Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.
Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran.
"Ungaaaaa!"
"Baweeeeengggg!"
Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas.
"Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda.
Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang kinabahan!
Hindi kaya sinama na talaga ang nga ito ni San Pedro o kaya naman ni Satanas? Ang unfer naman! 'Di pa siya nakapagpaalam sa mga ito.
"Lolo? Lola! Si Marriame ito. Saan kayo? Lolo!"
Pero walang sumagot. Naging triple ang kaba at takot niya nang mga sandaling iyon. Nagsimula na rin siyang umiyak.
Panay unga rin si Baweng sa labas pero 'di niya gets ang sinasabi nitong nag-honeymoon daw ang aguelo at aguela niya sa likuran. Huwag niya raw disturbuhin. Basta, trip niyang umiyak. Paki nito?
"Lolo! Lola! Ba't niyo naman ako iniwan?!" Ang lakas na tuloy nang iyak niya.
Nakita niya pa ang pag-akyat ni Lucas at mabilis na lumapit sa kaniya habang kalong-kalong ang bigas. Nakita niya ang munting pag-alala sa mga mata nito.
Mabuti na lang at matibay itong sahig nila, hindi katulad niyang marupok.
"Anong nangyayari? Wala na ba—"
"Sino ba 'yang punyetang panay lolo nang lolo?!"
Bigla siyang natahimik nang marinig ang boses ng aguelo niya. Nang makita siya nito, nagliwanag agad ang paningin nito at masayang lumapit sa kaniya. Kaagad naman niyang pinunasan ang mga nasayang niyang luha. Akala pa naman niya, natuluyan na ang mga ito. Tagal naman.
"Mareng! Nandito ka na apo? Aba'y sino 'tong poging lalaking 'to? Dinukot mo 'to? Punyetang bata ka! Lagi ko na sinasabi sa 'yo noon pa na pangit ka lang pero 'di ka mandurukot!"
"Ah, hindi po ako dinukot ni—"
"Aray ko naman, Lo!" Napangiwi na lang siya nang hilain ng matanda ang teynga niya. "Siya si Senyorito Lucas! Saka nandito ako kasi akala ko sinama na kayo ni Satanas. Malakas daw kasi ubo niyo at may sakit kayo sabi ni Conseng. Nag-alala ako kaya mabilis akong umuwi at ito nga may dala akong bigas at pang-ulam saka pasalubong na tinapay!"
"Sinong sumama kay Satanas, apo? Aba ay, naka-doggy style pa nga kami ng Lolo mo sa likuran ng bahay— ay mahabaging nilalang!" Napa-krus naman ang lola niya nang makita si Lucas. "Kung ganito lang din kagwapo si Satanas, ay sasama na ako agad."
Tumulis ang nguso ni Marriame sa narinig.
"Ungaaaaa!"
Mas lalo siyang nabwesit nang sumabay pa si Baweng. Sabi nito, sasama rin daw ito at handang maging kalabaw ni Lucas.
"Wala kayong sakit dalawa?"
Sa kaniyang tanong, mabilis na umubo-ubo agad ang aguela niya at kung 'di pa ito siniko ang kaniyang aguelo, 'di rin ito mag-uubo.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...