Kabanata 11 - Bilang Katulong

1.6K 57 20
                                    

"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi.

"Oo naman."

"At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!"

"Tiyang naman!"

"At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."

Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.

Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!

Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.

Teka! Baka umalis ang Lucas niya nang hindi makapagpaalam sa kaniya. Nagluto pa naman siya kaninang madaling araw ng bibingka. Do'n sa likuran ng Hasyenda pa niya ito niluto para hindi siya makapangdisturbo ng mga taong natutulog na.

Dalawang oras din siyang nagluto tapos natulog ulit. Habang ginagawa niya ang mga bibingka, panay hahikhik siya. Pa'no ba naman kasi, na-imagine niyang hinimatay si Lucas nang tikman ang bibingka niya.

Kaya alam niyang masarap ito dahil si Lucas ang iniisip niya habang hinahanda ito.

Mabilis siyang tumakbo sa likuran ng Hasyenda at kinuha ro'n ang mga bibingkang niluto niya. Baka umalis na si Lucas tapos 'di matikman itong mamula-mulang bibingka niya, sayang naman.

Nang mailagay niya sa supot ang mga bibingka with love, tumakbo na siya sa labas. Eksaktong nakita niyang binuksan ni Lucas ang pintuan ng sasakyan nito.

"Senyorito! Senyorito!"

Pero mabilis itong pumasok sa loob nang makita siya. Napaismid na lang siya pero hindi yata siya makakapayag na aalis agad ito, kaya hinarang niya ang katawan sa daraanan nito.

"Hey, aalis na ako. Ano ba ang hinarang-harang mo diyan?" Asik nito.

"Senyorito, may ginawa akong bibingka! Presh pram parm pa 'to! Baunin niyo 'to tapos kainin niyo 'pag nagutom kayo sa daan, ha?"

"I don't need that. Umalis ka na sa daraanan ko at kailangan ko pa bumalik ng Manila!"

"Ang tigas din ng ulo niyo, eh, Senyorito! Ginawa ko 'to kaninang madaling araw tapos hindi mo babaunin? PYE! Por yor empormisyon! Mahirap kaya gumawa nito. Kailangan ng eport at tiyaga para makagawa nang masarap na bibingkang ganito. Malaman, malaki, ma-brown-brown, siksik at punong-puno ng pagmamahal—"

"Aalis ka diyan sa daraanan ko o hindi?"

Nag-isip siya saglit. "Um... Hindi."

"Damn! Manang Donna!"

"Ito na, ito na aalis na! Ang maldito mo talaga Lucasio 'no?" Gusto niya tuloy itong bigwasan tapos halikan. Kahit kasi ang strikto nito at mainit ang ulo sa kaniya, namamasa pa rin ang pant—

"S-saan mo narinig ang Lucasio na pangalan?" Kumunot ang noo nito.

"Kapag ba sinabi ko sa inyo, tatanggapin niyo itong bibingka ko?" Nagliwanag namab agad ang mga magagandang mata niya. Naku! Kung nandito lang si Baweng at Consolacion, namatay na ang mga iyon sa inggit. Pwe!

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon