ISANG panibagong araw na naman para kay Marriame ang mag-araro kasama si Baweng para taniman ng mga mais. 'Hay naku! Sa ganda kong ito?! Pinapaararo ako ng lupa? Sabagay, alangan naman si Lolo Romualdo pa, eh, baka kabaong na niya hilain ni Baweng 'pag siya!'
Natawa na lamang siya sa sariling kalokohan naisip. Hindi naman mahirap mag-araro ng lupa, ano! Kimbot-kimbot lang ng pwet, saka pakanta-kanta ng slight.
Kapag tapos na siyang mag-araro nitong kalupaan nila na kasinglawak ng kaniyang noo, magtatanim siya agad ng mga mais.
"Ito kasi si Lord, sa dami-daming pwedeng maging malawak sa 'kin. . . Itong noo ko pa! Pwede naman sana itong pekpek ko."
"Ungaaaa!"
Sambakol ang mukhang tiningnan niya si Baweng. Pinagsasabi nitong pati ilong niya ay malawak din?
"Hoy, baklang kalabaw na balat ay pink! Matangos ang ilong ko 'no. Saka maganda rin ako kahit napakalawak ng noo kong meron cute bangs at pang-pageant ang beauty ko. Morenang-morena kaya ako! Sikat kaya ngayon sa pageant world ang mga maiitim at may golden heart "
"Ungaaa?"
"Anong feelingera ako? Ha! Baka kapag binenta kita do'n kila Kapitan para gawin pulutan sa fiesta, ay naku! Naku talaga!" Pinandilatan niya ito ng mata pero inismiran lang siya ng kaniyang alaga at binelatan nang lingunin siya nito.
'Wow! Taray! Maldita ka?' akmang lalapitan niya ito para harap-harapan silang mag-away dalawa nang tawagin siya ng kaniyang Lolo Romualdo.
"Maring, apo? Buhay ka pa d'yan?"
Salubong ang kilay nang tingnan niya ang aguelo. Gusto yata nitong mamatay siya agad, eh 'no?
"Bakit Lolo? Gusto niyo ihanda ko na kabaong mo?"
"Bastos kang bata ka!"
Ngumisi lang siya at kaagad na lumapit dito at nagmano. "Bakit ho ba? Kung nagbabalak kayong magtanim, ay naku sa susunod na ho kapag tapos na namin bungkalin lahat ni Baweng ang lupa."
"Anong magtanim ka d'yan. Nandito lang ako para ipaalala sa 'yong dalhin mo sa kabayanan ang mga inani natin gulay mamayang hapon."
"Ay oo pala! Nakalimutan ko."
"Kuuh! Ganiyan talaga basta mga pangit apo. Makakalimutin."
Tinawanan naman siya ni Baweng matapos sabihin ito nang Lolo Romualdo niya. Inismiran lang niya ang kalabaw. Akala nito mag-isa siyang pupunta ng kabayanan? Sasama ito sa kaniya mamaya dahil ito ang magdadala lahat ng mga gulay at pati na mga kamote.
"Babalik na ako apo sa munti natin kubo. Basta kamo ay 'wag mo kalimutan na ilako at dalhin sa kabayanan iyon."
"Aye aye!"
"Tigil-tigilan mo 'ko diyan sa ay-ay mo. Kaya ka 'di lumalaking maganda."
Humaba na lang ang nguso niya at 'di na sinagot ang trashtalk ng kaniyang aguelo. Baka 'pag pinatulan niya ito, isumbong siya sa lola niyang laki sa batang x.
"Hays! Balang-araw I'll be rich and por poorer. Por bitter or por worz! Magkakajowa ako ng napakayaman na lalaking mag-aahon sa 'min sa kahirapan.
Hind ko sinabing si Lucas ang aking pag-ibig na 'yon, ah. Pero parang gano'n na nga, Lord." Malanding humagikhik siya.Alam niyang napakalaking imposible ng pangarap niya 'no! Kaya nga ito ang pinili niya sa lahat, eh. Alangan naman mangangarap siya ng simple? Like maging kargador at bukid girl na lang poreber? Magiging sayang ang ganda niya.
Nope! Nope.
Nagpatuloy sila ni Baweng sa pag-araro ng lupa nang magpasya ang kalabaw niyang huminto. Oo, paladesisyon itong kalabaw niyang pink ang kulay. May sarili itong oras at maarte. Ito ang boss niya kasi.
Tsk.
Kaya no choice siyang huminto muna sila at magpasilong sa ilalim ng puno ng mangga. Sa tabi nito ay ilog at minsan ay naliligo siya roon pero ngayon hindi na dahil ginagawa itong jacuzzi ni Baweng at may freebies pa na linta.
Umupo siya sa malaking usli ng ugat at gano'n naman ang kalabaw niya. Umupo ito sa tabi niya habang panay ang nguya ng bubble gum ala grass taste made in china.
"Baweng maglaro tayo ng math."
Sinulyapan siya ng malanding kalabaw niya. Luh? May papilantik-pilantik pa sa mata ang Baweng na 'to, eh, 'no?
"Sige ito na! Ito na. Kung si Lolo Romualdo ay may sampung ngipin at si Lola Amparo ay may siyam na ngipin. Ilan lahat ang ngipin nilang dalawa?" Nakangising tanong niya.
Nagbilang siya ng isa hanggang tatlo para sagutan ni Baweng ang napakahirap na tanong niya para sa isang kalabaw at mali naman ang sagot nito. Mantakin bang 19 daw lahat ang sagot?
"Boplaks mo naman Baweng, eh! Natural na zero as in itlog. Wala silang mga ngipin kasi nakapustiso sila na pwede na ibigay sa museum sa sobrang luma! Halerr! 'Di ko naman sinabing may ngipin na pustiso."
Kaagad naman siyang binelatan ni Baweng at iniwanan siya. Nauna itong humakbang sa jacuzzi nito at naligo.
Inirapan na lang niya ang alaga at iniwanan saglit ito. Sasaglit lang muna siya sa kubo nila at sisilipin kung nagsikain na ba ang dalawang matanda.
"Lola!"
"Ay belat ni Baweng ka, oo!" Gulat na gulat naman ang Lola Amparo niya. Nagluluto ito ngayon sa kusina.
Iba talaga kapag matanda na, nagugulat na lang sa magagandang nilalang na katulad niya. Hayy. Tsk. Tsk.
"Lalaki naman si Baweng, 'la. Hindi siya babae kaya wala siyang bel—"
Kaagad naman siyang hinampas ng sandok nito. "Bakit ba kasi nanggugulat kang bata ka!"
Napakamot tuloy siya sa ulo nang wala sa oras. "Tiningnan ko lang ho kung buhay pa kayo ni lolo."
"Aba't!"
"Biro lang lola!"
"Huwag mo akong mabiro-biro Maring, oo, kung ayaw mong mataga kita ng sibat—" biglang tumalon ang pustiso nitong suot papunta sa kaniya. "Ay belat ng palaka! Hulihin mo apo!"
"Ewww!" Buti na lang nasalo niya at naishoot agad sa basket. "3 points!"
Muli siyang nakatikim ng hampas kay Lola Amparo sa kaniyang ginawa. "Anong 3 joints? Nakung bata ka talaga! Tawagin mo Lolo mo at kakain na. Ang uugod-ugod na matandang 'yon, napakalakwatsera!"
"Pareho naman kayong uugod-ugod dalawa lola."
Pinandilatan naman siya nito ng mga mata. "Tatawagin mo o palalayasin ko kayong dalawa?" Saka nito muling isinuot ang pustiso.
Tumawa na lang si Marriame at hindi na nakipagsagutan sa lola niyang batang x. Hinanap na lang niya ang aguelo at nakita niya itong nakaupo sa kahoy na upuan sa likuran ng bahay kung saan tawang-tawa ito habang pinapanood ang mga alagang manok.
"Lolo naman, eh! Kanina pa kayo hanap ni Lola."
"Sa tanda namin ito, hindi pa siya maka-git ovir sa 'kin? Ang gwapo-gwapo talaga ng lolo mo, Maring."
"Huwag na kayong feelingiro 'lo. Kakain na raw tayo. Ayaw niyo naman siguro gawing adobo ni lola 'yang mga manok mo."
"Wala naman kalasa-lasa ang mga luto ng lola mo."
"Kapag 'di pa kayo pumasok dalawa rito sa loob mga deputa kayo! Magbalot-balot na kayo."
Ang bilis nilang pumasok ng aguelo niya sa loob ng kabahayan. Nag-unahan pa sila sa pagpasok at baka tutuhanin ng kaniyang lola Amparo ang banta nito.
Kung pwede nga lang isangla muna ang Lola at Lolo niya, ay aba! Matagal niya na ginawa pero siyempre, love niya ang mga ito kahit palagi siyang nata-trashtalk ng aguelo niya at nahahampas naman ng kaniyang aguela.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...