GABI NA nang tumili ang ulan. Dahil laking bukid girl siya, may dala siyang gasera. Saka hindi rin siya matatakutin kaya okay lang! Takot pa nga ang mga maligno sa kaniya, eh.
Sakay siya sa likod ni Baweng habang may dala-dala siyang gasera. Mahamog at malamig! Mabuti na lang sinuot niya muna 'yong pangburol na damit ng lolo niya. Lalabhan naman niya 'to bukas sa ilog kaya okay lang na suutin niya 'to.
Hindi naman siguro magagalit ang lolo at lola niya kung bakit ginabi siya ngayon ng uwi, dahil halerr! Ang lakas kaya ng ulan saka itong si Baweng nag-inarte pa kanina. Gusto raw nitong suutin ang pangburol na damit ng kaniyang Lolo Romualdo at kung bagay ba raw rito. Baliw na Baweng! Eh, hindi naman ito 'yong matitigok, kundi ang lolo niya.
"Eniweys, saan na tayo Baweng? Malapit na ba?"
"Ungaaaa!!!"
"At bakit galit ka d'yan? Umulan kaya! Alangan naman maligo tayo ng ulan tapos ay ano? Mababasa ako. Kung ikaw Baweng ay matigas ang balat dahil pink naman 'yan, ay ako hindi. Kaya 'wag ka na magreklamo d'yan, 'no."
"Ungaaa! Ungaaaa!"
"Okay payn! Bababa na ako. Nakakahiya naman sa 'yong bakla ka." Nakaismid na bumaba siya mula sa likuran nito. "Napakareklamador mo! Next year ibebenta na talaga kita kay Kapitan. Tingnan mo talaga Baweng." Pananakot niya.
Isang oras lang naman ang lalakarin bago nila marating ang bahay-kubo. Saka dahil umulan kanina, malamang maputik ang daan ngayon.
Pero ang bwesit na kalabaw niya, nagtampo. Ayaw na humakbang! Kakainis! Nasa kalagitnaan pa lang sila ng mahabang byahe nila.
"Ano ba Baweng! Joke lang 'yon, bakla ka." Hinila niya na ang lubid nito pero dahil dakilang dramatista itong kalabaw niya, ayaw humakbang ang depunggal. "Gabi na, Baweng! Kailangan na natin makauwi! Huwag ka nga magdram—"
Bigla siyang napahinto nang mapatingin siya sa unahan. Kumunot ang noo niya nang may nakita siyang gumalaw-galaw ro'n sa damuhan. Para itong isang. . .
"Multo?!" Nagulat naman si Baweng sa tili niya. "Drama lang!" Malakas niyang tinawanan ang kalabaw na na-scam niya.
FYI, hindi kaya siya naniniwala sa mga multo-multo na 'yan. Si lola Amparo niya pa lang, takot na siya sa hampas pa lang nito.
"Lapitan ko lang, Baweng. Wit ka lang dito." Iniwanan niya ang alaga niya habang bitbit niya ang gasera.
'Pag ito, malaking palakang bukid 'to— solb na ang pang-adobong ulam nila bukas. Napangisi siya nang maisip na malaking palakang bukid ito, mga kasing-laki ng tao gano'n bagay.
Nakailang hakbang pa lang si Marriame papunta sa inaasam-asam niyang palakang bukid nang makita niyang tao pala itong nakatulog sa daan.
"Punyemas! Akala ko may pang-ulam na. Tsk." Napaismid siya.
Nagdadalawang isip kung gigisingin ba niya ito o hindi dahil mukhang mahimbing mahimbing naman na itong nakatulog.
"Pero bakit ang aga naman yatang natulog nitong taong 'to rito? Wala ba 'tong bahay?!"
"Ungaaaa!!!"
Napalingon siya kay Baweng. Nakalapit na ito sa kaniya. Tinatanong siya na tingnan daw nila ang mukha ng lalaki kung mukha ba raw palakang bukid.
"'Apaka-bad mo! Tao 'yan. Saka sino ba ang tangang natutulog dito sa basang damuhan?"
"Uungaaa!"
"Oo na! Oo na! Depunggal ka talaga, eh, 'no. Ito na sisilipin ko lang mukha niya tapos iwan na natin 'to agad— oy, ano kaya kung nakawan natin 'to?" Nagliwanag ang mga mata niya nang tingnan ang wallet nito sa bulsa. "Ay mali 'yon. Magagalit si Lolo kapag nalaman niya, kahit sabihin ko pa na para sa lamay niya ang nanakawin ko."
Muling nagdabog si Baweng dahil ang dami niya raw satsat at para matigil ito, kaagad niyang sinilip ang mukha ng lalaking nakadala sa damuhan na parang sarap-sarap sa pagkakatulog.
"Gho haway! Reklamo nung lalaki nung sinilip niya ang mukha nito.
Para lang magulat si Marriame sa nakita. Bigla siyang napaunat ng tayo at napatingin kay Baweng na gulat na gulat. Hindi siya kaagad makapagsalita.
Depunggal!
'Totoo ba ang nakikita ko?!'
Muli siyang yumuko at sinilip ang mukha ng englishers na lalaki at napatili sa sobrang kilig.
"Bawenggggg! Ang crush ko 'tong si Lucas!"
At kahit tulog ito at amoy alak, ay, wala siyang pakialam! Niyakap niya ito. Hihih. Sinamantala niya na agad habang tulog at lasing pa.
"‘Ambenge-ambenge nemen ng peg-ibig ke. Hihih."
Ito na yata ang hinandang hapunan sa kaniya ni Lord. Kainin na kaya niya ito? Pwede rin naman siguro dahil sabi ni Lola Amparo, ang pagkain na bigay ni Lord ay dapat 'di sinasayang at maraming nagugutom na bata sa lansangan.
'Shocks naman Lola! Mukhang ngayon ako mapapalaban ng kainan.'
Kaso, dapat pala tinanong niya ang kaniyang aguela noon kung alin ang unang kainin. Kung ang itlog ba ni Lucas o 'yong hatdug— "Ay palakang may bangs!" Napasigaw siya nang hilain ni Baweng ang buhok niyang buhaghag.
"Ano ba Baweng!"
Tiningnan siya nang masama ng kaniyang alaga. Napahalukipkip naman siya. Sinasabihan siya nitong ilugar niya ang kaniyang pagiging manyakis.
'Hmp! Panira naman talaga 'tong alaga ko.'
"Oo na! Ano ba ang dapat gawin ko kay Lucas? Hindi ko nakita ang sasakyan niya." Pero kunwari lang naman 'yon! Ando'n lang naman sa unahan ang sasakyan nito pero wala siyang balak na ipasok ito sasakyan nito. May iba siyang balak. Muli siyang humagikhik sa naisip. "Kawawa naman siya Baweng, 'di ba? Dalhin na lang natin si Lucas sa bahay. Tama! Ang galing ko talaga. Doon muna siya sa atin tapos tabi kaming matulo— aray! Ano ba?" Asik niya sa kalabaw.
Hinila na naman kasi nito ang buhok niya. Ibebenta na talaga niya ito sa susunod na taon! Hindi marunong sumuporta sa malanding pag-ibig niya kay Lucas, eh.
"Isasakay ko na siya sa backpack mo tapos kayo na magtabi sa pagtulog, okay na ba 'yon?"
Ngumisi naman ang baklang kalabaw niya. Luhh? Kala naman nito papayag siya. It's a prank lang.
Nilagay niya sandali ang gasera sa lupa at buong lakas na hinila si Lucas papunta sa backpack ala kariton ni Baweng. Buti na lang at suportib ang alaga niya kaya 'di siya masyadong nahirapan.
Pero hayop naman 'tong si Lucas! Ang bigat-bigat! Parang matatangal pekpek niya.
"Ano ba ang kinain nitong si Lucas ko nung bata pa siya? Star margarine pampataba ng ote—" Tinampal niya ang bibig. Bad! Bad!
Na-excite lang siyang kainin sana ito. Pero mas na-excite siyang iuwi ito ngayon! Akalain ba naman na isang Lucas ang iuuwi niya? Naks! Ang haba ng hair niya. Mahal naman pala siya ni Lord.
Ang laki nang tuwa ni Marriame nung maisakay niya na lahat si Lucas sa kariton na nakabaluktot at mukhang sasali sa baluktot dance.
Grabe! Hindi pa rin ito nagigising at sarap na sarap pa rin sa tulog. Nakashabo yata 'to, eh.
"Panakaw nga ng kiss. Hihi."
"Ungaaa!"
"Pisti ka talaga Baweng!" Napairap na lang siya sa hangin dahil ang lakas-lakas ng unga-unga ng kalabaw niya. Buong bayan ng Masuso yata ang makakarinig. "Alis na tayo pauwi. Hindi natin siya dadalhin sa Hasyenda nila, okay, dahil ang malamang nag-aalala na si Lola at Lolo."
"Nakuu naman! Kung sinuwerte ba naman talaga ako." Napahalakhak siya nang malakas at inabot ang gasera. Nagsimula nang humakbang si Baweng habang nasa tabi lang siya nito at nakagiya. "Kaya pala 'di ako nakasilip kanina sa Hasyenda, dahil dito ko lang pala siya makikita. Ang swerte-swerte ko ba naman at maiuuwi ko pa. Sana Lord, walang maghahanap sa kaniya. Para bagang pusa Lord na walang may ari at pwedeng iuwi, gano'n."
At ang lawak ng ngisi niya.
Hays. Ang sarap-sarap naman pa lang yakapin ang isang Lucas. Eng teges-teges!
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...