Chapter 8

1.4K 76 4
                                    

Chapter Eight

SPG 81+

Nagising ako sa katok na nanggagaling mula sa pinto ng apartment ko. Kahit nasa kwarto ako rinig ko pa rin iyon. Bumaling ako ng tingin sa orasan na nakasabit sa may dingding at nakita kong ala-una y medya na ng madaling araw. Sino naman ang kakatok nang ganitong kaaga?

Muli kong narinig ang katok at aaminin ko, kinakabahan ako. Kahit na nag-aalanganin ay tumayo ako at lumabas ng kwarto para tignan iyon. Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at nagulat ako nang makita ko kung sino iyon.

"Lisa...." I saw tears streamed down his face. Napanganga ako sa gulat at hindi ako nakaimik lalo na ng bigla niya akong yakapin.

"Lisa..." Humihikbi niyang sabi habang yakap yakap ako nang mahigpit. Batid kong lasing siya dahil naamoy ko ang alak sa katawan niya.

"Jennie..."

"Kahit ganito lang, kahit kagaya lang dati, Lisa. Gusto ko yakapin mo lang ako, kahit ito lang, please." Umiiyak niya sabi. Nakapikit ako at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Lili naman, h'wag na sabing umiyak." Mahinahon niyang sabi sa akin pero inirapan ko lang siya. Walang hiyang lalaking 'to, pagtapos ako paiyakin iyon lang ang sasabihin niya? Kung tatanggalan ko kaya siya ng buhok sa katawan?! Siraulong 'to!

"Lumayas ka rito! Hindi kita iiyakan!" Sigaw ko sa kanya pero mas lalo siyang lumapit sa akin. Kaya nagtago ako sa ilalim ng kumot habang yakap yakap ang unan ko.

"I was just kidding, nagbibiro lang ako."

"Hindi ako bobo! Tinagalog mo lang!" Sigaw ko ulit sa kanya, naramdaman ko ang pagyakap niya mula sa likuran ko.

"Misis ko naman, patawarin mo na kasi ako. Sige na hindi na kita aasarin na matakaw, maingay, makulit, asar talo at mataba." Mahina siyang tumawa kaya mas lalo akong nainis. Hindi niya ba alam na ayaw ng mga babaeng sinasabihan silang mataba? Kainis!

"Bahala ka sa buhay mo! Bwisit kang lalaki ka!"

"Ito naman, hindi na mabiro. Paamoy nga sa baby ko." Sabi niya at tsaka ibinaon ang mukha niya sa may leeg ko.

"H'wag mo akong amuyin! Mabaho rin ako!"

"Hindi naman ah, amoy baby ka nga eh. Ang sarap amuyin." Sabi naman niya.

"Ewan ko sa'yo, Kim! Hindi mo ako madadaan sa mga panlalambing mong iyan. Nabubwisit lang ako sa pagmumukha mo!" Sabi ko sa kanya.

"Pambihira, bakit ako noong sinabihan mo ng pangit, siraulo, gago, manyakis at kung anu-ano hindi naman ako nagalit? Bakit ikaw sabi ko mataba ka, halos ipagtabuyan mo na ako. Dyahe naman!" Reklamo niya. Humarap naman ako sa kanya at tinignan siya nang masama.

"Bakit, nagrereklamo ka? Sino ba ang babae sa ating dalawa, hindi ba't ako? Kung putulan ko kaya iyang pagkalalaki mo ng makita mo kung ano ba hinahanap mo!" Inis na inis kong sabi sa kanya.

"Ano pa bang magagawa ko? Wala naman akong palag sa'yo." Nakasimangot niyang sabi.

"Buti naman alam mo." Masungit kong sabi sa kanya. Hinayaan ko siyang yakapin ako mula sa likuran ko dahil nakasanayan na namin ang ganito. Malandi kasi ang lalaking ito at kakaiba ang paglandi nito sa akin. Matagal kaming nasa ganoong posisyon at pinaglalaruan niya lamang ang tiyan ko at dahil sa manyak ang lalaking ito, hindi lang ang tiyan ko ang pinaglalaruan niya.

My Husband's Kisses [Completed] Where stories live. Discover now