Chapter Thirty One
"Mommy si kuya naman talaga ang nanguna!" sagot sa akin ni Louise pagkatapos ko siyang kausapin. Nagsumbong kasi sa akin ang maid nila na may ginawa na naman silang kalokohan sa bahay.
"Louise." Mariin kong sabi. Alam niyang hindi na ako natutuwa kapag ganoon na ang tono ng boses ko.
"Mommy, I'm telling the truth! It's kuya's idea, not mine!" Kumpiyansa niyang sagot. Talagang may pinagmanahan ang mga anak ko. Akala naman nila hindi ko sila kayang hulihin at alam ko ang hilatsa ng mga bituka nila.
"Sigurado ka? Sino ang nagpasimuno sa inyong dalawa na lagyan ng ducks ang pool?! Nagmistulang ilog ang pool natin alam n'yo ba iyon?" Ito ang kinaiinis ko sa kanila. Ang pagiging pilyo sa lahat ng bagay. Akala kasi nila madali lang ang lahat, akala nila kaya nila. Just like him, Jennie.
"Mommy, sabi kasi ni kuya hindi sila nalulunod and I told him to prove it. We asked the maid to buy some little ducks and that's it!"
"So, you both did it again." I sighed.
"Y-Yes... mom." He surrendered.
"Louise, kung may gusto ka namang malaman na pwede mo naman akong tanungin. Hindi yung gagawa pa kayo ng kalokohan ng kuya mo. Kaya hindi ko kaya maiwan iwan dahil kinakabahan ako sa mga ginagawa n'yo, parang sa mga ginagawa n'yo ng kuya mo aatakihin na ako sa puso." Sabi ko sa kanya. Buti na lang iyon lang ang ginawa nila at hindi sila napahamak. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sa kanila nang tumawag ang personal maid nila. Hindi ko ata makakaya na may mangyaring masama sa kambal ko.
"Mommy, dapat sinama mo na lang kami ni kuya. Miss na miss ka na namin ni kuya, narinig ko nga siyang nanaginip last night at hinahanap ka eh. He just cried, I tried to comfort him at sabi niya tabi na lang daw kami matulog kasi wala ka." Nararamdaman ko ang lungkot sa boses ni Louise. Isa pa iyon sa pinoproblema ko, kapag nananaginip si Luca. Umiiyak siya kapag nagigising at hahanapin ako, ilang beses na kasing nangyari sa kanya ang ganoon. Ganoon naman kasi siguro talaga ang mga bata, kapag nagising, ina agad nila ang hinahanap. Hindi ko naman aakalain na pwede rin palang si Louise na lang ang mag-comfort sa kuya niya kapag wala ako. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapangiti.
"Louise, three more days at nandyan na ulit ako. Miss na miss ko na rin kayo ng kuya mo, malapit na akong bumalik at h'wag n'yo naman akong pag-aalalahin dito. Baka hindi ko matiis at umuwi ako diyan." When the maid told me what they did, I was alarmed. Tinanong ko kung may nangyari sa kanila o wala and thank God wala namang nangyari sa kanila. O.A na kung sasabihin, pero mahal na mahal ko ang kambal ko dahil sila na lang ang mayroon ako ngayon.
"Mommy, ang tagal pa ng three days. Puro na lang si kuya ang kasama ko rito." Maktol ni Louise.
"Bakit? What's the matter? Kapatid mo naman siya ah. Hindi ba kayo naglalaro ng basketball? I thought magaling ka na?" Napakunot ako ng noo.
"Mommy, sabi niya kasi hindi raw kami magkamukha. Mas gwapo raw siya sa akin. Lagi niyang sinasabi iyon, pero I don't believe him. He told me to look at the mirror and I did, magkamukha naman kami mommy pero sabi niya mas guwapo talaga siya sa akin." Napatawa naman ako sa sinabi ng anak ko. Nag-aasaran na naman siguro sila. Hindi pikon si Louise pero gustong gusto ng kuya niya na asarin ito. Kung tatanungin kung sino ang mas asar talo sa kanilang dalawa, si Luca pa.
"Oh, ano'ng sabi mo sa kuya mo?"
"Sabi ko sa kanya kambal kami, kung gwapo siya gwapo rin ako. Pero sabi niya mommy pangit daw ako, is that true? Hindi naman diba? Sabi mo nga pogi kaming dalawa eh tapos macho pa!" Paliwanag ni Louise. God! I really miss my babies! Gustong gusto ko na silang halikan sa pisngi at matulog katabi sila. Sisiguraduhin ko na pagkauwing pagkauwi ko ay papaulanan ko sila ng halik sa magkabila nilang pisngi.
YOU ARE READING
My Husband's Kisses [Completed]
Fanfiction#1 simarcojoseako #1 jentop #7 lisatop ©Jenlisa.