Kabanata 18 - Welcome na Welcome

247 12 2
                                    

"Manong, may joke ako!"

"Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"

Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.

Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa.

"Manong sino 'yon?"

"Hindi ko alam."

"Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?"

"Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.

Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.

Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.

Nahigit niya ang hininga nang makitang umibis mula roon ang isang napakagandang babae na ngayon lang niya nakita.

Likod pa lang ang kaniyang nakita pero grabeeee! Alam na alam niyang napakaganda nito dahil nakikita niya ang kaniyang sarili sa hulma pa lang ng likod ng babae. Pwera sa kulay, puting-puti ito na mala-labanos at sobrang kinis habang siya, proud morena! Pilipinang-pilipina kaya ang kaniyang kulay. Walang bahid lotion at chlorine.

"Lucas!!!"

'Grabe makatili 'tong babaeng 'to, ah!'

Napatakip siya ng dalawang teynga pero ang totoo, 'yong mga mata niya ang gustong takpan! Dahil bigla lang naman lumapit ang lalaking laman ng kaniyang pantasya rito, at niyakap nang sobrang higpit ang babae!

"Delaney!"

"Sweet Mary! Sobra kitang na-miss, Lucas!" Mahigpit din nitong niyakap ang lalaki at naglambitin na parang unggoy.

"Really?" Gumuhit naman ang masayang ngiti sa mukha ng binata at kulang na lang, camera para sa mga ito. Perfect na gumanap na nang pelikula!

'Sino 'yang Barney na 'yan?!' nagngitngit ang kaniyang kalooban sa nasaksihan at gusto niyang lapitan ang mga ito pero 'di niya magawa.

Para siyang stick glue na dinikit sa kaniyang kinatatayuan ngayon habang nanonood sa sweetness nang dalawa.

'Wahhh! Gusto kong magwala! Bakit 'di ako makaalis sa kinatatayuan ko? Ito na ba 'yong selos? Charr, ba't ako magseselos ang ganda-ganda ko rin kaya! Pero hayop, sino ang Barney na 'yan, Lucas, ha?! Sinooooo!'

Pero pati boses niya, 'di niya rin makapa. Nakakaiyak! Bwesit! Gusto niyang magdabog sa totoo lang.

"How was the trip? Did everything go smoothly?" Kaagad na na tanong ni Lucas nung maghiwalay na ang mga ito sa pagyayakapan.

Ngumisi naman si Barney, "Nope, not a single hitch! Sure, I might be wiped, but seeing my favorite childhood buddy makes it all worth it. Straight from the airport in the Philippines, I came here."

"Silly. You should've gotten some rest first. I would have sent a helicopter for you, you know."

"Oh please," Napaingos ito at pabirong hinampas sa dibdib si Lucas. "Like I'd let you spoil me rotten even before I get my luggage inside. Besides, being here is all the rest I need."

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon