Bakit kaya di ako nireplyan ni MJ kagabi? Baka napagod sa pagpapasaway ko? Di naman siguro. Two days before Christmas na. Parang gusto kong manlamig kay Jhay. Ni ha, ni ho wala man lang. Bitter na kung bitter. Basta, ibibigay ko lang tong regalo na to.. Tapos na kami.
"Musta, dre?" Nakita ako ni MJ sa park ng chapel. Dun kasi ako madalas pumunta.
"Eto, medyo mejo lang.." Hay. Ang hirap magpanggap pero, nginitian ko nalang siya.
"Amplastik ng ngiti mo ah?" Ngumiti lang din siya sa akin.
"Eh anong gagawin ko? May magagawa ba ako kung as gusto nya si Ghela?" yumuko na ako. Nahihirapan na ako.
"A-ah? A-anong sinasabi mo?" Napilitang ngumiti si Mj sakin. Ramdam nya siguro.
"Tignan mo bukas sa concert." Ngumiti nalang ako. No choice e. Kahit alam ko sa sarili ko na naluluha na talaga ako. Hay.
Bigla akong nagulat. Niyakap niya ako. Oo, si MJ. Isang kaibigang nagmamalasakit. Naiyak na talaga ako. Ibinuhos ko na ang lahat ng nararamdaman kong worries and insecurities. I left them behind because there is a shoulder that I can lean on... I left them... I... I cried and he wipe my tears away. Para akong batang inaway at nagsumbong ako sa kanya.
"Tumahan ka na nga. Binasa mo na nga yung T-shirt ko dyan eh. Wag mo punasan ng sipon ya. Folded ang Hungs yang damit ko." Biniro nya pa ako. Ngumiti na lang ako.
"Hay. Bakit ba? Ano bang nangyari?" Hinawi nya ang mga buhok sa mukha ko.
"Basta. Tignan mo nalang sa concert bukas. Icheer mo ako ah? Kakanta ako eh." Ngumiti na ako ulit.
"MJ !" Pamilyar sa akin ang boses na yun.
"Oh. Pre, kumusta?" Nagulat si Jhay ng makita nya ako.
"L-lorice?"
"Ako nga? Ba't parang gulat na gulat ka?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil inaantay siya ni Ghela.
"Ah. Uwi muna ako." Naiinis ako. Bakit naman ganun? Di ba dapat ako ang kasama nya?
"Lorice!" Nilingon ko. Akala ko si Jhay, si MJ naman pala. Mabuti pa siya, may care sa'kin eh yung sarili kong boyfriend, wala? =(
MJ's POV
Shit happens. Ano na, MJ? Tatanga ka lang dyan? Di mo susundan si Lorice? Kawawa sa'yo. Bahala na nga.
"B-bakit mo ko tinawag?" Medyo nakikita ko na yung luha sa gilid ng mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. =( Parang gusto ko siyang sagipin mula sa pagkaakhulo niya sa balon na malalim.
"Ah, eh." Anong sasabihin ko? Na nandito lang ako para sa kanya? Na mahal ko siya? T-teka? Anong mahal ba ang pinagsasabi ko? Baka naaawa lang ako sa kalagayan nya ngayon kaya ko ito nasasabi.
"Uwi na muna ako..." Tapos tumalikod na siya. Parang sobrang hapdi ng puso ko ngayon. Naririnig ko ang hikbi nya habang palayo siya sa'kin. Hay. Ano bang dapat kong gawin?
![](https://img.wattpad.com/cover/4396946-288-k238171.jpg)
BINABASA MO ANG
Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?
HumorFor everybody who is still finding their Mr. and Ms. RIGHT =) Just wait until the day that you realize that He or She is there for you. --LOreainneo8