Day 21: everything you wish for in a significant other
In no particular order. Kung ano lang ang maisip ng nagsusulat.
1. Good looks. I’d be a rotten liar if I said that I don’t want a handsome partner. This is negotiable, though. xD Ang hirap kayang magsalita nang tapos.
2. ‘Yung marunong mag-bike. Kasi hindi ako marunong mag-bike. Para either iaangkas niya ako sa bike o tuturuan niya na lang ako. Pero kagaya ng number 1, hindi ito requirement. Okay lang din kung hindi siya marunong magbisikleta. At least magkasabay na lang kaming maglalakad. :3
3. Hah. Minsan kasi demanding ako e. I want someone who’s smart. Hindi yung smart as in minamani lang ang calculus at nagququote ng mga passages mula sa gawa ni Tolstoy, pero ‘yung klase ng tao na praktikal at marunong mag-apply ng natutunan niya sa mga pang-araw-araw na bagay.
4. Carefulness, because I’m a very clumsy person. Natatapilok ako kahit walang takong ang sapatos ko. Nakakalimutan ko kung saan ko nailalagay ang mga gamit ko – yung tipong minsan hawak ko na, hindi ko pa makita. Tapos kanina pa ngang pauwi ako, maglalakad na lang papunta ng sakayan, nashoot pa yung paa ko sa bitak sa kalsada. Swerte lang. That’s why I want someone who can handle me, failures and all.
5. Mahilig sa art. Kahit anong klase. Music, literature, visual arts.
6. May paggalang sa babae, hindi man gentleman.
7. Someone who can accept me for who I am. Kagaya ngayon, na napansin kong hindi parallel structures ang mga items sa listahang ito.
8. Atsaka ‘yung taong hindi magbabago dahil lang sinabi kong gusto ko ang mga katangiang ito. ‘Yung mananatiling tunay, totoo, original... no matter what.
~pwede na rin pala ‘yung magaling sa pagsasayaw. Hindi ko talent yun e. HAHA.~