Chapter 29

1.3K 87 23
                                    

Chapter Twenty Nine

"Sino ka?"

Mas lalo akong napako sa kinatatayuan ko nang marining ko ang napakapamilyar na boses na matagal ko nang hindi naririnig. His voice sends shiver up and down to my spine. It has still a great effect on me until now. It's very cold and very authoritive.

"S-Sino ka? B-Bakit ka nakapasok dito sa bahay ko?" I could feel the hardness of my breathing. Kinakabahan ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. It's been nine years, and it's not a joke. Matagal ang panahon na 'yon, matagal ko siyang hindi nakita at matagal ko siyang hindi nakausap. Wala akong balita sa kanya sa loob ng siyam na taon. Dahan dahan akong humarap sa kanya and everything stop as I laid my eyes on him. Everything seems new, na para bang nasa harap ako ngayon ng taong gusto ko at hindi ko maamin ang nararamdaman ko para sa kanya. His face, his body, his voice, sa loob ng siyam na taon ay nakita ko na ulit siya. Nararamdaman ko na nag papalpitate ang puso ko sa taong nasa harapan ko ngayon.

"B-Bakit kamukha mo yung a-asawa ko?" Hindi ako nakagalaw ng lumapit siya sa akin, hanggang sa ilang pulgada na lang pagitan namin sa isa't isa. I could feel the heat of his breath in my face. Amoy alak iyon at napakainit ng hininga niya na nagpainit sa pakiramdam ko. He suddenly touch my face at parang may kuryente akong naramdaman ng hawakan niya ang mukha ko. Wala akong ibang magawa kung hindi titigan siya sa mata. Napakalapit namin sa isa't isa at nararamdaman ko na napakabilis ng tibok ng puso ko. Ngayon at sa kanya ko na lang ulit ito naramdaman ang ganito sa loob ng napakahabang taon. Ang pagbilis ng tibok ng puso ko sa tuwing malapit siya, ang pagwawala ng isip ko kapag nariyan siya. Ang kaba sa dibdib ko tuwing magsasalita siya. Lahat bumalik, lahat ng iyon ay parang nagising sa katauhan ko ng lumapit siya at hawakan ako.

"Y-You really look like my wife." When he said those words, I felt my heart stopped. He slowly caressed my face and he smiled. I froze, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I was stunned when he suddenly hugged me. I could feel the heatness of his naked body, I could feel the beating of his heart and I could feel him again, hugging me. Mas humigpit ang pagkakayakap niya sa akin, na para bang ayaw akong pakawalan, ayaw akong mawala at ayaw akong kunin ng iba. Na parang gusto akong protektahan sa lahat ng taong maaaring manakit sa akin, sa mga taong sumira sa akin. I feel so safe, I feel so loved.

"I hope, I'm not dreaming... I wish I am hugging mya wife for real." Naramdaman ko ang pagbasa ng balikat ko. He is crying in my shoulder because of one thing, pain.

"Can you hug me too? Para maramdaman ko yung asawa ko. Yung mahal kong asawa." Hindi ako makagalaw, hindi ako makapagsalita. Bakit ganito nadatnan ko? At bakit ganito ang nararamdaman ko? Akala ko masaya siya sa pamilya niya? Bakit nasasaktan siya ngayon? Bakit pati ako nasasaktan sa nakikita ko? Nasaan ang pamilya niya? Ang anak niya? Si Ate Rosé? All of those thoughts, lahat ng iyon ay mali ba? Kabaligtaran ba ng akala ko ang lahat?

Hindi ko alam pero dahang dahan kong niyakap siya, I don't have any idea kung bakit ako nasasaktan sa lagay niya ngayon. Nagpakalayo layo siya para saan? Para ba takasan ang pamilya niya? Para ba takasan ang lahat? O dahil ba nasasaktan siya ng sobra kaya lumayo siya? Marami akong tanong na gustong masagot. Marami akong tanong na walang ibang makakasagot kung hindi siya.

I put my arms around his neck and hug him too. Kahit sana sa ganitong paraan lang, maibsan ko ang sakit na nararamdaman niya. Mali na naman ba ako ng desisyon at may tao na naman akong nasaktan? Hindi ko alam, wala akong alam sa nangyayari sa kanya. Wala akong naging balita, nagpakalayo layo ako, nagtago ako. Ginawa ko lahat para hindi niya ako mahanap, dahil ayoko ng masaktan. Siya rin pala, mas nasasaktan pala sa ginawa ko. Mas malala pa ata ang ginawa ko dahil pinagkaitan ko siyang maging ama ng mga anak ko. Pero para saan pa? May pamilya na siya. May anak na siya at kasama na niya si Ate Rosé. Pero nasaan sila? Nasaan ang anak niya?

His sobs makes me weak. Nanghihina ako na marinig siyang umiyak, na makitang siyang nasasaktan at makita siyang ganito. Sira at miserable.

"Ikaw ba yung asawa ko? B-Bakit ka naiyak?" Hindi ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ito ang dapat mangyari. Hindi dapat ako naiyak ngayon, pero bakit ganito?

"J-Jennie..." I stammered. Hindi ko kayang maibigkas ang pangalan niya ng tuloy tuloy dahil nanghihina ako, natatakot ako.

"I-Iniwan niya ako dahil sa kagaguhan ko. N-Nasaktan ko na naman kasi siya. Gago kasi ako." Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko sa kanya. Bakit ganito lahat ng pagmamahal ko sa kanya, bakit?

"S-Sirang sira na ako. W-Wala na kasi yung buhay ko. Yung kumukumpleto sa pagkatao ko, iniwan na naman niya ako. Ulit." Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak. Hindi ko alam na hahantong ang lahat sa ganito. Akala ko magiging masaya siya, kasama ang kapatid ko.

"B-Bakit naiyak ka rin? Don't cry. Y-Yayakapin na lang kita para hindi ka umiyak. Gustong gusto ni Lili ang yakap ko." Mas lalo pang humigpit ang yakap niya sa akin. Mas lalo ko siyang naramdaman, parang naging buo ulit ako.

"M-Mahal na mahal ko 'yun, kaya pero lagi ko naman s-siyang nasasaktan." He cry.

Tumahimik ang paligid, walang nagsasalita sa amin. Biglang bumigat ang katawan niya na tanda ng pagkatulog niya. Inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa isang kwarto, dala siguro ng kalasingan niya kaya agad siya nakatulog. Wala siya sa sarili, pero alam kong totoo lahat ng sinabi niya. Magulo ang loob ng kwarto, nagkalat na damit at mga basyo pa rin ng bote ang nakikita ko. Inihiga ko siya sa kama.

"T-Teka, p-patulugin mo na ba ako? G-Gusto pa kitang kayakap." Hinawakan niya ako sa braso pero dahil sa kalasingan ay nabitawan niya rin ako.

"H-Huwag mo a-akong iwan, dito ka lang. Y-Yakapin m-mo ako."

"Lasing ka, basang basa ang katawan mo ng pawis. Magpahinga ka muna."

"H-Hindi ako lasing! K-kasi kapag lasing ako, h-hindi ka totoo. M-Masasaktan lang ulit ako. K-Kasi wala ka, h-hindi ka totoo." I closed my eyes dahil sa nagbabadyang pagpatak ng luha. Pinipigilan kong hindi maiyak, dahil siyam na taon na ang nakaraan ng ipangako ko sa sarili ko na hindi na ako ulit iiyak pa dahil sa sakit na dulot niya.

Lalabas na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko.

"H-Huwag mo akong iwan. N-Natatakot ako, please. Y-Yakapin mo lang ako." Napatigil ako. Lumipit ulit ako sa kanya. This time, I caressed his face.

"Babalik ako, hindi kita iiwan." Doon niya lang binitawan ang kamay ko. Lumabas na ako at kumuha ng tubig at palangana, naghanap din ako ng malinis na towel at nakakita naman ako. Bumalik ako sa kwarto kung saan ko siya inihiga, nakapikit na siya at mahinang humihilik. Binasa ko ang towel na nakuha ko at ipinunas sa katawan niya, he still have the greek body he has. Maikli ang gupit ng buhok niya but he still have his trademark. His stubbles. Nakakita ako ng upuan kaya kinuha ko iyon at umupo malapit sa kanya.

Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha niya, wala siyang pinagbago. Ganoon pa rin ang itsura niya pero kahit saan man tignan ay lalaking lalaki pa rin siyang tignan. Hindi ko na nagawang palitan suot niyang kupas na pantalon. Kinumutan ko na lang siya upang hindi siya lamigin, mataas ang lagnat niya at lasing pa siya. Siguradong kapag nagising siya kinabukasan ay masakit ang ulo niya. I looked at him, my Jennie. Bakit ganito ba ang tadhana? Mapaglaro? Hindi ba pwedeng maging masaya na lang kaming lahat? Yung walang sakit na nararamdaman at maranasan. Hinawakan ko ang kamay niya at tinitignan siya. I smile painfully, kamusta na ba siya? Sa loob ba ng siyam na taon ay naging masaya siya? Ano kaya ang magiging reaksyon kung sakaling ipakilala ko na siya sa mga anak niya? I'm sure magiging masaya ang kambal kapag nakilala na nila ang daddy nila. I could imagine their shocked face if they saw their father standing in front of them. I could hear their voice calling Jennie, "Dada! or Papa!" I could see their excited look.

Sana hindi niya ako kamuhian sa pagtatago ko sa mga anak niya, sana tanggapin niya at kilalanin niya at mamahalin niya sina Luca at Louise. Sana kapag dumating sa point na nakilala na niya ang mga anak niya ay kayanin niya ang tantrums ni Luca at ni Louise, ang kulakulitan ni Louise at ang kasungitan ng panganay niya. Sana maging masaya siya at ang mga anak ko. Iyon na lang ang natatangi kong hiling, ang makita silang tatlo na masaya. Siguro iyon na ang pinakamaganda at pinakamasayang tagbo ng buhay ko. Ang makita silang tatlo, magkakasama, masaya at mahal na mahal ang isa't isa.

"I'm sorry for not giving you an opportunity to be the father of my children."

I kissed his forehead and hold his hand until everything went black.

My Husband's Kisses [Completed] Where stories live. Discover now