CHAPTER 56

4 2 0
                                    

Veny

"HAND ME YOUR CELLPHONE!"

"Ma'am I'm so sorry. Itatago ko na lang po," natatakot na sabi ng estudyante ko nang mga oras na 'yon. "Sinabi ko nang ibigay mo sa 'kin 'yan pati 'yang earphones mo!" pasigaw na sabi ko. Galit na galit na 'ko.

Sino ba naman kasing hindi magagalit? Kalahating oras na kong nagle-lecture sa harap ng klase tapos bigla na lang may estudyanteng tatawa and then mapapansin mong naka-earphones pala siya?

Naiiyak na iniabot sa 'kin ng magaling kong estudyante ang cellphone at earphones niya. I knew she's very scared dahil ito yata ang unang beses na nakita nila akong nagalit nang gano'n. Iyon lang din naman kasi ang unang beses na may bumastos sa 'kin in that way. Nakakasira ng reputation ko 'yon as a teacher.

"Alam niyo ba ang pakiramdam na nagkaklase ka tapos may kanya-kanya kayong kalokohang ginagawa?!"

Wala sa mga estudyante ko ang makatingin sa "kin. Nakayuko silang lahat na para bang sising-sisi sila sa pagkakamali ng isa nilang classmate.

"Kunin ang sanayang aklat sa Filipino at sagutan ang pagsasanay bilang isa hanggang lima! Ipapasa niyo sa 'kin 'yan bago matapos ang time ko!" dumadagundong kong sabi. "Magsimula na kayo!"

Naglakad ako hanggang sa teacher's table na nakapuwesto sa likod. Mukhang semana santa ang mukha ko. Naupo ako doon at inilapag ang mga gamit na hawak ko kasama na ang cellphone na kinumpis ko sa pasaway kong estudyante.

Dahil sobrang tahimik ng klase at abala ang lahat sa pagsasagot ng napakaraming exercises na parusa ko sa kanila, medyo naririnig ko ang sound na nagmumula sa earphones ng cellphone na inilapag ko.

I don't know what was on my mind at bigla kong dinampot ang headset at inilagay iyon sa tenga ko. I suddenly felt an urge to listen to the sound coming from the phone.

Tumambol nang malakas ang puso ko nang marinig ko ang isang napakapamilyar na boses. Nagsasalita siya about sa pag-ibig at sa tantiya ko, DJ siya sa isang radio station. Hindi ako makapaniwala sa naririnig ko. Parang gusto kong mawalan ng malay.

Boses niya ba 'yon?

Hindi ako puwedeng magkamali eh.

Ilang taon ko kasing nasaulo ang boses na 'yon.

Dati, araw-araw kong naririnig ang boses na 'yon

kapag tinatawagan ako ng lalaking mahal ko. Araw-araw ko 'yong naririnig kapag kasama ko siya. Araw-araw na nagpapaulit-ulit sa isip ko ang boses niya magmula nang umalis siya kaya hindi ako puwedeng

magkamali.

Pero pa'no siya naging DJ?

Teka...

Nababaliw na yata ako.

Parang napaka-imposible naman. Hindi siya ganu'ng tipo ng tao.

Isa pa, sa ibang bansa na siya nakatira ngayon. Alam kong hindi siya mag-aaksaya ng panahon para lang maging DJ sa radio station. Ang pagiging CEO ng kompanya nila ang tanging pangarap niya kaya alam kong malabo ang iniisip ko.

Mukhang nami-miss ko na talaga siya. Nagha hallucinate na naman ako. Wala na 'ko sa sarili ko. Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makausap.

Gusto ko siyang yakapin para maiparamdam ko sa kanya na mahal na mahal pa rin siya. Hindi ko na napigilan nang tumulo ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

Miss na miss ko na siya.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon