Chapter Twenty One
"Do you want to sleep?" Hanbin asked his son. Nasa kandungan niya ngayon ang anak niya habang nakaupo sa sofa. Kanina pa kami nagkukuwentuhan ng kung anu-ano at inantok na ata ang anak niya sa pagkukwentuhan namin. Napangiti naman ako sa pag-uusap ng mag-ama. Mahigpit na yumakap kay Hanbin ang kanyang anak, at isinubsob ang mukha sa dibdib niya. I never thought Hanbin will be like this, a father, a great to his son.
"Inaantok na ang anak ko." Sabi ni Hanbin kaya napangiti ako.
"Patulugin mo na kaya?" Sabi ko naman sa kanya.
"Mamaya pa 'to matutulog, makulut 'to eh. Kakausapin pa ako nito at ako ang pinapatulog ng baby ko." Sabi ni Hanbin habang nakangiti. Tinignan ko ulit sila, masasabi kong mahal na mahal niya ang anak niya base sa pinapakita niya. Protektado niya ito at pinaparamdam niya na kahit mag-isa lang siya, mahal na mahal naman niya ito. Bigla tuloy akong nakaramdam nang kakaiba.
Does Jennie will do the same if we have a son?
He told me the story about his son. He had a relationship with someone in Italy who left him after her pregnancy. Iniwan lang sa kanya ang anak niya at iniwan na sila. Hindi niya alam ang gagawin niya, ayaw niyang umuwi ng Pilipinas dahil natatakot siya. Pinalaki niya ang anak niya ng mag-isa hanggang sa mapagdesisyunan niyang umuwi sa Pilipinas kasama ang anak niya. Gusto niyang maiparamdam sa anak ang buo niyang pagmamahal, gusto niyang lumaki ang anak niya na kagaya niya, pabaya at hindi nag-iisip ng tama. Ang tama niya lang ang pinakamahalagang bagay ngayon para sa kanya.
"Baby, gusto mo na mag-sleep?" Hanbin asked his son again. His son shook his head. Ayaw pa talaga nitong matulog. Mahigpit ang yakap nito sa ama na para bang ayaw ng bumitaw pa.
"Sabi ko sa inyo eh. Naglalambing na naman ang baby ko." Napangiti ako sa sinabi ni Hanbin. Si Rm naman at Jisoo ay pinapanood lang si Hanbin habang nakangiti. Ayaw pa rin bumaba ni Jennie dahil napagod daw siya at gusto niya na raw matulog.
"Pwede ko ba siyang kandungin?" Tanong ko kay Hanbin.
"Baby." Sabi ni Hanbin sa anak niya pero ayaw talaga nitong bumitaw sa ama.
"Medyo ilang kasi ito sa ibang tao, nag-aadjust pa."
"Buti naman at hindi mo kamukha ang anak mo 'no?" Biro ko kay Hanbin na kamukhang kamukha niya ang anak niya at kulay ng buhok at mata lang nito ang naiba.
"Hindi ba?" Tanong ni Hanbin.
"Kamukha mo, niloloko lang kita. Mukha lang foreigner ang anak mo, malakas ang genes ng Mommy niya."
"Kapag nagkaanak naman din kayo ni Jen, magiging maganda rin ang kalalabasan. Maganda ka at may itsura naman si Jen kahit papaano." Sabi ni Hanbin sabay tawa. Ngumiti lang ako sa kanya. Kung nagkataon, sinapak na ni Jennie 'tong si Hanbin kapag narinig siya.
"Ikaw Rm? Kailan mo ipapakilala kay Lolo Jiyong ang girlfriend mo?" Biglang sabi ni Hanbin. Nanlaki naman ang mata ni Rm sa sinabi ni Hanbin.
"Huwag kang maingay! Marinig ka ni Lolo Jiyong at pilitin akong ipakilala si Y/n, alam mo naman 'yong babaeng iyon baliw.
"Oo na, o sige matutulog na rin ako at tumba na ang anak ko." Sabi ni Hanbin sabay buhat sa anak niya.
"Good night sa inyo, bukas tayo magkukuwentuhan nang matagal." Sabi ni Hanbin at tsaka umakyat sa taas.
"Matulog ka na rin Lisa, at baka iniintay kana ng masungit mong asawa sa taas. Alam mo naman 'yun ayaw nag-iintay." Sabi ni Rm sabay kindat.
"Baliw kayo 'no? Sige, matutulog na rin ako. Magsitulog na rin kayong tatlo, alam kong mag-iinuman pa kayo eh."
YOU ARE READING
My Husband's Kisses [Completed]
Fanfiction#1 simarcojoseako #1 jentop #7 lisatop ©Jenlisa.