Kabanata 1: Akin Siya!

10.2K 167 75
                                    

Pakanta-kanta pa si Marriame habang pinapaliguan ang kaniyang paboritong kalabaw sa balat ng lupa! Ay naku, sa araw-araw niyang paligo sa kalabaw niyang si Baweng ay, mahihiya ang langaw pumatong sa likod ng alaga niyang kalabaw.

"Ayan! Smeli layk fish ka na Baweng! Ayaw kita paliguan sa ilog, baka matipuhan ka ng engkanto, ay mahirap na!" palatak niya habang bina-brush niya ang likod nito ng toothbrush. Kinuha pa niya ang toothbrush ng kaniyang aguela para lang ma-brush ang likod ng alaga niya.

"Ungaaa!" Biglang sagot ni Baweng the Karabaw.

'Loko 'to, ah! Sinabihan akong amoy tae.' Mabilis niyang inamoy ang sarili para lang mapasimangot. 'Hindi naman ako mabaho, ah! Ang arte talaga ng kalabaw na 'to.'

"Alam mo ang chossy mo! Binabrush ka na nga diyan. Oras na malaman 'to ni lola na ginamit natin 'tong toothbrush niya sa'yo, ay ewan Baweng! Babatuhin tayo ng arinola ni Lola!"

"Maring! Nakita mo ba ineng ang tortbash ko? Aba ay, dalawang linggo na pala akong 'di nagtotorbash!" malakas na boses ng matanda ang tumawag sa kaniya.

'Patay!' Sabay silang napalingon ng alaga niya sa aguela niyang naglakad papalit sa kanila.

May tungkod ito at makapal na salamin sa mata. Mabilis naman niyang naitago sa likuran ang bagay na hinahanap nito. Napangiwi siya at sinenyasan si Baweng na huwag itong maingay.

"Maring apo, nakita mo ba?"

"Ungaaa!"

Tumalim ang kaniyang tingin kay Baweng. Anong pinagsasabi nitong ginamit niyang pangbrush sa pwet nito?

"Ha? Ano raw sabi ni Baweng apo? Binrash mo sa pwet niya?"

'Pahamak ka talagang Baweng ka!' Pinandilatan niya ito ng mga mata.

"W-wala Lola. Kayo talaga ang ulyanin niyo na. Balik na kayo sa loob, baka naengkanto 'yong toothbrush niyo. Mag-asin muna kayo."

Napabuntunghinga naman ito at tumango-tango. "Oh siya-siya! Hintayin mo ang aguelo mong dumating, ha, apo?"

"Bakit ko po hihintayin?"

"Dahil maghihintay ka, bakit pa ba?"

"Bakit ako maghihintay nga?"

"Dahil Lolo mo 'yon, apo!"

"Saan ba si Lolo?"

"Nasa hardin niya."

"Nasa hardin lang pala, kala ko nasa lungsod tapos may dalang lalaki para sa 'kin, 'La."

Sinapok naman siya ng matanda sa stick nito na tinawan siya ni Baweng. Dinilaan pa siya nito at tinalikuran. Ang arte talaga ng kalabaw niya! 'Kala mo 'di baklang kalabaw!' Napairap siya sa hangin.

Tulad ng sabi ng kaniyang aguela, hintayin niya ang aguelo niyang dumating. Pero dahil hindi siya makatiis, binalaan niya na lang si baweng na huwag maglakwatsa at aalis muna siya para sunduin ang matanda. Baka naligaw na naman ito samantalang nasa unahan lang ito labin-limang dipa ang layo.

"Lolo!"

"Ay tinolang lamok ka, Maring!" Nagulat ito.

Natawa naman siya. "Lolo talaga magulatin! Kakape mo 'yan." Lumapit siya rito at tinulungan itong manguha ng kamote sa kanilang pananim. "Ay ang tataba ng mga kamote Lolo, oh! Ang lusog-lusog! Kailan ba ako pwedeng mag-jowa, 'Lo?"

"Kapag na gumanda 'yang mukha mo, apo."

"Pero maganda naman ako, ah!" Napahaba ang nguso niya.

Napatigil naman ito sa ginagawa at inayos ang glass na suot. "Ay bata ka, malabo lang mata ko pero itong suot kong salamin ay hindi. Tanggapin mo na. . ."

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon