MJ's POV
Hay. Ayun. Nandito ako sa kwarto. Nagliliwaliw. Di lang ako makapaniwala sa sinabi sa akin ni Jhay.
Pare, mahal ko pa si Ghela.
Pero, paano si Lorice?
PInilit ko siyang mahalin. Pinilit kong makalimutan si Ghela pero, wala talaga eh. Ikaw na ang bahala sa kanya....
Oh, di ba? Ako mag-aalaga dun sa pasaway na yun? EH kaya nga di na ako nanlligaw para wala ng sasawayin. NO WAY! Pati, wala akong gusto sa kanya no.
Pero, sayang naman yung effort ni Lorice. Sabihin ko na kaya kay Lorice? ANo bang dapat kong gawin? Hay. Kung bakit napasama pa ako sa magulong sitwasyon na to eh. Buwiset naman.
LORICE's POV
Ibreak ko na kaya si Jhay? Pero, mahal na mahal ko siya eh. Pero alam mo yun. Simula nung naging kami, parang hindi ko ramdam yung pagiging boyfriend nya sa'kin. Sige, I'll do it. Pero, papatapusin ko na muna yung CHRISTMAS. Para naman maganda ang bagong taon naming dalawa. Hay. Di ko talaga maramdaman. Wala pa kaming communication. Kakainis! Wala akong mapapala sa ganitong relasyon.
Three days before Christmas na. Kaya, magpapasama ako kay MJ na bumili ng ireregalo ke panget ngayon. Punta kaming mall. =) Kaso, di ako marunong tumawid n kalsada. Pano to? Ang rude ko naman kung hahawak ako sa kamay ng lalaking to, di ba? Ayoko! Bahala na. Okay lang masagasaaan ako, wag lang mahawakan kamay niya.
MJ"s POV
Ano ba naman tong babeng to. Lumalabas ba to ng lungga? Bat di marunong sumakay ng jip? Magbayad? Pati tumawid. Nakakaasar naman. Ang bagal pang maglakad. Ang awkward naman kung hahawakan ko kamay nya, di ba? Mamaya, iba pa isipin nito eh.
"Oi, tatawid na tayo" Ano ba kasing tinatato-tayo nito? GREEN LIGHT na oh!
"Teka, saglit. Wag mo ko iwan. Di ako marunong tumawid. Ui, MJ!" NAkakatawa pala to pag iniwan eh. HAHAHAHA! Ansarap naman talagang pagtripan!
LORICE's POV
Nakakabwiset naman to kasama. Hay nako! Pasalamat ka!
"Ui, MJ. San tayo?" NAkarating na kami sa mall. Kaya ayoko sa mga highway eh. Andaming sasakyan.
"Sa bilihan tayo ng damit." Mas nauuna siya sa akin maglakad. Parang siya yung bibili ng regalo ah? Iwanan ko nalang kaya to? Ang kaso, wala akong kasama pauwi. Nakakatakot kaya sumakay ng jip. Baka maliaw na naman ako. Katulad nung nakaraan, pauwi ako ng Tumana galing sa SAn Mateo. Di ko alam yung jip na sasakyan ko kaya sumakay ako ng Philcoa. Malay ko ba kung di yun dadaan dun? Anyways, kailangan talaga ng guide kapag pupunta ako sa malayong lugar.
"HUY! ANO NA ?!" Tae ah! Di naman ako bingi. Sigawan ba daw ako malapit sa tenga?! May hearing deficiency na nga ako eh.
"ANo ba?! Di ko nga alam bibilhin ko..." Hindi talaga ako makapamili kasi nga medyo medyo lang yung dala kong pera. Di marami, di rin konti. Tae. COLOGNE nalang kaya? Kaso baka magtaka yun. Baka sabihin nya mabaho siya.
"Ako nalang maghahanap tapos ikaw pumili ng style" Pumunta kami sa isang sikat na brand ng men's wear.
"A-anong biblhin natin dito?"
"Obvious ba? EH di UNDERGARMENTS!"
OHMYGULAY! Napalaki yung mata ko dun. Di ko alam kung anong size nya.
MJ's POV
HAHAHAHAHHA! Tae, ang gandang pagmasdan ni Lorice. HAHAHHA! Teka, namumula. HAHAHAHAHA.
"HAHAHAHAHA" grabe, ngayon lang ako tumawa ng ganito kalakas.
Teka, nagsisitinginan yung mga tao sa'kin..... Nakakahiya na kaya ako???
LORICE's POV
Dyahe naman to. Makatawa, WAGAS ! Hay. Iwan ko na kaya to? Nakakahiya kasama. Ako na lang kaya bumili ng regalo ko ke panget?
" ui, ano? Tatawa ka nalang jan?" Nakakainis!! Ansarap irapan eh.
"Oh.." Pinakita nya sakin ang isang Poloshirt. Medyo maganda at medyo me kamahalan din.
"Wala akong ganyan kalaking pera" Kumamot ako sa ulo ko dahil wala pang 1K yung binigay sa'kin ni Mama.
""Eh di hati tayo?"
"Okay lang sa'yo?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo naman. Para naman sa bestfriend ko eh."
MJ's POV
Para naman sa bestfriend ko n ahindi ka na mahal. =( Hay. Magiging sayang yung effort ni Lorice sa gagawin nya. Hay kawawa ka naman, dre.
"Hindi pa ba natin babayaran?" Ayan na naman siya sa kakataas nya ng kilay sa'kin. Nakakairita. Nako, sigurado akong hindi magiging maganda kung eto magiging girlfriend ko. Kawawa ako dito. HHHAAAYYY,ano bang iniisip ko? Di ko talaga yan magiging girlfriend no? Baka yan pa maging dahilan ng pagiging malas ko sa taong haharapin ko mag-isa.. All alone na naman ako....
"HUY! Bayad mo daw!?" Kinalabit nya na ako. Di pa nakuntento, kinurot pa ako. Nako, kung di lang dahil maganda si ateng cashier, pinahiya ko na tong babaing to.
"MJ, di ka pa nagugutom?" Patay tayo dito. ALam ko na to eh. Ang labas, siya na nga yung nagpasama.. ako pa manlilibre.. Kawawa talaga. Mabuti nalang medyo maaga sweldo ko.
"Tara nga sa Jollibee." Tae. No choice talaga ako dito eh. Kung di lang talaga dahil ke Jhay, pinabayaan ko na to.
BINABASA MO ANG
Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?
HumorFor everybody who is still finding their Mr. and Ms. RIGHT =) Just wait until the day that you realize that He or She is there for you. --LOreainneo8