"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?"
Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.
Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin.
'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!'
Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon.
"Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—"
"At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?"
"Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig.
Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."
Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo."
"Ano kamo?"
"Hehe. Wala po." Bigla niyang inayos ang sarili. "Maiiwan ko ho muna kayo. Magpapalit lang ho ako ng uniporme po."
Tumango naman ang senyor at mabilis siyang nakaalis sa harapan nito. Deretso siyang nagtungo sa servants quarter, papagalitan pa sana siya ng kaniyang tiyahin pero inunahan niya na agad ito na galing siya sa kanila at doon sila nakitulog ni Lucas. Tuloy ang naging reaksyon nito ay napanganga na lang at hindi alam kung ano ang sasabihin.
Masarap sana ang panahon kagabi para gapangin si Lucas pero ang killjoy naman kasi ng lalaki. Naalala niya tuloy 'yong ganap kagabi:
Tanging lampara lang ang nagbibigay ng liwanag nang gabing iyon. Sa munting silid niya natulog si Lucas at ang mabangong kumot niya ang pinagamit niya. Matigas 'yong lapag pero hindi naman nagreklamo ang lalaki kahit banig lang ang nakalatag.
Pati nga ang kaniyang unan, singtigas ng mga abs ni Lucas. Hihi. Pero hindi nagreklamo ito.Sabagay, bakit pa ito magrereklamo? Kasama nito ang napakagandang diyosa ng balat ng lupa na nagngangalang Marriame Mikayla! Aba, ipupusta niya pati kabaklaan ni Baweng, pati palaka dadapa sa angking kagandahan niya.
"Senyorito, matutulog na kayo?"
"Oh."
"Ay, ang aga pa naman."
"Lumabas ka na nga."
"Itabi mo kaya ako?"
Biglang kumunot ang noo nito nang tingnan siya. Saktong nasa likuran lang siya ng kurtina at nakasilip dito. Paano ba naman kasi, sa sala siya mahihiga. Damot kasi nito! Saka bahay naman niya 'to, bakit sa sala siya mahihiga? Charr.
"Kung gusto mo pa may trabahong babalikan bukas, huwag na huwag kang magkakamaling tumabi sa 'kin." May pagbabanta sa boses nito.
Napahaba tuloy ang nguso niya sa naging tugon ni Lucas lalo na nung tinalikuran siya nito.
"Hmp! Ang arte-arte. Paiinitin ko lang naman sana ang gabi niya."
"May sinasabi ka?" Muling bumaling ito sa kaniya, madilim na ang mukha. Parang gusto siyang sakalin ngayon sa hitsura nito.
"Wala ho." Ningitian niya ito ng peke saka nakasimangot na umalis sa likuran ng kurtina. Matutulog na nga siya sa sala!
'Mamaya, gapangin kita kapag tulog ka na. Hihih.'
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...