CHAPTER TWELVE

35 0 0
                                    

Lorice's POV

Nasa bahay na ako ngayon. Actually, nagkatotoo ata yun sinabi ko kay MJ kanina. Sakit ng ulo ko at medyo nahihilo ako. Psh! Karma ko na to.

*BEEP! BEEP!*

Huh? Anong nakain ni MJ at tinext nya ako?

MJ: Hi!

Lorice: Hello.

MJ: Kumusta pakiamdam mo?

AS iF YOU CARE?!

Lorice: Okay lang ;))

Liar !

MJ: I taught nililigawan ka ni Ed.

Napaupo ako. Shete, ansakit ng ulo ko. Tawa. Hahahahaha! BFF tas nililigawan?!

Lorice: As if naman, dre. Hehe. Joker ka ee.

Ilang minutes din akong nag-abang ng text nya pero wala. Tinadtad ko tuloy siya--- as in FLOOD! Medyo inaantok na din ako. Nang biglang..

MJ: Lorice?

Lorice: Oh...? Alam mo kanina pa kita tinitext. Ano bang problema mo sakin huh? Kanina ka pang umaga walang imik sakin. Di mo ko pinapansin. ANo ba MJ?! Alam mo bang nakakabadtrip ka?!

Hindi nya na sinagot ang text ko. Pagkaraan ng ilang minuto..

*BEEP!

MJ: Ano ipagsawalang bahala ko  na lang na mahal kita?

Ha? DUGDUG! DUGDUG! A-ano yun? M-mahal nya ako? H-how can it be?

Wag assuming, baka wrong send lang yan. Alam nyo naman to , tripper.

Lorice: Dre, itulog mo nalang yan.

MJ: Lorice, maniwala ka man sa hindi, mahal kita. Mahal na mahal. At kapag hindi ko pa yun inamin sa'yo baka sa mga susunod na araw, pagsisishan ko nalang na hindi ko sinabi yung mga katagang yun.

Hay. Sabihin ko na ang totoo.

Lorice: Mahal din naman kita e. :)

MJ'S POV

Hay. Kanina pa ako kinakabahan sa ginagawa kong paliguy-ligoy kay Lorice. Tsk.

Lorice: Mahal din naman kita e. :)

Talaga ?! M-mahal nya din ako?! H-hindi nga?! 

MJ: Wrong send ka ?

Lorice: Nope, that is for you.

God! Maraming salamat po ! Dininig nyo ang panalangin ko. :)

MJ: Lorice, iloveyou so much. iloveyou. iloveyou.

Lorice: iloveyou too, MJ.

MJ: So is that a YES?

Lorice: YES ? For what?

MJ: TAyo na ?

Lorice: No, you should court  me.

MJ: Sure.

Lorice: Sa birthday mo malalaman kung pasado ka o hindi.

MJ: As in MArch 28?

Lorice: YEs. Ayaw mo ba ?

MJ: Hindi. Gusto ko. Gustong gusto. ;)

      iloveyou so much, Lorice. You've made my night so good and happy.

Lorice: I'm happy too. Akala ko, di  mo ako gusto.

MJ: No. I like you and i loveyou.

Ansarap sa pakiramdam. Alam ko naman na tama ang landas na pinapasok ko. Oo, alam mo. Alam na alam ko. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki kapag sinagot nya ako.

Kinabukasan, medyo naging busy kaming dalawa. Ewan ko kung bakit namimissed ko siya, kaya pinatugtog ko nalang yung paborito kong kanta.

(A/N: Hindi po ako gangster, pili lang po yung mga kanta na gusto kong may rap. I like Gloc 9 at ibang genre ko ng mga kanta. Hehe. ANys, balik na sa kwento)

"MJ!" Si Lorice. DUG!DUG!

Ang ganda nya nyo? Ang sarap nya talagang tignan.

"MJ?!" Kinakawayan nya na ako.

"A-Ah.. e-eh.."

"Anyare sa'yo? Bat natulala ka?"

 Ang ganda mo kasi ngayon. "Ah eh... W-wala. Nagulat lang ako at nandito ka."

"Eh, nagulat ka pa tambayan naman nga natin to."

"Sabi ko nga eh."

Nganga. Torpe, MJ? Di ka naman ganyan dati ah?

"Ah.." Naman! Sabay pa kaming dalawa.

"Sige na ikaw muna." Pagentleman?!

[A/N: Before anything else, I'm so super dupper sorry sa pinakalate na update. Medyo naging busy lang sa mga requirements sa school for this sem ;)]

Lorice's POV

Hay. Grabe. Ano bang nangyayare sa lalaking ito?

"Ah. Pwede ba nating ibahin yung tawagan natin?" Ang pangit kaya ng iLOVEYOU, DRE.

"Ah? Tawagan?"

"Yes, I mean the callsign?"

"Ah??"

"Dre?"

"Ah.. Okay." Ayysus, ang hirap makaPICK-UP?

"Sige. Uwi na ko."

"Hatid na kita?"

"Okay lang naman----"

"Pero, gusto ko."

"O-okay." Makulit din siya no?

"Gusto mo kumain?"

"Hindi. Busog pa ako."

Anyways, wala namang matinong nangyayari samin everyday, medyo bibilisan ko yung kwento ko. =)

Ayon na nga. Medyo nagkakailangan pa kaming dalawa. At alam kong hindi na magwowork to ng maayos dahil magkaiba talaga kaming dalawa. Badboy siya, good girl naman ako.. (WE?) True. Pero, mahal ko siya eh. Gagawa ako ng paraan para hindi ako agad magsawa sa kanya.

"Lorice?" Nandito kami ngayon sa kalyeng madilim at ayoko ng mga ganitong kalye. Basta ayoko sa madilim.

"B-bakit?" Hindi na ako makahinga. Nang bigla nya nalang hinawakan ang kamay ko.

"Mahal kita." Biglang bumukas yung streetlight at nakatayo pala siya sa harap ko. Pinisil nya ang kamay ko at hinila nya ako papunta sa kanya. Yakap nya ako. At naririnig ko ang wedding bells. Ano to ? Kasalan na agad? "Sabihin mo, mahal mo ako di ba?"

Nakatingin siya sa mga mata ko. It was so strange. Ngayon lang may lalaking tumitig sakin ng ganoon kaseryoso.

"O-oo naman. Mahal na mahal kita."

"Hindi mo ako ipagpaplit kahit kanino?"

"Oo naman. Kahit kanino pa."

"Kahit kay Coco Martin pa?" Ambisyoso to ah? Wala nang mas gwapo pa kay Coco Martin no!

"Hahaha. Sige na nga."

"Anong sige na nga?"

Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon