AT BAGO pa natulog nang gabing 'yon si Marriame, sinilip niya muna bintana ang lalaking papakasalan niya kahit sa dulo ng kawayan. Muli siyang napahagikhik sa kilig nang makitang mahimbing na mahimbing na natutulog ang lalaki habang may sako sa mukha at balot na balot ng kumot ang katawan.
Hayyys! Mamayang gabi lang ay gagapangin niya 'to kapag tulog na tulog na 'yong dalawang matanda. Hinihintay niya lang makatulog ang mga ito!
Hindi na nga siya nakakain ng hapunan sa sobrang kilig na naramdaman niya. Ay kahit na hanggang abutin siya ng umaga sa kakatitig dito ay busog na busog na siya.
Pinapangako niyang hinding-hindi siya matutulog ngayon gabi para masigurado niyang makita siya ni Lucas kapag nagising na ito, at mapansin ang kaniyang mala-dyosang kagandahan!
Baka bigla itong lumuhod sa harapan niya at sambahin ang kaniyang pekpe—
"Maring! Matulog ka na bata ka!"
Halos lumipad ang kaniyang kaluluwa nang marinig ang malakas na boses ng kaniyang aguelo.
Napalabi siya at nag-ikot ng mata. 'Okay payn! Matutulog ako pero mamaya ay gigising ako. Bakit kasi wala akong cellphone na may camera para naman sana nakunan ko ng picture ang Lucas ko. Hayyys."
"Maring!" Lola niya.
"Oo na, oo na! Ito na po matutulog na nga. Gudnayt sa inyong dalawa Lolo, Lola. Huwag niyo kalimutan magising bukas, ah? Walang kabaong na kasya ang dalawang matanda kapag makalimutan niyo huminga."
"Punyeta talaga 'tong apo natin Romualdo."
"Ay huwag ka na ma-hay blad, Amparo. Nakukunan ang ganda mo."
Humagikhik naman ang aguela niya.
"Ewww."
Nasusuka talaga siya sa kalandian ng dalawang matanda. Kung magharutan ang mga ito minsan ay parang mga kabataan doon sa ilog. Pwe!
Kaya para hindi na siya masuka tuluyan sa pandidiri sa mga ito, pinikit niya saglit ang mga mata. Kunwari ay natutulog na siya para mamaya ay mabilis na lang sa kaniya ang paggapang kay Lucas. Napangisi siya!
Para lang magwala sa inis kinabukasan nang magising siyang wala na si Lucas sa kariton ni Baweng.
"Bawengggg naman, eh!" Naiiyak na reklamo niya. "Bakit hindi mo ako ginising na umalis na si Lucas ko! Dapat ginising mo ako. Dapat pinigilan mo man lang para sa 'kin, gano'n!"
"Ungaaa?! Ungaaa! Ungaa!"
Napasimangot siya at napahalukipkip ng kamay. "Eh, sa nakatulog na pala ako at hindi na nagising. Hindi ko na kasalanan 'yon, ano, kung bakit 'di ko siya nagapang kagabi." Halos maiiyak na siya sa sobrang inis!
Kagabi kasi, nanaginip siya ng sobrang ganda. Magkasama raw sila ni Lucas, namamasyal sa ilog tapos pinapanood nila si Baweng na naliligo sa jacuzzi nito.
Tapos, niyaya raw siya ni Lucas magtampisaw. At siyempre sino ba naman ang aayaw? Kaya pumayag daw siya tapos naglaro na raw sila sa tubig kasama si Baweng.
Pero bigla raw napasigaw si Lucas, may linta raw kasing dumikit sa junjun nito kaya tuwang-tuwa raw siya habang hinuhuli ang napakadulas na junjun ni Lucas.
"Paano na 'to Baweng? Hindi ko man lang nakita sa umaga ang gwapong mukha niya. Kainis naman!"
"At bakit ke aga-aga ay nakasimangot ka diyan, apo?" Ang lola niya ang nagtanong. May dala-dala itong walis.
"Si Lucas, ho. Umalis na pala! Hindi ko man lang nagapang— ibig ko sabihin, 'di ko man lang nakita."
"Ah, 'yong lalaking amerikano ba apo? Ah, nakapagpaalam siya sa amin ng Lolo mo. Nagpapasalamat siya at buo pa raw siya at hindi raw natin siya ginawang hapunan."
"Sinabi niya 'yon Lola?!"
"Hindi." Ngumisi ito. "Pero totoong nagpasalamat siya at nagpaalam sa amin kanina."
"Ano ba 'yan! Bakit hindi niyo ako ginising ni Lolo?! Ang sama-sama naman. Kainis!" Nagdabog na siya at tuluyan na pumasok ng bahay.
Nakita niya ang kumot na ginamit ni Lucas, kinuha niya ito at inamoy. Kaagad din siyang napangiti nang maamoy ang pabango ng binata.
"Na-mimiss na kita, Lucas. Huwag ka mag-alala, sisilipin kita mamaya sa Hasyenda niyo. Sana makita kita ro'n! Kainis naman kasi 'to si Lolo at Lola."
Matapos niyang amuyin ang kumot, sinilid niya ito sa supot para hindi mawala ang amoy nito.
Kapagkuwan ay nagtungo siya sa kusina at naghain ng pagkain. Nakapagluto na ang aguela niya, na dapat sana ay siya ang nagluluto tuwing umaga pero bakit sa dami ng umaga— ngayon pa talaga siya matagal na nagising. Kainis!
"Lola! Lolo! Kain na po tayo."
"Sige, tapos ko na rin pakainin ang mga manok ko," agad na sagot ng Lolo niya. Dumeretso ito sa silyang kawayan matapos itong naghugas ng mga kamay.
"Timplahan mo rin ako apo ng kapeng bigas" Pakiusap naman ng Lola Amparo niya.
"Ako rin, Maring."
"Lagyan ko rin ba ng lason?"
"Kaya ka natatawag na pangit, apo, eh."
Tinawanan siya ni Baweng. Inirapan naman niya agad ang alaga. Hindi sila close nito ngayon, 'kala nito, ah!
May mesa at upuan sila sa bakuran na yari sa kawayan. Tuwing umaga at tanghali ay doon sila nagsasalo-salo tatlo dahil presko at masarap sa pakiramdam ang mabeberdeng tanawin.
Tatlong pritong itlog at anim na tuyo ang kanilang ulam. May talbos ng kamote na ang sawsayan ay sukang may sili at sibuyas.
***
Matapos mag-almusal nang umagang iyon ay kaagad siyang nagpunta sa maisan nila. Hindi pa nila ito tapos araruhin ni Baweng at kailangan matapos na 'to ngayon araw!Mamaya lang ay bibisitahin niya si Lucas sa Hasyenda, siyempre kasama niya na si Consolacion. Makapal ang mukha nito, eh. Opcors, makapal din naman ang mukha niya. Pero kapag Conseng plus Ariana Grande ekwals to parti-parti.
At buti na lang, maaga siyang natapos mag-bungkal ng lupa kasama si Baweng kaya iniwan niya agad ito sa ilalim ng punong mangga at mabilis na tumakbo papunta sa bahay ng kaibigan niyang bakla.
"Consengggg! Consengggg!" Malakas na tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Nagmano siya sa nanay at tatay nito saka nakipagbeso-beso sa tatlong tyanak nitong kapatid.
"Dzaeeee! Oh my goodmorning to the world of beautiful like me. Anong kailangan mo at tumatakbo ang beautiful mong dyoga dzae?"
"Silipin natin sa Hasyenda ang pag-ibig kong si Lucas, Conseng."
"You meanest Lucas?"
"Yez!"
"Ayy!" Tumili ito na pati mga bubuyog nabulahaw sa lakas ng tili nito. "Sureness of course. Pero bakit nasa Hasyenda siya ulit? Ang sabi ni mother earth to me ay si Lucas dzae nag going home na sa Manila."
"Sus! Sa bahay nga siya namin natulog kagabi."
Tiningnan naman siya mula ulo hanggang paa ni Consolacion. "Share mo lang? Hindi ako naniniwala diyan sa pagmumukha mo, 'no."
"Tanungin mo pa si Lola at si Baweng!"
"Truthfully?!" Naglupasay naman agad ito sa may pintuan at nagdrama na ala bruha. "Bakit hindi mo sa akin sinabi agad dzae! Bakit hindi mo ako tinawagan agad sa telepono dzae? Bakit 'di mo ako tinext, pinadalhan ng sulat! Bakit dzae? Dzae, baki— aray naman Marriame!"
"Magdadrama ka pa diyan o memek-apan ako?" Nameywang siya sa harapan ng kaibigan matapos itong sapakin.
Umirap naman ito habang hawak ang ulong sinapak niya. "Oo na. Mananapak pa, eh."
"Ang ingay mo kasi."
Binelatan lang siya nito at inismiran din niya. Magkamukhang-magkamukha talaga si Consolacion at si Baweng ng mukha.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...