Kabanata 14 - Next Time Na Lang

199 7 5
                                    

KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.

Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!

"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.

Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya.

"Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.

Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya kung hahabulin niya pa? Baka mamamatay na siya.

Nasa kalagitnaan siya nang pagpupunas niya ng pawis nang hilain ni Consolacion ang kaniyang buhok.

"Aray naman!" Inirapan niya ang walang-hiyang bakla niyang kaibigan. Naalala niya tuloy si Baweng dito.

"Dzae! Ang gwapo talaga ni Fafa Lucas ko!"

"Manigas ka, akin 'yan oy."

Humagikhik naman ang kaibigan niyang bakla. "Mangarap ka! Pero oy dzae, nakalimutan ko sabihin sa 'yo pala. Si Lolo at Lola mo, may sakit."

"Ano?!"

"Oo! Nung dumaan ako ro'n kanina, ang lakas ng ubo ng Lolo mo. Parang ubo ng kamatayan yata 'yon, dzae. You know? Like ubo is sementeryo? Susunduin na yata na sila ni fafa deathbells ngayon araw sa stronger ng ubo nila."

"Maghunos-dili ka naman, Consolacion!" Napalakas tuloy ang boses niya sa takot na baka matuluyan nga ang aguelo at aguela niya. "Totoo ba 'yang sinasabi mo? 'Di ka nagbibiro?"

"Mukha ba akong jokester sa eyes mo? Eww."

"Naku naman!" Tuluyan na siyang kinain ng takot.

Kahit naman kasi ang pangit ng joke ng Lolo niya, mahal na mahal niya ang mga ito, ano!

"Senyorito? Senyorito!" Kulang na lang, yugyugin niya pati itlog ni Lucas lingunin lang siya nito.

Panay pili kasi ito sa mga panindang kakanin ni Aling Corazon. Kulang na nga lang din, bumukaka si Aling Corazon at isasama na nitong ibibinta ang bibingka nitong itim.

"Senyorito!"

"Ano?" Inis na baling nito sa kaniya.

"Uwi muna ako sa 'min. Si Lola at Lolo kasi, baka matuluyan silang kunin ni Satanas. Kawawa naman si Satanas kung gano'n. Mapiperwesyo sa lola't lolo ko."

Nagtagpo ang kilay nito sa kaniyang sinabi.

"Totoo nga! May sakit daw sila at kawawa naman sila Lola. Dadalawin ko lang tapos babalik ako mamaya o bukas sa bahay niyo, pramis krus my hart!"

Ilang segundo naman siya nitong tinitigan at nagkibit ng balikat. "Go." Saka nito binaling ang tingin sa mga paninda ni Aling Corazon.

"Ay talaga?! Ang bait-bait naman talaga ng bebelabs ko. Pa-kiss nga!"

"Aalis ka o hindi?"

"Ito na nga! Aalis na ako. Pero pahiram naman ng pera, senyorito. Bibili lang ako ng gamot at pasalubong sa kanila. Bayaran ko rin agad pagbalik ko."

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon