Chapter Twenty Six
Mula sa terasa ng bahay, tinignan ko ang mga anak ko na naglalaro ng basketball sa court na ipinagawa ko sa tabi ng pool. Halata sa mga mukha nila na nageenjoy silang maglaro ng basketball. Tinanggal ko ang parusa ko sa kanila dahil first time palang naman nila itong ginawa at nauto na naman nila ako. Sinadya ko rin na magpagawa ng maliit na court sa tabi ng pool para mayroon silang mapaglaruan. Sarili ko ring disenyo ito at ako rin ang naging engineer sa pagtatayo ng bahay namin. Gusto ko kasing makasigurado na magiging maganda ang bahay namin para magkaroon ng saysay lahat ng pinaghirapan ko sa kompanya.
Naalarma ako ng biglang madama si Louise habang tumatakbo, lalo na nang hindi ito makatayo at mukhang nabalian pa. Nakita ko si Luca na mabilis na lumapit sa kapatid niya at ininspeksyon ang paa ni Louise.
Unti unting sumilay ang ngiti sa mukha ko ng ipasan ni Luca ang kapatid niya at dalhin ito sa kinaroroonan ko.
"Mom, it hurts." Reklamo ni Louise nang maibaba siya ng kuya niya sa harap ko.
"Sabi ko sa inyo na mag-iingat kayo di ba?" Ipinatong ko sa hita ko ang paa ni Louise na nabalian at ininspeksyon iyon.
"Mag sout muna kayo ng damit, tirik na tirik ang araw at gustong gusto n'yong maglalaro ng basketball." Sabi ko sa kanila. Hindi rin kasi sila maawat at gustong gusto maglaro, dahil weekends lang sila nakakapaglaro.
"Luca, get some ice and ice compress inside." Utos ko sa anak ko. Sumunod naman ito at pumasok sa loob para sundin ang utos ko.
"Mommy, makakalakad pa ba ako? Makakapaglaro pa ba ako ng basketball? Makakapag swimming pa ba ako? I'm scared, mom." Sunod sunod na tanong ni Louise.
"Kung mag-aaral ka na, at magpapakabait sa school, gagaling ka." Sabi ko sa kanya habang dahan dahan na hinihilot ang paa niya. Hindi naman malala ang nangyari sa kanya, yelo lang at ayos na.
"Talagang mommy? Kapag ba nagpakabait na ako gagaling ako? Kapag natulog ba kami ng maaga ni Kuya gagaling agad ako?" Inosenteng tanong ni Louise sa akin.
"Oo naman, at malay mo bigyan ka pa ng nasa taas ng gift. Kaya magpakabait ka." Bigla namang dumating si Luca dala ang ice compress at yelo. Nilagay ko agad ang yelo sa ice compress at ipinatong sa paa ni Luca para hindi mamaga.
"Gusto n'yo bang magmeryenda?" Tanong ko sa kanila. Sabay silang tumango kaya nilagyan ko ng chocolate cake ang dalawang platito na kanina ko na inihanda kung sakaling magutom sila.
"Wala ba kayong balak suotin ang mga damit n'yo?" Iniabot ko kay Luca ang isang platito at nilagyan ng juice ang baso niya.
"Mommy, pagpapawisan lang kami. Kaya huhubarin na lang namin." Sabi ni Louise.
Sinusubuan ko si Louise ng cake habang nakapatong naman ang paa niya sa hita ko. I need to take care of him, at baka hindi ako mapakali mamaya kung sakaling hindi pa ayos ang anak ko.
"Mommy, hindi na siya masakit pero malamig."
"Malamang, pinatungan ng yelo kaya malamig." Masungit na sabi ni Luca. Sumimangot lang si Louise sa sinabi ng kuya niya samantalang ako ay napangiti. Close talaga silang dalawa, nahihiya lang ipakita. Magkayap nga sila matulog minsan, tapos laging sabay maligo 'yang dalawa. Nahihiya lang talaga sila, kasi nga lalaki sila. Natutuwa rin ako kapag nag-aaway sila kasi hindi sila nag susumbong sa akin, nagbabati na lang sila ng kusa.
"Mommy, pwede mo ba akong uwian ng McDo mamaya?" Sabi ni Luca nang maubos ang kinakain niya.
"Sure, ikaw Louise? McDo rin ba ang gusto mo?"
"Dunkin donuts sa akin mommy." Sabi ni Louise.
"Baka naman tumaba kayo n'yan? Ayaw n'yo nang maging macho? Akala ko ba sabi n'yo macho kayo?" Natatawa kong sabi sa kanila.
YOU ARE READING
My Husband's Kisses [Completed]
Fiksi Penggemar#1 simarcojoseako #1 jentop #7 lisatop ©Jenlisa.