Chapter 2

113 5 0
                                    

Chapter 2

Umubo muna ako para i-kondisyon ang boses ko. Hindi naman yung ubo talaga, duh!


   "Do you mind if I record this conversation?" Medyo nakakakaba 'to ah! Hindi ko inasahan na ganito ka-intense ito. Parang kriminal ang kausap ko kung kabahan ako.


Nagkibit-balikat lang siya at sinabing "Magsimula na tayo. Ayaw kong maging grumpy sayo kaya wag mo akong sagarin."


KINAKABAHAN TALAGA AKO! Grabe, he's really intimidating.


"Okay. Uh.. we will start." Pinosisyon ko muna yung recorder na dala ko sa table at pinindot na ang record. "First, introduce yourself."


Parang nagulat siya sa itinanong ko at parang hindi niya inasahan na ganoon ang itatanong ko. Napakunot noo pa siya sa tanong ko.


"Neville Bryn Mendiola. Neville." simple pero malamig niyang sambit.

Talagang specific ang sagot niya. Kung ano ang itinanong ko ay sinagot niya lang naman ng sakto. Hindi man lang siya nag-abalang magsayang ng laway.

"Yun lang?"

"Uh-huh."

"Next, do you have any life outside school?"

"Yes."

"What things catch your attention?"

"In terms of what?"

Shocks! Walang isinulat si Ma'am kung tungkol saan. Okay, adlib here.

"Uh.. let's say.. in general."

"Well, if you're asking about activities, I like those that requires effort. Yung tipong pagpapawisan at pag-iisipan ko para mapanalo ko. Kung sa courtship naman.." seryoso niya akong tinitigan na para bang naghahanap siya ng clue ng excitement sa aking mukha. "Pass."

Phew! Intense, shocks! Hindi ko nalang siya tiningnan para hintayin ang sagot niya at nagtanong na ulit."Do you believe that there is love?"

"Yes."

"Do you have a girlfriend?" Shoot! Bakit nakasulat ito dito? Akala ko ba no below-the-belt questions?

"No." His gazed was so intense as if he's looking for something beyond the person in front of him. Para bang, may kulang. Parang may itinatago ako sa kaloob-looban ko na dapat kong itago dahil kung hindi, hindi matatapos ang interview na ito.

Yes, I am hiding something. The unease feeling because of him, in front of me.

"Would you mind if I ask you why?" I tried to remain calm as possible pero mukhang hindi ko na kayang itago. I played with my fingers and intertwined them together under the table. Doon nalang ako tumingin kahit ramdam na ramdam ko ang pagtitig niya. Kung may taong dapat makaalam na nai-intimidate niya ako, ako lang. Ako lang dapat.

"Because I don't believe in the so called magic of love." This time, he caught my attention. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Pagkatingin ko sa kanya ay nakita kong hinahanap niya ang mata ko para tingnan iyon habang sinasabi niya ang isang pangungusap na nakapagpalito sa akin, ngunit nag-iwas din agad ng tingin.

"Pero kakasabi mo lang kanina na naniniwala-"

"Yes, I do believe. But only in the kind of love you feel for family and friends." singit niya.

"Have you been in love?"

Hindi niya agad sinagot ang tanong ko. Sumandal siya sa swivel chair na kinauupuan niya habang tinatapik ng daliri ang table. Bumuntong hininga siya at sinabing "Yes. An era ago."

Okay, intimidating talaga. "Okay, it's alright kung ayaw mong pag- usapan. Next, how do you see yourself after 5 years?"

"Are those questions already listed?"

Tumango ako.

"Akala ko adlib. Iisipin ko na sana na crush mo ako." He smirked. " Well, back to your question. After 5 years.. uh, what?.. same? Yeah, same. Wala akong plano. I just go with the flow. I don't build plans to block the flow. Kasi kung pipigilan ko yung pag-agos, babaha. Ako din ang magsu-suffer." Aniya sabay ngiti.

"Wow! Good point well made. Thank you! So ayun lang," Nginitian ko siya, "As we promised, very few questions," tumayo ako at naglahad ng kamay sa kanya, "Thank you, Mr. Mendiola."

Tiningnan niya ang kamay kong nakalahad para makipagshake hands. Hinawakan niya iyon at nakipagshake hands na din.

"My pleasure. Thank you for this interview. Sakto pa't I need a diversion right now. I won't say sorry pero kalimutan mo na yung pagiging grumpy ko kanina." Binitiwan niya na ang kamay ko. May parte sa aking na-disappoint dahil sa di malamang kadahilanan.

"I hope this won't be the last? Bye." Sabay talikod niya sa akin at labas ng pinto.

Oh, Neville. Such a mystery.

10 Ways To Make Him Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon