"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.
Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito.
"Ikaw?"
"Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang."
"Pinagsasabi ng bruhang ito?"
Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.
Kulang na nga lang ay habulin niya ito at sakyan sa likod. Pwede naman siguro 'yon. Ito muna kalabaw niya.
"Senyorito, saan ba kasi kayo pupunta? Kakapagod maging sunod-sunoran sa inyo— aray naman!" Napangiwi siya sa sakit nang tumama ang mukha niya sa malapad na likod nito. "Bakit ka biglang huminto?"
"Oras na hindi mo ititikom 'yang walang preno mong bibig, isisilid kita sa sako at itapon sa ilog!"
Mabilis naman niyang tinakpan ang bibig. Mukhang seryuso yata si Lucas na isilid siya sa sako dahil nanlaki ang butas ng ilong nito tapos naniningkit din ang mga mata na nakatingin sa kaniya. Kulang na lang ay hilain siya nito sa buhok at ilampaso sa labas.
"Good. Nakakaintindi ka naman pala. Diyan ka lang at huwag na huwag kang aalis." Saka ito humakbang nang mabilis.
Naiwan tuloy siya roon na hindi makagalaw pero nakanguso. ‘Oo na! Hindi ako aalis sa buhay mo. Palagi kitang mamahalin. Ay ano ba 'yan! Kinilig na agad ako. Hihi!’
Hahagikhik pa sana si Marriame nang biglang hilain ng kaniyang tiyahin ang kaniyang teynga.
"Aray-aray ko, Tiyang!" Napangiwi siya sa sakit nang pagkakaunat nito.
"Ang landi-landi mo talagang bata ka! Doon ka sa kusina, naku!" Kulang na lang lunukin siya nang kaniyang tiyahin sa laki ng mata nito ngayon.
"Oo na ho, Tiyang! Aray naman, aray!"
Pero kahit umaray pa siya nang umaray, hinila pa rin siya sa teynga ng bwesit niyang tiyahin papuntang kusina.
"Simula ngayon, tigil-tigilan mo na 'yan pagpapa-cute mo diyan kay Senyorito! Nakakahiya ka."
Umismid lang siya nung binitawan na nito ang kaniyang teynga. Binigyan siya nito ng gawain, tulad ng magbalat ng mga patatas.
"Eh, tiyang, mahal ko— a-aray!"
Kinurot siya sa tagiliran nito kaya 'di na siya umimik. Baka mabigwasan niya 'tong tiyahin niya, eh. Kaya ang inasikaso na lang ni Marriame ay ang isang basket ng mga patatas.
Sayang! Balak pa naman sana niyang sundan nang sundan si Lucas ngayon araw.
Kaya ang nangyari tuloy, hindi niya nakita hanggang gumabi si Lucas. Nasa library room lang ito at nagpapahatid ng pagkain sa mayordoma. Pinagbawalan din siya ng tiyahin niya na lapitan ang binata, utos daw ito ni Lucas.
Pwe!
Akala naman ni Lucas, susundin niya ang utos nito? Kung alam lang ng lalaki kung gaano siya nagpigil at nanggigigil na yakapin ito hanggang sa magunaw ang mundo—
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...