CHAPTER SEVENTEEN

12 0 0
                                    

Eight months na kami nun nakaraang araw. (Pasensyana kayo kung medyo fast-forward ang kwento, mauumay kasi kayo sa kasweetan naming dalawa eh ^^) Eto kami ngayon, nasa kwarto nya. Oops, walang malice. Ginawa na naming tambayan to and he repects me a lot kapag kaming dalawa lang dito. Nagkukwentuhan lang kami at kumakain ng maraming chichirya. Alam nyo naman siya, bisyo na chichirya. Mas okay na yun.

Nakatingin kami ngayon sa bubong ng kwarto nya.

“Miami Heat ka ba?” Nagbebrainstorm kami ngayon ng pick up lines. Wala lang. Pampaalis ng antok.

“Bakit?”

“Kasi, I love you MIAMIng MIAMI eh.”

“Corny…” Pero, natatawa talaga ako pag ginagawa namin to.

“Ikaw naman! Lagi nalang ako?”

“Wala akong maisip. Haha.” As in wala talaga.

“Sige na…”

“Hmm. Sige.. Ma---“

His phone rang.

“Hello? Oh bakit? (Pause) Huh? Nasan ka? Bakit anong nangyari?!” Binaba nya yung phone.

“Wait. Where are you going?”

“”Si Harlin, lumayas sa kanila. Baka nag-away na naman sila ng mommy niya.  Wait lang, nhie ah? Mabilis lang to.”

Dali-dali siyang lumabas ng kwarto at iniwan ako.

Nga pala, Harlin is his ex girlfriend na kamuntik ng may mangyari sa kanila. Nakakinis lang. Bakit siya pa yung tinawagan? Hindi ba nya alam na nakakaistorbo siya? Pati, dapat sa boyfriend nya siya humingi ng tulong di ba?  Hindi sa EX nya. Sabihin nyo ng nagseselos ako, preo yun yung totoo.

Nakatulog ako sa paghihintay ko sa kanya. 9pm na. I need to go na. Ba kahinahanap na ako samin.

“Oh, hija. Di mo na ba aantayin si MJ?”

“Naku, di na po tita. Baka po mamaya pa siya uuwi.”

“Oh siya sige. Ingat ka dyan.”

Naglalakad na ako malapit sa bahay. Hay naku, ayos talaga. Mas inuna nya pa yung babaeng yun!

To: Nhie

 Umuwi n q. nyt.

From: Nhie

 Ok po. Psensya na.

To: Nhie

 No nid. Mas importante yan.

From: Nhie

 Nhie, sorry na.

Ayokong makipag-argue kaya, natulog na ako. Hindi kami magkikita bukas dahil puro major subjects ang pasok ko.

MJ’s POV

“Harlin, uuwi na ako.” Hayst, galit si Lorice sakin ngayon. Ako ang may mali. Nakakinis. Akala ko importante kung bakit ako pinapunta ni harlin dito, nagdadrama lang pala siya. Shet. Dapat di an ako pumunta. Papainumin nya lang ako. Yari ako kay Lorice nito.

“Mamaya ka na umuwi…”

“Pero, kailangan na. Uuwi na ako.”

Hayst. Anong idadahilan ko bukas? Grabe pa naman magalit yun.

Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon