Chapter Thirty Three
I looked at my wrist watch. Ilang minuto na lang at maglalabasan na, it's already 11:51 at eksaktong alas dose ng tanghali ang labasan nina Luca at Louise. Isang private school ang pinapasukan nilang dalawa. My dad suggested that school because they really have the credibility to teach their students very well. Nakita ko ang ilang estudyante na nagsisimula nang lumabas. May mga magulang din na sumundo sa iba at yung iba ay wala, marahil ay may service ito o may school bus. Hindi ko gusto na mag school bus sila dahil natatakot ako, gusto ko ako mismo ang maghahatid sa mga bata at magsusundo. Pero pag nagkakataong busy ako sa trabaho, ipinapasundo ko sa driver ni dad ang mga bata. At least, sa ganoong paraan kumpiyansa ako at alam kong ligtas ang mga anak ko na walang mangyayari sa kanilang dalawa.
Napangiti ako nang matanaw ko na si Louise na papalabas ng gate, pero parang kakaiba sa mukha niya. Parang hindi maipaliwanag at parang mayroong nangyari, bigla akong kinabahan. Simpleng denim shorts at sleeveless ang suot ko kaya kumpiyansa akong lumabas. Ganito kasi ang usual attire ko kapag nasa bahay lang, minsan kapag hindi ako nalabas talaga ng bahay, sando lang at shorts ang suot ko.
"Mommy?" Gulat na napatingin sa akin si Louise na napalitan naman ng ngiti. Tumakbo siya sa akin at agad naman siyang sinalubong ng yakap. I miss my son!
"M-Mommy you're here!" Hinalikan ko si Louise ng ilang ulit sa buong mukha niya. Miss na miss ko na ang anak ko.
"Nagpakabait ka ba sa school? Sinunod mo ba ang mga utos ko?" Tanong ko sa kanya.
"Hm-mn!" Tumango siya habang nakangiti. Ginulo ko ang buhok niya at niyakap siya ulit.
"Where's your brother?" I asked him. Biglang nagbago ang mukha niya, hindi siya sumagot kaya mas lalo akong kinabahan.
"Louise?"
"M-Mommy, he doesn't want to go home. He's in the play ground. Kanina ko pa nga po siya niyayang umuwi pero sabi niya ayaw niya po. Iwanan ko na lang daw po siya doon, hindi raw po siya uuwi hanggat hindi ikaw ang sumusundo sa kanya, mommy." Kinabahan ako.
"Louise, pumasok ka na sa sasakyan. Huwag kang lalabas hanggat hindi ako nabalik, okay?" I caressed his face.
"Opo mommy." Marahan siyang tumango. Ngumiti ako before I kiss his forehead.
"Hintayin mo lang ako dito, okay?" Binigyan ko ng isang sulyap si Louise bago pumasok sa school. Pinapasok naman ako agad ng guwardya nang makilala ko siya. Binilinan ko rin kasi siya na huwag palalabasin ang mga anak ko hanggat wala ang sundo nila. Naglakad ako papuntang play ground ng school. Agad na nahagilap ang mata ko si Luca na nakaupo habang yakap yakap ang mga tuhod niya. Nakatungo siya at sa tingin ko ay umiiyak siya. Agad akong lumapit sa kanya, tinabihan ko siya sa bermuda grass na inuupuan niya.
"Sabi ko di ba umalis ka na? Ang kulit mo naman! Hindi ako aalis dito hanggat hindi si mommy ang sumusundo sa akin!" Sabi niya habang nakatungo. Marahil ay nagtatampo siya kahapon dahil binabaan ko siya. Wala pa kasing ilang minuto kaming nag-uusap ng dumating si Jennie.
"Ano? Hindi ka pa aalis? Ayaw mo bang makinig sa kuya mo, huh?" Bigla siyang nag-angat ng ulo at nakita ko bigla siyang nagulat nang makita ako.
"Do you miss me?" Nakangiti kong tanong sa kanya. Walang pag-aatubilinh tumayo siya at ipinulupot ang maliliit niyang braso sa leeg ko. He buried his face in my neck and he cried.
"M-Mommy." He said while crying. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at niyakap ko siya pabalik. Sa susunod na aalis ako, I'll assure na kasama ko na sila no matter what. Hindi ko kinaya ang tatlong araw na hindi sila nakikita o nahahawakan man lang. Hindi ako kuntento na marinig lang ang boses nila. They are my treasure, my life and my kids.
YOU ARE READING
My Husband's Kisses [Completed]
Fanfiction#1 simarcojoseako #1 jentop #7 lisatop ©Jenlisa.