Binati lang ako kagabi ni panget sa phone ni MJ. Hay. As in Merry Christmas lang talaga. Walang iloveyou, imissedyou. Hay nako.
NAndito ako ngayon sa tambayan namin. Ako lang mag-isa. Syempre. Di naman to alam ng lahat.
"Lorice!" Tinawag ako ng isang lalaking parang kilalang kilala ko ang boses. Si MJ pala. Ang ganda ata ng mood nito ngayon. Nakangiti siya eh =) ANg cool pa nya sa suot nya at ang gwapo nya sa damit nya.
First time ko lang siyang nakitang nakaPOLOSHIRT. Himala, di nya kasama si Jhay?
"Oh, Hi!" Ngumiti rin ako. Maganda ang mood ko ngayon.
"Merry Christmas, dre!" Inakbayan nya ako. Bigla akong nanlamig. Ewan. Hindi ko alam kung ano yung dapat kong maFEEL.
"M-merry Christmas din!" Ngumiti na lang ako. Grabe. Ba't ako kinikilig eh wala lang naman yun.
"Nasan regalo ko?"
"Ayos pala to eh. Ako dapat ang manghingi dahil babae ako."
"Dre tawagan natin di ba?"
"Oo."
"Lalaki ka!"
"Hindi!"
"Eh ba't?" Tinignan nya yung blouse na suot ko. "Flat-chested ka?"
SHEMAY KA, MJ!!!!!!!!!!!!!! ANsarap mong dunggulin, alam mo yun?!
"Gagsti ka aH!!!!!" HInapas ko siya ng regalo kong ibibigay ko kay Jhay. "Ewan ko sa'yo. Wala kang kwentang DRE!" Tumalikod ako.
"Oy! Saglit lang!" Hinila nya yung kamay ko. Tapos, ang alam ko nalang eh napadikit ako sa dibdib nya. Ang bango ng pabango nya. Talagang Men's Perfume. At ang kinakaba ko, yumuko siya. SObrang lapit na namin sa isa't-isa ngayon. As in nakikita ko na ang mukha nya ng malapitan. At ang gwapo pala ni MJ. PLEASE, WAG MO NANG ILAPIT YUNG MUKHA MO SA'KIN. Aatakihin na ata ako sa puso. Gusto nya ba akong halikan?! Ano ba?! Grabe yung tibok ng puso ko. Napapikit nalang ako dahil lalong lumalapit ang labi nya sa'kin. Shit! Hinawakan nya yung pisngi ko. Hala? Ano na to?
"Nagpulbo ka ba?" Tinaasan nya pa ako ng kilay.
Naghahallucinate lang ata ako na hahalikan nya ako ehh! HMP! Bad ka, LORICE !
"Tae ka naman, dre e. Natural !"
"Akala ko ba aalis ka na?" NIyakap nya ako mula sa likuran.
"A-anong ginagawa mo?"
"Regalo ko nga pala..."
Ako na mismo ang humiwalay dahil kapag hindi, baka ako na ang hahalik sa kanya. Grabe. Ano ba tong nangyayare sa akin?!
"Ah. Salamat =)" Niregaluhan nya ako ng relo na color blue. Parang eto yung gusto kong bilihin noon sa mall.
"Binili ko yan nung nakaraang araw." AnSWEET!!!!!!!!!!!!!!!!
"Ah. Dapat di ka na nag-abala."
"Sinong nagsabi na bigay ko yan?"
"A-akala ko ba regalo mo to ?"
"Aba, sa panahon ngayon, kahit regalo, may bayad na"
"Sayo na yan! Saksak mo pa sa---"
"Sa puso ko." =) he grinned. Nakakabadtrip to ah!
"Ewan ko sa'yo, dre" Tumalikod na ako.
"Oy, joke lang e." Ngumiti naman siya. Yun ang nakakabadtrip sa kanya eh. Parang may gusto siyang ipahiwatig na ... EWAN ! Sana naman sa 30 hindi siya ganun. Naiilang ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/4396946-288-k238171.jpg)
BINABASA MO ANG
Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?
HumorFor everybody who is still finding their Mr. and Ms. RIGHT =) Just wait until the day that you realize that He or She is there for you. --LOreainneo8