Kabanata 7: Hasyenda Ligaya

826 44 16
                                    

MATAPOS siyang pagandahin ng bongga ni Consolacion, kaagad silang naglakad papuntang Hasyenda. Hindi naman masyadong malayo basta sa may shortcut sila dumaan and opcors, hindi niya na dinala ang kaniyang eber derest na baklang kalabaw. Mag-aaway lang sila nitong dalawa.

Tapos na rin siyang nakapagpaalam sa kaniyang Lolo Romualdo na tinawanan pa nga siya nung nakita ang kaniyang mukha kanina.

"Ikaw ba 'yan, apo? Aba't nagmistula kang palakang may kolerete sa mukha. Pwede ka na gawin palakang prensisa pero wala nga lang hahalik sa 'yo." Saka siya tinawanan at tinawanan ng matanda. Tumigil lang ito nang ubuhin.

"Naku Lolo! Konti lang nabubuhay sa ubo. Kapag natigok na kayo, 'wag kayo mag-alala dahil papasunurin ko agad sa 'yo si Lola." Saka siya ngumisi at tuluyan silang umalis ni Consolacion na tumatakbo dahil hinabol ba naman sila ng Lolo niya ng pamalo.

"Alam mo dearest friend Marriame, dapat sinuot mo na ang aking mga heels of sandals besides the heaven!"

"Para naman 'tong tanga. Magsusuot ka ng gano'n dito sa palayan na dinaanan natin?"

Tumawa naman ang kaibigan niya at pakendeng-kendeng na naglakad sa gilid ng palayan. Tulad niya, nakasuot din ito ng kulay pulang gown na infinity habang sa kaniya ay kulay orange.

"Ang ganda natin today, dzae! Look at the other people of this planet. Nakatingin sila sa 'tin sisterest because we're so beautifully beautiful with atay."

Ngumisi lang siya sa sinabi ni Conseng. "Matagal ko ng alam na butipol ako! Bulag lang si Lolo at Lola, ano. Mga matatanda na kasi at uugod-ugod na kaya pati mga mata nilay ay may deperensya."

"Grabe ka sa kanila dzae. Pero infairness nakakainggit kaya ang lola at lolo mo. Mahal na mahal ka nila dzae tapos ang happiness pa nilang kasama. Hindi tulad sa tatlo kong tiyanak na kapatid na nakakaurat sa beautiful kong face!"

"Mas nakakainggit ka kaya. May mga kapatid ka. May nanay at tatay. Eh, ako Consolacion! Wala. 'Yong nanay ko, natigok. Nakalimutan ba naman huminga charr. Tapos 'yong padir ko, nadedz din nung tinamaan ng kidlat! Ang naiwan sa 'kin ay ang aguela at aguelo kong tinatrashtalk ako."

"Pero lovers in Paris ka nilaaa!"

Inirapan niya lang ang kaibigan. Napaisip tuloy siya kung bakit ang layo-layo yata ng Hasyenda Ligaya? Namaligno na yata sila ng kaibigan niyang bakla.

Isali pang napaka-kill joy ng panahon dahil bigla itong sumama. Natatae yata o naiihi! 'Nyeta 'yan! Uulanin pa yata kami ni Conseng, ah! Hindi pa nga kami nakarating sa pupuntahan namin tapos uulanin na?!

Pero kaagad din nawala ang pag-alala niyang iyon nang matanaw niya na ang malaking Hasyenda Ligaya sa Bayan ng Masuso.

Kaya siguro Ligaya pangalan ng Hasyenda dahil naging maligaya ito nang makakita ng malaking suso.

Mabilis silang tumakbo papalapit sa malaking gate at kinausap ang nakatukang guard doon.

"O, at saan kayong libingan galing? Nagkamali kayo ng lapit dito mga ineng. Hindi ito impyerno." Saka biglang kumulog nang malakas pagkatapos sabihin ng guard ito. "Hay kapag ganitong uulan at masama ang panahon, palagi na lang akong nilalapitan ng mga maligno, multo at nga kampon ng demonyo."

"Grabe ka kuya! Mga buhay pa kami, hindi pa kami patay." Gusto niya tuloy itong bigwasan sa inis.

"Ah, hindi pala? Ano kayo? Ah, hulaan ko teka-teka!" Tumiim ang tingin nito sa kanila ni Consolacion. Nagpalipat-lipat. "Mga maligno kayo. Tama. Malignong nabighani na naman sa kagwapuhan ko. Naku naman!"

"Ewww!" Sabay silang nandiri ni Consolacion sa sinabi ng matandang guard na halatang isang bulate na lang ang pipirma sa buhay.

"Ang feelingero niyo Manong! We're not maligno's and maligna's. FYI Manong, hindi ka si Lucas!"

"And FYI, mga tao kami."

Natigilan naman si Manong at muli silang tiningnan mula ulo hanggang paa. Paa hanggang ulo at saka lang napangiwi ito.

"Ay tao nga pala kayo." Humalakhak ito na kaagad niyang inismiran.

"Alam niyo Manong, isang bulate na lang kailangan pumerma sa buhay niyo matitigok na kayo. Gusto niyong ako na pumerma para kunin na kayo ni Lord?!"

Kaagad itong nagseryuso at napatikhim. "Si Seniorito Lucas ba kamo ang ibig niyong makita kaya kayo napadalo? Ay mga ineng, wala rito si Lucas. Bumalik na ng Maynila kaninang umaga. Pangsampu na yata kayong babae ang nagpunta rito para lang makita si Seniorito."

Napalabi naman sila sa nalaman at naiinis na napatingin sa malaking bahay ng Hasyenda Ligaya.

Anong silbi ng Hasyendang ito kung wala naman si Lucas? Pwe! Kainis naman kasi sila Lola, eh. Nakauwi na tuloy ulit sa Manila ang lalaking mahal ko.

"Paano ba 'yan Marriame. We need to go homers na because the rain is falling from the rooftop! Ayy!" Napatili si Consolacion nang biglang umulan nang malakas.

Kinawayan naman sila ng guard na umuwi na sila at bumalik ito sa guardhouse nito. Mabilis naman siyang napigilan ng kaibigan niya nang akmang babatuhin niya ito ng kaniyang tsinelas na suot.

'Nyeta 'yan! Nasayang lang ang pagmamaganda sa kaniya ni Consolacion. Sige na nga, uuwi na sila ni Conseng! Baka makalimutan niyang tao 'yong guard at mabato niya ng tsinelas.

Wala tuloy silang magawa kundi ang unuwi na basang-basa. Ilang beses pa silang nahulog sa putikan ng palayan ni Conseng dahil sa dulas.

Kaya ang nangyari, mukha silang galing sa hukay dalawa ng kaibigan nang makauwi sila. Nagtawanan pa sila sa kanilang kagagahan dalawa.

Sinermunan pa nga siya nang kaniyang aguela kung bakit mukha siya puro putik. Alangan naman kasi, naglaro na lang sila ni Conseng sa palayan na puro putik pa. Para silang tanga dalawa ro'n hanggang sa nagpasya na silang umuwi nung nakahuli sila ng limang malalaking hito.

Tatlo sa kaniya tapos dalawa naman sa bakla. Siya naman nanghuli lahat niyon, eh.


***

SAMANTALANG si Lucas ay napailing-iling na lang na nakahiga sa kama. Nagsimula ulit na umulan sa labas.

Masakit pa rin ang kaniyang ulo at katawan. Hindi dahil sa dami ng kaniyang nainom nung pauwi na siya rito sa Hasyenda Ligaya pero dahil sa isang kariton ng kalabaw siya nakatulog at balot na balot pa siya ng kumot at sako.

Nung magising siya kanina ay muntikan siyang napasigaw sa sobrang gulat. Inakala niyang dinukot siya ng mga nakaaway niya sa larangan ng batas dahil sa sakong isinuot sa ulo niya.

Hanggang ngayon, masakit pa rin ang likod at balakang niya dahil sa maling pagkakahiga.

"Damn it! Paano ba ako umabot sa kariton ng kalabaw? Ang naalala ko lang ay huminto ako saglit para umihi tapos wala na akong maalala." Nasapo niya ang sentido at bahagyang hinilot-hilot ito.

Ang naalala niya lang ay isang boses ng babae na parang may masamang binabalak sa kaniyang katawan.

Mabuti na lang at buo pa ang kaniyang alaga. Dahil nanaginip siya nang masama. At indi niya mamukhaan kung babae o maligno ba 'yong nasa panaginip niya dahil sa buhaghag nitong buhok at pagkalawak-lawak na noo.

Namimili raw ang babae kung alin ang unang kakainin nito, kung itlog ba niya o alaga.

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon