Kabanata 19 - Dalawang Bisita

413 15 9
                                    

PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.

'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'

"It's breathtaking, isn't it?"The last time I was here, I was a high school senior, and let me tell you, I miss this kind of life something fierce."

"Missing this place, or missing small-town life in general? Because last I checked, you haven't exactly been roughing it in the States all this time."

"Oy hindi, ah! It's not like I haven't wanted to visit. Between work and Dad's business, it's been nonstop chaos. Every time I try to make it out, something comes up. But hey, at least I'm here now, right next to you. I've missed you something awful, you know. Though, you haven't exactly been setting any records for visiting me across the pond these past three years. That part stings a little."

"Blame it on becoming a hotshot lawyer. The hours are killer." Inakbayan nito ang babae.

"Or maybe Ffion keeps you a little too occupied?" Nanunudyong tanong ni Barney.

"So, nagseselos ka na niyan?"

"Hindi, ah!" Kaagad nitong tinaggal ang kamay ni Lucas mula sa pagkakaakbay rito. "Don't be ridiculous."

Marahan pinunasan ni Marriame ang ilong. Dinugo yata siya sa haba ng englishan ng dalawa at hindi siya makasabay. Ang nakuha lang niya ay ang sinabi ni Lucas na 'nagseselos ka na niyan?', ay oo! Punyeta, tinatanong pa ba 'yan? Selos lang pag-uusapan, ay oo, umuusok na ilong niya sa selos.

Gusto niyang maging chismosa pero 'di kinaya ng kapangyarihan niyang intindihin lahat ang pinagsasabi ng babae! Maliban sa may accent ito, hindi niya rin makuha agad dahil sa hinhin ng boses.

Aba't inagawan pa siya ng role sa buhay ni Lucas, ah. Kaya rin naman niya mag-sweet voice na mala-anghel tulad ng babaeng 'to.

Muntikan pa siyang mapasigaw nang kalabitin siya nang kasamahan niyang katulong. Nakataas ang Isang kilay nito habang nakatingin sa kaniya.

"Tawag ka sa kusina. Magluluto na tayo."

Napasimangot siya agad sa narinig. "Hindi ba pwedeng pass muna ako?"

"Sige, sasabihin ko kay senyorito Lucas na para kang tangang pasilip-silip-"

Mabilis niyang tinakpan ang bibig ng kasamahan. Bwesit din ito, eh! Ngayon lang siya humingi ng pabor, panira pa ng mood.

Kaagad niyang hinila ang kasamahan papalayo ro'n at nagtungo sila sa kusina para magluto.

Eksaktong alas-dose sila natapos magluto nang araw na 'yon at nakahanda na lahat sa mesa nang siya ang utusan ng kaniyang tiyahin na tawagin si Lucas at ang bwesita nito.

Kandahaba ang nguso niyang sumunod sa sinabi ng kaniyang Tiyang. Pinuntahan niya ang dalawa na masayang nagkikwentuhan sa veranda.

'Nakakainggit! Parang gusto ko silang itulak dalawa.'

Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Senyorito, kakain na raw po."

Pero parang walang narinig ang mga ito. Para lang naman siyang hangin dahil panay pa rin ang lampungan ng dalawa at tawanan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon