CHAPTER TWENTY

13 0 0
                                    

Medyo fast forward ulit tayo kasi mauumay lang kayo sa kasweetan namin. Maski kamo mga text ng iLOVEYOU na paulit-ulit, nakasave pa din sa phone namin. Nga pala, pareho kami ng phone ^^ I didn’t expect na magtatagal kaming dalawa dahil nagpromise kami na kami na talaga FOREVER kahit anong mangyare. Gumraduate ako dahil sa big effort nya para lang makatapos ako ng college. Ngayon, nagtuturo na ako sa isang public school. Yes, nakapasa ako ng board. And I ‘m studying pa rin for my Doctoral. Sobrang daming nangyare.

Until one day came..

Si Queenie ay isang tahimik na babae pero grabe makalandi sa mga in a relationship. I hate her! Pinagtitimpian ko lang siya dahil grabe siya makatingin kay MJ. Akala mo huhubaran ng buhay eh. Nakakainis lang. May gusto kasi siya kay MJ. Ilang beses na naming siyang pinag-aawayan pero humantong sa puntong..

Naliligo si MJ at ako lang ang tao sa kwarto nya. Actually, kakagising ko lang kasi napagod ako sa exam naming kanina.

*BEEP! BEEP!*

From: Queenie

Pwde ako mamaya.

--

PWEDE?! What do you mean by this?

--

From: Queenie

I said, pwede ko mamaya.

--

Hay. Hindi ko alam kung anong irereact ko. Hanggang ngayon, tinetext nya pa din to ng palihim sa’kin? Sinubukan kong maging kalmado pero ayaw ng mga nerves ko. Ang sarap n’yang sabunutan. Hindi ko talaga alam kung anong magagawa ko. Subukan lang ni MJ na ipagtanggol ULIT yang si Queenie, magagawa ko ang bagay na hindi ko dapat gawin. Nakakasawa na eh. Parang ako nalang lagi yung kontrabida kapag usapang Quennie na.

Nararamdaman kong palabas na si MJ. Nagtulug-tulugan muna ako. Pagkalabas nya, agad nyang kinuha ang phone nya, para siyang si Papa. Wala silang pinagkaiba. Nagkunwari akong gising na ako. At dun ko pinaramdam sa kanya ang galit na kanina pa gustong kumawala sa loob ko.

“Uuwi na muna ako.” Tumayo na ako at nag-ayos.

“Bakit?” alam ko ng pag nagtanong siya nito, may hinala na siya.

“Wala, gusto ko lang magpahinga ng mas maayos.”

“Dahil ba sa text kaya ka nagkakaganyan?”

“Hindi ah? Alam ko namang wala lang yun.”

“Let me explain, first.”

“Then, go! Siguraduhin mo na maniniwala ako sa explination mo.”

“Ibabalik ko lang yung hiniram ko sa kanya.”

“Then, bakit hindi mo sinabi sa’kin ng mas maaga na magtetxt siya sa’yo para hindi ganito ang magiging reaction ko?”

“Baka kasi magalit ka na naman.”

“Siinong hindi magagalit? Ako, binura ko na yung mga number ng mga lalaking pinagseselosan mo sa phonebook ko para hindi ka na magalit sa’kin. Tapos ikaw naman pala yung ganyan! Tinetext mo pa siya ng palihim? Alam mong ayokokng makipag-argue ngayon dahil gusto ko magpahing, but why did you do this? Sa’n ba ako nagkulang? Buong buo na ang tiwala ko sa’yo, pero bakit ganyan, Nhie?” Naiiyak na ako. I can’t handle it anymore.

Biglang nagring ang phone nya. As usual, si Queenie yun. Nakita ko.

“Akin na…”

“No..”

“Bakit?”

“Pagsasalitaan mo siya ng hindi maganda.”

“Kelan ka pa naging concern sa feeling ng iba?!”

Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon