CHAPTER ELEVEN

53 1 0
                                    

MJ POV

Nandito na kami kila Ate Sweet. Ayon, iniwan ako sa labas ng babaeng ito. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na mahal ko siya. Torpe?! Ba't ngayon pa ?

Nga pala, magpapakilala ako kahit marami na akong POV. Ako po si MJ Dela Fuentes. ^__^V Isang CASSANOVA--- dati lang yun. Haha. Nagbago na ako. Goodboy na ako simula nung nakilala ko si Lorice. Anyways, balik tayo sa kwento.

"Ate! Lumabas ka diyan!" Doorbell na doorbell si Pango. Tss. Di nya ba alam na dis oras na ng gabi kumakatok pa kasi siya. Psh. Nandito naman ako para kausapin nya? Hayy.. Handrama ko lang.

"Baka naman kasi tulog na, iniistorbo mo pa."

"Pwede bang tumahimik ka?!"

Bumukas na ang pinto.

LORICE POV

"Oh, bakit?"

"Ate, wala na kami ni Jhay.."

Ngumiti si ate, bakit kaya?

"Very good. At least you don't  deserve him."

Tas nagkwentuhan kami about sa mga nangyari kanina. Ang kulit nga eh. SINGLE and ready to MINGLE na ako ulit. Tae, landi lang. -________________-

Malalim na ang gabi.

"Ate, uwi na kami ni MJ."

"Osha, sige. Teka..."

"Ano po yun?" Sabay pa kaming dalawa.

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"NO WAY !" sabay na naman kami. Di naman siya mahilig gumaya sa mga sinasabi ko di ba? hehe.

"Ang panget kaya ng pango na to." Gosh. Anong tinawag nya sa'kin?! Pakiulit?! PANGO ?!?!?!

"Parang ang gwapo mo ah !"

"Sige na. Magsialis na nnga kayong dalawa!"

Baluga. Nakakainis naman tong si MJ eh. 

MJ's POV

At  last nakauwi na ako sa bahay at nakahilata na ako sa kwarto kong maganda. ^^ Hay nakooo. Parang ayoko ata nung sinabi ni ate na:

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

"Baka kayo na magkatuluyan nyan?"

Paulit-ulit?! Argh! Inlove na nga ba talaga ako?! Hay, naman LORiCE ! Ano bang ginawa mo sakin bat ako nagkaganito!? Asar!

*Sana ay Mapansin mo*--- yeah, yan na ang naging ringtone ko. Hehehe.

"Hello!"

"Dre, samahan mo muna ako..."

Ba't parang paiyak to?

"Bakit? Ano nangyare?"

"Wala. Gusto ko lang ng kasama..."

"Nasan ka ba ngayon?!"

"Nasa PUSO mo. Hahahaha!"

Naman! Ano bang nangyayari sa babaeng to?

"Shabihin mo keh Jhay... Whag nya akhong ... ah..."

Ano ba to lasing?!

"HOY! Nasan ka ba?!"

Tooot!

Tae talaga tong babaeng to, ginugudtime lang ata ako eh. Makatulog na nga lang.

LORiCE's POV

HHAHAHAHAH! Tae, ansarap pagtripan ni MJ. Kapag siguro nakita ko yung mukha nun tatawa ako ng tatawa. Oh, nagtataka kayo kung bakit tawa ako ng tawa? Alangan naman ngumawa ako, hindi na babalik sakin yun. Pati ayoko na talaga. Anyways, mas masarap ata yung ganito na muna. Yung walang iniintindi sa buhay kundi yung pag-aaral mo lang. =) Pero ang nakakasad dun, wala ng gigising sayo sa umaga, magtetext ng iloveyou, maghahatid sundo sayo sa school, sasabay kumain..... HAYS! Wag na nga! Kukuha nalang ako ng DRIVER ko. hahaha. Pinapatawa ko lang sarili ko.

Kinabukasan, medyo cold si MJ nung andun kami sa tambayan nung gabi. Ewan ko nga ba dun parang laging may menstrual period o di kaya menopause na siya.

"Anong meron?"

"H-ha? W-wala..."

Utal?! Shytype naman ang trip nya ngayon? Anyways, wala ako sa mood para kausapin siya. Kung ayaw nyang makipag-usap sakin, Edi...................

"L-lorice.."

"Oh? Napansin mo pala ako?!" Hah. Anong akala nya sakin?! Manhid na ako. KUng di nya ako gusto, mas maganda. Siguro.

"Ah. Eh."

"Uuwi na muna ako, MJ. HIndi maganda yung pakiramdam ko.." Hay, sinungaling.

"May masakit ba sa'yo?"

Yung puso ko. Sobrang sakit na. Bat ba ang manhid manhid mo?! Mahal kita, alam mo ba yun? Sana alam mo. Sana ganoon din ang tugon mo. Mahal mo din sana ako.

"Ah? Wala ah?"

Lumakad na ako palayo. Nakita kong may lumapit sa kanya, isang babaeng di ko maaninag ang mukha dahil puno ng luha ang mata ko. Sobrang sakit. Sana sinabi ko na sa kanya kanina.

Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon