DAY 32/90 BROKEN VESSEL

151 7 0
                                    

Hi there! Day 18 yung pinaka last update ng sharing of Bible Reading ko on line. Naging busy kasi ako past few weeks kasi nag aapply ako ng trabaho, busy sa fund raising nung Encounter Weekend at G12 Regional Conference, Medical Mission, Pag organized ng Kasal at pag aayos ng requirements.
HAHAHAHA! Ang busy ko lang no? All glory sa Lord dahil ginagawa nya akong productive Ü

*******
DAY 32/90

Ang hirap patawarin nung mga taong sobra-sobrang nanakit sayo. Physically, Mentally or Emotional man.

Ang hirap nilang patawarin lalo na kung nasaktan ka talaga nila. Yung tipong, gusto mo na silang sunugin ng buhay dahil sa galit mo sa kanila.

But, alam nyo ba. Nung Holy Week. Uso ang Movie Marathon ng Passion Of The Christ.

Last, Semana Santa. Ang nag ministered sakin na word ay yung sa The Bible. Nung sinabi ni Jesus kay Peter na, "Mag kasama nating babaguhin ang mundo."

Alam mo yung, grabe yung impact sakin nung word na yun. Thru that Movie nakapangusap sakin ang Lord. ---Oh by the way, sa mga hindi nakaka alam. Isa po ako sa mga Cell Leaders ng Churh namin. (Family In Christ Church Meycauayan Bulacan)

Tapos, ngayon naman. Ang pinaka matinding revelation sakin ng Lord ay yung sa Movie na, Passion of the Christ.

I see how Jesus suffer habang inuusig Sya ng mga tao at kung paano Sya inaalipusta. Alam mo yung pakiramdam na, Hindi mo matitigan yung ginagawa nila kay Jesus. Kasi alam mong sobrang sakit nun at alam mong ginagawa at tinitiis Nya yun para SAYO.

Habang pinapanuod ko yung suffering ni Jesus through the Movie of Passion of the Christ. I remember the song, Broken Vessel.

Sabi kasi sa kantang yun, "I once was lost, But now i found. That saved the wrentch like me. -- I can see you now, I can see the love in your eyes." (Search nyo nalang yung kantang Broken Vessel nakalimutan ko kung sino ung kumanta eh.)

The word that ministerd me ay yung sinabi ni Jesus na, "Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa."

I'm kinda like, "What Lord!? Mukhang hindi ba nila alam yung ginagawa nila Sayo? Binububog ka nga nila tapos hinahampas pa at pinag buhat ka pa ng cross. Tapos sasabihin mo 'hindi nila alam yun'?"

Pero habang sinasabi ko yun sa isip ko habang nanunuod ng Passion of the Christ.

I feel so broken, kasi sabi ni Lord. "Anak, hindi talaga nila alam yung ginagawa nila. Kung alam lang nila, malamang ay hindi nila gagawin yun. Kontrolado sila ng Kaaway."

But sabi ko naman, "eh bakit kasi sila nag pacontrol! Hindi ba nila alam na ikaw yung Diyos, Hindi ba sila nasasaktan sa ginagawa nila sayo? Ganun naba katigas yung puso nila? Na tuwang tuwa pa sila habang ginagawa nila Sayo yun?" Iyak ako ng iyak habang nag cocontradict yung isip ko at si Lord.

Sa isip ko kasi, alam ko na. Masakit yun, madapa nga lang masakit na. How much more pa kaya kung 3 oras kang binugbog. 12nn nh inusig si Jesus, at 3pm ng ipako sya sa Crus. Hindi normal yun!

But then, God keep talking to me and i leads me cry even more. When He say, "Anak, nung gumawa ka ba ng kasalanan naisip mo din ba na masasaktan ako? O habang gumagawa ka ng kasalanan. Tuwang tuwa kapa? Hindi mo ba naisip na masakit para sakin na ginagawa mo yun?"

Those question of the Lord. Breaks my heart. Who i am to judge those people?

Para akong tanga na, umiiyak sa harap ng T.V habang nanunuod ng Passion of the Christ. And the last word na sinabi ni Lord sakin,

"Mahal kita, kaya titiisin ko kahit masakit.

Mahal kita, kaya kakayanin ko kahit mahirap.

Mahal kita, kaya ginagawa ko ito.

Mahal kita, at kung ito yung tanging paraan para lumaya ka sa kasalanan mo at mailigtas yang kaluluwa mo. Kakayanin ko, kahit mahirap, kahit masakit, kahit hindi ko deserved to. Kakayanin ko. Para mapatunayan ko sayo na. Mahal na Mahal kita. At Handa kong gawin ang lahat mailigtas ka lang."

Luke 23:34
Jesus said, "Father, forgive these people! They don't know what they're doing."

#BrokenVessel.

Send Your RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon