahil napanganga talaga ako sa laki ng lupain nila. Rancho kung rancho si kuya.

"Inyo 'to?" Namamangha kong sabi.

"Oo, ayaw mo?" Sagot niya.

"Di, nagulat lang ako. Ang laki kasi." At ngumiti ako sa kanya.

Habang naglalakad kami ay may tinawag siyang isang matandang lalaki na mukhang care taker ng rancho nila. May kasama siyang kabayong kulay puti. Nilingon naman niya kami at lumapit sila sa amin ng kasama niyang kabayo.

Nagagandahan ako sa kabayo kaya napangiti ako dahil nae-excite akong sakyan siya. Cowgirl pala eh, edi panindigan na!

"You won't ride Renzo. Doon ka sasakay." Bulong niya na akala mo nabasa niya ang nasa isip ko.

May tinuro siya sa malayo at nang sinundan ko ng tingin ang tinuturo niya ay agad ko nang pinagsasapak, suntok, mura, sipa sa isip ko si Neville.

Sa kalabaw? Seriously?!

--
At seriously ulit, wala na bang mas sasabaw pa sa mga updates ko? Hahaha! Sorry. Need to write this or else, tatamarin na ang kagandahan ko. Charing! :)

10 Ways To Make Him Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon