Chapter 13

1.4K 71 24
                                    

Chapter thirteen

SPG 81+

"Jennie, tignan mo kasi! Sabing ang cute noong bata oh! Ang singkit tapos ang puti pa! Jusko, ang gwapo naman!"

"Tsk, pakealam ko?" Sagot niya. Wala talagang sense kausap ang lalaking ito! Nakakapang-init lang ng ulo.

"Ang ano mo naman sumagot eh! Habaan mo iyong sagot mo, naiinis ako!" Sabi ko sa kanya.

"Ano'ng gusto mong isagot ko sa'yo? Wala naman akong pakealam sa mga batang iyan!" Asar niyang sabi.

"Pwede ko bang itanong ang pangalan noong bata? Sige na, saglit lang." Sabi ko kay Jennie.

"Bahala ka, gawin mo gusto mo." Masungit naman niyang sabi. Napatalon naman ako sa tuwa at agad na tumayo at lumapit doon sa bata.

"Hi! May I know your know? Ang cute mo kasi!" Nakangiti kong sabi sa bata. Walang emosyon naman itong tumingin sa akin.

"I don't give my name to those strangers and stalkers." Sagot niya, sabay talikod sa akin. Napatigil ako, aba't ang sungit!

Tinignan ko si Jennie, nakangisi siya sa akin at alam ko ang iniisip niya. Ganyang-ganyan iyang lalaking 'yan! Masungit sa lahat. Kinaladkad ko na ulit siya paalis doon sa masungit na gwapong teenager.

"Ang sungit! Akala mo naman gwapo!"

"You said it a while ago." Tumawa pa siya.

"Bakit ba kasi nagyaya ka mag-mall!" Singhal ko sa kanya.

"Hindi ba sabi mo mag-mall tayo?" Sabi niya sa akin.

"Naman eh!" Tumawa ulit siya. Naka-akbay siya sa akin at yung isa naman niyang kamay ay hawak hawak ang mga pinamili ko.

Sunday ngayon at day off niya. Nagyaya kasi siya mag mall na sabi niya na ako raw ang nagyaya. Kapag kasi sunday ay quality time naming dalawa.

"Gusto mo kumain?" Tanong niya.

"Oo, gusto ko ng ice cream."

"Tara kain tayo, libre mo ako ah." Sabi niya. Napaka kuripot talaga ng lalaking ito!

"Ikaw itong may trabaho ako pa itong manlilibre sa'yo?"

"Ganoon talaga pag-gwapo ang kasama mo." Sabi niya sa akin.

"Saan ang gwapo?"

"Sus, indenial ka pa. Baka gusto mong ipaalala ko sa'yo na lagi mo akong sinasabihang gwapo ako."

"May amnesia ata ako, paalala mo nga." Sabi ko. I was shocked when he suddenly kissed me. It's just a peck, but for Pete's sake we were in public! Narinig ko pang may nag-'OMG ang sweet!'

"Naalala mo na?" Tanong niya. Inismiran ko lang siya sabay ngiti.

Malapit na kaming ikasal and I'm really excited.

"Stay with me." Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang boses niya. Hindi ako makaharap sa kanya, nanghihina ako, nanlalambot ako. Sana pala tumakbo na lang ako para makaalis na sa lugar na 'to.

"Lili, stay with me...please." I heard him said. Dahan dahan akong humarap sa kanya kahit na patuloy na umaagos ang luha ko.

"Please, don't run away again Lili. I need you...in my life." His voice is now different. His eyes are now teary. Nakatingin lang ako sa kanya ng diretso habang naiyak.

"Para saan pa Jennie? Para saktan ako ng paulit-ulit?" I managed to said. Lumapit siya sa akin. I aggressively wiped away the tears flowing in my cheeks.

My Husband's Kisses [Completed] Where stories live. Discover now