PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.
Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.
'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano.
"Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan."
Kinilig na naman siya habang hinahampas-hampas ang kaniyang mukha ng preskong hangin. Kung makita siya ni Consolacion, tiyak na mamamatay ito sa inggit.
Malayo-layo na rin sila sa Villa at wala pa rin kamalay-malay si Lucas na nasa likod lang siya. Kung kanina ay todo dapa siya, ngayon ay hindi niya na mapigilan tumayo sa likuran at damhin ang hangin habang nakahawak ang dalawang kamay niya sa hawakan.
"Wohoooo! Ang sarap ng hangin! Para akong lumilipaaaaa- aray naman punyeta!" Natanggal yata ang baga niya sa lakas ng preno ni Lucas.
Sumubsob lang naman ang kaniyang mukha sa harapan at buti na lang hindi siya lumipad! Kasunod n'yon ay narinig niya ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan at paglabas do'n ng binata.
"Grabe ka naman! Muntikan na lumipad ang kaluluwa ko sa biglaan preno mo. Kainis ka!" Inirapan niya ito saka inayos ang buhok na nagmukhang pugad na dahil sa hangin.
Hindi kaagad nakahuma si Lucas sa kaniyang sinabi. Napapantastikuhan lang itong nakatingin sa kaniya habang nakapameywang.
Galit ba siya?
Hindi, baka natutuwa.
"And who instructed you to accompany me?! The fuck! Nakuha mo pa talagang sumakay d'yan sa likuran nang walang paalam?"
"E 'di magpapaalam na sa 'yo. Pasakay senyorito, ha? Sasama kasi ako sa inyo sa bayan. Saka alam mo na, maraming mapagsamantala ro'n. Dapat kasama mo ako nang 'di ka nila nakawin sa 'kin. Hihi."
"Baba!"
"Ha?"
"I said, baba!"
"Bakit naman?"
"Bullshit! Bumaba ka!"
"Oo na, oo na! Heto na nga. Ang maldito mo, ah! Ano ba ang nakain mo at ang hayis lebel ng galit mo d'yan. Ito na, ito na pababa na ho."
Napahugot naman nang malalim na hangin si Lucas at matalim pa rin siyang tiningnan. Para bang bagot na bagot itong nakatingin sa kaniya habang pababa siya nang sasakyan nito, na ngayon ay sobra siyang nahirapan kung paano bumaba.
Kanina lang ang bilis-bilis niya umakyat, pero bakit ngayon ang hirap bumaba at ang taas naman yata ng truck na 'to?
"Oy Lucasio, baka naman tulungan mo 'kong bumaba rito? Ikaw 'tong pa 'I sed baba', d'yan, eh."
"You know how to climb pero ang pagbaba hindi?" Nanlaki ang butas ng ilong nito. "Ako ba ang pinagloloko mo rito?"
"Oy, anong pinagloloko ka d'yan? Neber kitang lulukohin ano! Mamahalin lang kita habang-buhay."
Napamura naman ito sa sinabi niya at inis na inis na nilamukos ang mukha. "Huwag ka nang bumaba! Bullshit. Aksaya ka ng oras ko." Saka ito padabog na pumasok sa loob ng sasakyan at muling pinagana ang makina.
"Maraming salamat senyorito! Sabi sa 'yong 'di mo matitiis kagandahan ko, eh."
Pero walang tugon mula sa pag-ibig niyang si Lucas dahil nagsimula na itong magmaneho. Mas mabilis pa nga kesa kanina kaya tuloy todo kapit siya at baka sa gilid siya ng kalsada pulutin.
Tapos itong buhok niya pa na nakiki-shampoo indorser! Hindi na siya natutuwa sa bilis ng takbo ni Lucas, sa totoo lang! May balak yata itong sumali sa paligsahan ng mga sasakyan tapos siya ang repere.
"Lucas my labs! Baka naman kalmahan mo lang ang pagpapatakbo! Senyorito! Senyorito?!"
Pero kahit sumigaw yata siya, walang paki si Lucas. Todo kapit na tuloy siya sa likod. Buti na lang pinaglihi siya sa tarsier! Aba't kahit anong mangyayari, kakapit at kakapit siya. Kay Lucas lang siya mahuhulog.
.
.
.
.
.
.NANGINGINIG ang mga tuhod ni Marriame nang huminto ang truck ng binata sa isang tabi. Sa wakas! Dumating na din sila sa bayan.
Mabilis niyang inayos ang buhok at ang suot na uniporme saka tiningnan ang repleksyon sa maliit niyang salamin. Dapat presentabol pa rin siyang tingnan sa kabila nang sakit, hinagpis, at paghihirap na kaniyang dinaanan kanina.
"Marriame!!!"
"Ay itlog mong pula!"
"Ba't ka ba nanggugulat d'yan, senyorito!"
"Huwag ka na bumaba d'yan sa likod. Hintayin mo na lang ako bumalik."
"Ay, ayan ang 'di maari 'no! Pa'no na lang kung manakaw ka d'yan. Naks! Pa'no na lang ang puso ko— senyorito!" Nauna nang maglakad ang binata at iniwan siya. "Lucas! Hoy! 'Di pa ako tapos magsalita. Hayop 'yon."
Pero kahit mag-budots pa siya rito sa sasakyan, hindi siya babalikan ni Lucas! Argh. Kaya no choice siya na tumalon. Yezzz, talon layk jamp para mahabol lang ang bwesit na lalaking 'yon!
Kung hindi niya lang talaga ito mahal, ay nako! Ay nako talaga! Buti pasalamat ito at nag-iisa itong tinitibok-tibok ng kaniyang puso. Hihi.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going)
RomanceTips paano mahalin ang bilyonaryo na si Atty. Lucas Jaxx Kincaid: 1. Akitin 2. Nang 3. Isang 4. Marriame 5. Mikayla 6. Manalo Isa lang naman siyang prangka, daldalera at probinsyana girl na may alagang pink na kalabaw sa bukid at sobrang crush na cr...