Day 23

335 3 1
                                    

Day 23: a month/year of your life when you were happiest and why

Oh dear. It’s hard to answer this question. Ako pang bipolar ang tinanong mo, e para nga akong seesaw.

1.       Christmas season, simbang gabi. Bakasyon kasi – wala masyadong ginagawa, tapos kadalasan nakakasama ko pa ang mga kamag-anak kong bihira ko lang makita. At masaya ding magbalot ng regalo, minsan pinagtitripan ko pa at dinidikitan ng kung anu-anong origami.

Pero hindi rin ‘to lagi. Minsan kasi parang nawawala na ‘yung charm na meron ang panahon ng Kapaskuhan.

2.       Summer break. Oo naman. Tamad e.  Lahat ng kamag-anak kong nasa ibang bansa, sa panahong ito umuuwi. At habang nandito sila, dumadalaw kami sa mga mas malalayong kamag-anak sa Laguna. Nagkakaroon ulit ako ng social life, haha.

3.       Nung play namin last year, Shaman King. First time naming manalo ng mga kaklase ko. Nakalilibang magrehearse, kahanga-hanga ‘yung mga kaklase ko na nagtiyagang magchoreograph ng mga fight scenes. At syempre, dahil ako ang dakilang script writer, nakakatuwa para sa akin na mapanood yung gawa ko. Lalo pa kung si Madam Bea ang director. Hey soul sister.

~ 4. Ngayon. There’s no time better than the present. Carpe diem!~

The 365 Day ChallengeWhere stories live. Discover now