Kabanata 17 - Secret Tips

239 9 1
                                    

Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.

Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala.

"The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."

Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!

Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.

Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan.

"Senyorito! Senyorito, saglit lang!" Buti nahabol niya pa ito.

"What?!"

"Stop ka muna!" Humakbang siya sa ikalawang baitang para naman magpantay ang tingin nilang dalawa. Nasa ibaba ito at siya nasa itaas.

Walang-sabi na tinitigan niya ito sa mga mata. Eye contact daw sabi ng senyor kaya dapat titigan niya ito hanggang sa sumuko ito sa pag-ibig niya!

"What are you doing?"

"Eye contact, senyorito! Titigan mo 'ko sa mata! Dali. Titigan mo 'ko, now na!"

"Baliw ka na ba?!" Akmang lalagpasan siya nito pero hinarangan niya sa kaniyang kamay.

"Hindi umepek?" Punyeta! Kailangan niya ng Tips #3: Show off your talents!

Kaya ang ginawa niya, bigla siyang sumayaw sa harap nito at kumanta habang naka-eye to eye contact.

🎶Ebri nayt and ebri dey!
I try to mek yo stey
Bat yor...
Salvage lab
Did sumbadi, did sumbadi
Brek yor hart? 🎶

"Ang sagwa ng boses mo, babae ka." Umasim ang mukha nito at hinawi siya paalis sa daraanan nito.

"Wahh! Senyorito! Hindi pa ako tapos kumanta at sumayaw! Patapusin mo muna ang savage love ko!" Siyempre, hinabol niya si Lucas. Siya pa ba, susuko? No ways!

"Manang! Manang!"

Mabilis naman na lumabas ang mayordoma nang marinig ang boses ni Lucas. "Senyorito?"

"Magpatawag kayo ng Pari! May sinasaniban sa bahay na 'to!"

"Ay sige, ho!"

"Senyorito naman! Hindi ako sinasaniban. Ang lakas ng amats niyo. Sumayaw lang ako— senyorito! Patapusin niyo muna sayaw at kanta ko!" Hinabol niya ito pero ang bilis maglakad nang binata, hindi niya na ito naabutan. Bwesit!

Habang ang ama naman ni Lucas ay napailing-iling na lang at natatawa sa katangahan ni Marriame. Nanonood lang pala ito at nakikinig.

"Hindi ko akalain may pagkatanga at shunga ang batang 'yan. Bagay na bagay talaga silang dalawa." Natawa ito at tumalikod na. Kunwari, wala itong alam sa mga nangyayaring kabaliwan ni Marriame.

Sandamakol tuloy ang mukha ni Marriame nang puntahan niya ang ama ni Lucas sa library room. May binabasa itong libro na pabaliktad ang cover. Tanungin din kaya niya 'to kung baliktad rin ba ang isip ng matandang 'to?

"Hindi naman ho tumalab!"

Nagtaas ito nang tingin at binaba ang binabasang libro. "Talaga? Tingin ko effective 'yon kung tama ang paggamit."

"Ay ginamit ko na ho sa tama! Wala pa rin."

"Ano ba ang ginawa mo?"

"Sumayaw at kumanta! Talents kasi sabi niyo. Gumiling-giling na ako tapos kinata ko pa ang savage love, ay, wala pa rin effect. Nakipag-eye to eye contact din ako pero wala rin, senyor! Sure kayong epektibo 'yon tips-tips niyo? Baka naman gawa-gawa niyo lang 'yon. Ano kaya kung kulamin na lang natin anak niyo?"

"Kulamin?"

"I mean po, gayumahin. Hehe."

"Marunong ka ba?"

"Hindi nga rin, eh."

"Wala tayong choice kundi ang daanin sa pasensyusong daan."

"Wala ho bang mabilis na daan d'yan, dade? Kapagod naman maghintay. Charrut."

Napailing naman ang matanda at natawa. "O siya, maiiwan na muna kita. May gagawin pa akong trabaho hija. Ikaw  na bahala kung anong klaseng daan ang gusto mong gawin."

"Okay po! Gapang daan ang gagamitin ko." Saka siya biglang tumayo. Hindi naman pwedeng siya ang maiiwan do'n sa library room. Ano naman ang gagawin niya ro'n? Maging librarian. "Alis na ho ako. Dami ko pa ho trabaho at isa na ro'n ang manhid niyong anak. Kuuhhh! Kung 'di ko talaga mahal ang anak niyo, ay, naku! Matagal na akong sumuko pero charrut lang 'yon! Akin pa rin si Lucas. Bye na ho. Bahala na kayo ritong matigok."

"Aba't 'tong batang 'to!"

Nagmadali na siyang lumabas kaya hindi na niya narinig pa ang pinagsasabi ng matanda. Mamaya na lang niya babasahin ang death note. Sa ngayon, magpapaka-busy muna siyang akitin si Lucas sa paraan niya. Deretso siyang nagtungo sa servants quarter.

Pero parang ang hirap talaga akitin ni Lucas! Kaya wala siyang ibang paraan kundi ang tingnan ulit ang ibang secret tips ng putyur fader in luw niya.

"Alin ba ang isusunod ko rito? Mabasa nga ang kasunod na tips." Sinimulan niyang buklatin ang pahina ng notebook. Buti na lang kamo hindi masagwa ang handwriting ng matanda.

Tips # 4: Lingering soft touches.
Tips # 5: Smell great.
Tips # 6: Make yourself look beautiful.
Tips # 7: Mirror him.

"Ay ang talandi naman ni dade! Soft touches daw, oh. Mamaya dadakmain ko ang kaniya." Napahagikhik siya. "Ano 'tong smell great? Mabango naman ako. Alagang baby oil na ang buhok ko ngayon. Ninakaw ko pa kay Tiyang 'yon kaya super bagsak and shiny kulot na bulbol hair ko ngayon. Naglalangis nga lang pero kere lang!" Nagkibit siya ng balikat at umupo saglit. "Make yourself look beautiful? Ay wala na, panalo na ako rito. Maganda na ako, hindi na kailangan pa 'yon! Ito talagang matandang senyor, kailangan pa i-remayns ang kagandahan ko. Duhh. Teka, ano 'tong mirror him? Mirror 'di ba salamin? Baka mahilig si Lucas sa salamin kaya okay go." Saka niya tinago sa ilalim ng higaan ang death note.

Dere-deretso na siyang lumabas ng servants quarter at naabutan ang ibang mga katulong na nagtitsismisan na naman laban sa kaniya do'n sa hallway.

Tinaasan lang niya ang mga ito ng kilay at maarteng lumapit sa kaniyang tiyahin na naglilinis sa may sala.

"Tiyang!" Kinalabit niya ito.

"Punyeta kang bata ka! Ano?!" Nagulat ito.

"Ito naman si Tiyang, halatang tigang na tigang. Mabilis magulat, eh."

Nanlisik naman ang mga mata nito nang kutusan siya nang malakas sa ulo. "Iyang bibig mong walang preno! Ba't ka nanggugulat? Ano na naman sadya mo Marriame? Aba ay magtrabaho ka nga!"

"Tinatrabaho ko nga si Lucas— aray naman!" Isang malakas na kutos na naman ang binigay nito.

"Ikaw babae ka, umayos-ayos ka d'yan ah! Ikaw 'yong laman ng mga bunganga ng mga katulong dito dahil d'yan sa kalandian nasa katawan mo. Ayusin mo nga 'yan sarili mo. Nabibwesit ako sa 'yo."

"Luhh? Kung kalandian tawag na nasa katawan ko, Tiyang, sa inyo naman katigangan. Hehe. Sige na ho, sa hardin lang ako!"

Hindi na siya nahabol nang tiyahin nang mabilis siyang tumakbo papalayo. Makikipag-chikahan lang sana siya rito, pero dahil high blood ito, kay Manong guard na lang siya makikipag-tsismisan sa labas!

Buti pa nga!

The Billionaire's Club #2: HOW TO LOVE A BILLIONAIRE (On Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon