Sabi ko na nga ba... Mugtong mugto ang mata ni Lorice ngayon. Hay. Dinamdam nya siguro yung nangyari kahapon.
"Ate.. anong nangyari?" Mabuti nalang at dumating si Rachelyn. At least, matatahimik na ako. Naiinis ako. Ano ba kasi tong nararamdaman ko? Siguro, pag-iisipan ko muna to ng ilan pang mga araw.
Lorice's POV
Muka ngang dinamdam ko yung mga nangyari kahapon. I hate it. Christmas na bukas tapos, saka pa kami nagkakaganito. Hay. Dala ko yung regalo ko sa kanya ngayon. Ibibigay ko na sa kanya. Mahirap na, baka may masabi pa siya. Sa totoo lang, naisip ko kagabi na I don't deserve him. Yes, and it's SOOOOOOOOOOOOOO Final!
Nandito pala si MJ. Hay. Nakakainis siya. Pinabayaan nya lang naman ako umuwi kahapon. Ni hindi manlang ako sinamahan. Eh bakit nya naman nga ba ako sasamahan? Mahalaga ba ako sa kanya? Wala naman yung concern sa'kin. Pati di naman nya ako mahal, no? Hay. Sana si MJ nalang.
"Oh, kumusta ka LOrice?" Si Ate Sweet. Ang favorite kong ate sa lahat ng ate ko.
"Ate... k-kasi.. ano eh...." Pano ko ba masasabi sa kanya na ayoko na kay Jhay? Hindi siguro talaga si Jhay yung para sa'kin.=(
"Anong nangyari? Nagkwento si MJ sa'kin kagabi." Oh? Ano namang kinuwento nung isa? Pinagtanggol niya yung BFF nya?! Palibhasa pareho lang silang dalawa.
"Ano pong kinuwento nya?" Tumaas ako ng kilay.
"Nalulungkot daw siya sa mga nakita nya kagabi." Shockings ah? May concern din naman pala sa'kin yung lalaking yun?
"Wala yun, ate" YUmuko nalang ako. Eh hindi ko nga alam kung pano ko sasabihin eh.
"Hay..wala na kayo ?" Tinaasannya akong kilay.
"Kami parin ate, kaso nga lang...." Nakita ko si Mj, nakatingin siya sa'kin at ewan ko. Mukang may sasabihin ata.
"Hay nako, kung ayaw nya na sa'yo, wag kang magpumilit. Bata ka pa, marami pang lalaking babagay sa'yo sa mundong ito." Ngumiti siya at hinimas nya ang buhok ko.
Ano bang dapat kong gawin? Puro nalang FAILED na relationships ang pinagdadaanan ko. Hay.
"Lorice, libre ka sa 30?" Ngumiti siya.
"30? Birthday ni Dianne yun ah?"
"Yup. May fireworks Display sa Amphitheater. Sama natin siya." NapakaSPARKLING ng ngiti na yun. Parang gusto kong kabahan na... EWAN!
"O-ok. Sige." Wala namang sinabi si Jhay na gagala kami sa 30 e. Di nya naman ako isasama sa FD kasi, si Ghela ang kasama nya =(
Hindi ko to ginagawa para pampalipas oras si MJ. Cute siya, oo. May dating at may sense of humor. Perfect para sa isang babaeng naghahanap ng perfect partner. Pero, ayokong magkagusto sa kanya. Ayoko. Takot na ako.
BINABASA MO ANG
Alam mo bang MAHAL KiTA, dre?
HumorFor everybody who is still finding their Mr. and Ms. RIGHT =) Just wait until the day that you realize that He or She is there for you. --LOreainneo8