CHAPTER 73

4 1 0
                                    

Veny

EXCITED AKONG lumabas ng St. Catherine Academy. Tinext kasi ako ni Micko. Hinihintay niya raw ako sa labas.

Sa way ng pagsasalita niya, hindi naman ako naniniwalang iiwan niya 'ko. Hindi nga siya 'yung DJ Jayvee na yun. Hindi ako dapat kabahan. Mahal ako ni Micko. Alam kong hindi niya 'ko sasaktan ulit.

Nararamdaman kong maaayos na namin lahat. Mahal na mahal ko siya. Handa na 'kong tanggapin ang pagkakamali ko. Handa na 'kong mag-sorry kay Micko Rivera. Mahal ko siya. Hindi ko na kayang mawala pa siya ulit sa 'kin.

Naabutan ko siyang nakasandal sa labas ng kotse niya. Nakatingin siya sa 'kin. He was smiling at me as if I was the most gorgeous woman he had ever seen. Lagi niya 'yong pinaparamdam sa 'kin noon. Hanggang ngayon, naniniwala akong araw-araw niya na ulit 'yong ipaparamdam.

"Micko!" nakangiti kong tawag sa kanya. "May sasabihin ako sa yo."

Mas nilaparan niya 'yung ngiti niya. Pero napapansin ko 'yung kakaibang expression ng mga mata niya. Meron din kaya siyang sasabihin? Siguro sasabihin niya na rin sa 'kin kung anong nararamdaman niya. ^ A

"May sasabihin din ako. Pero ikaw muna," sabi ni

Micko. Hindi man lang nababawasan 'yung ngiti sa mga labi niya.

Nae-excite tuloy ako. Hehe.

"Uhmmmm...." Iniligay ko 'yung dalawang kamay ko sa likod ko. "Micko kasi..." Teka, teka. Pa'no ko ba 'to sasabihin. My gosh. Kinakabahan talaga 'ko.

"Ano 'yon?"

"Micko... Sana ayusin na natin 'to. Kasi... Kasi... Na-realize kong mahal na mahal pa rin kita. I-I mean ano...

Ituluy-tuloy na natin 'to.. Let's uhmm... Let's start o again. Alam ko nang mali ako, that's why I want to say som for what I did. I... I love you so much, Micko." Woooh! Finally nasabi ko na. Tama lang naman siguro yung ginawa ko. Alam kong sa ganito rin naman kami mauuwi. Alam kong hindi na namin kailangang patagalin to

Ang importante, maibabalik na namin 'yung dating kami.

Minsan ko siyang iniwan noon, and now na may chance na 'kong baguhin ang isang pagkakamali, gagawin ko na yung lahat para sa kanya. I don't care about my pride anymore. Hindi na kami mga bata. Kailangan ko nang iparamdam 'yung totoong nararamdaman ko sa kanya.

Kaya lang naman siguro kami hindi nagkakaroon pa ng new commitment eh dahil hinihintay ko pa siya. Ayoko naman din kasing magmadali. Nakakahiya naman kung ake pa ang magpupumilit.

Kaso ayoko na ring maghintay nang pagkatagal- tagal. Ayoko na talagang mawala si Micko. Promise.

Nakangiti pa rin si Micko. Pero hindi ko alam kung ano yung nakikita kong lamlam sa mga mata niya Nararamdaman kong may mali. Kinakabahan na ako.

"Micko?"

"Yun lang ba 'yung sasabihin mo?" tanong niya na ikinakaba ko nang husto.

I nodded. "I-Ikaw?"

"Ayoko na," sabi ni Micko na halos ikapiga ng puso ko. Dalawang words lang 'yung sinabi niya, pero sobrang laki ng impact no'n sa 'kin. Parang umikot 'yung paningin ko.

"Micko... Bakit nagjo-joke ka na namang ganyan?" natatawa pero naiiyak ko nang sabi. Hindi ko na alam yung nangyayari sa paligid ko. Nahihilo na ko. Nanlalambot ako. "Puwedeng ako naman?" nakangiti pa ring sabi ni Micko. I just nodded. Kinakabahan na talaga 'ko. Sana jokeblang yung sinabi niya. Sana talaga.

"Ayoko nang makasama ka. Pinaglaruan lang kita, Jenica. Pinaikot lang kita. Gusto ko lang maramdaman mo kung ga'no kasakit maiwan sa ere. Itigil na natin 'tong kalokohan na to, Jelaine Veronica. I won."

Lalong nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa mga binitawang salita ni Micko. Parang hindi ko yata matanggap. Parang ayaw mag-sink in sa isip ko.

"I-Ibig-sabihin totoo yung... yung sinabi mo kagabi?"

"Sabi ko na nga ba. Nakinig ka nga. Yes, totoo 'yun. Ako si DJ Jayvee. Past-time ko 'yon simula nang bumalik ako sa bansa. Doon ko inilalabas lahat ng hinanakit ko magmula nang iwan mo 'ko," nakakngiti pa ring sabi ni Micko. "Sana nakakuha ka na ng idea. Hindi ka na dapat nagtapat ng nararamdaman mo. Eh di sana ikaw pa 'yung nanalo sa larong sinimulan ko."

Dire-diretso nang umagos ang luha galing sa mga mata ko. Hindi. Hindi 'to puwedeng mangyari. Hindi si Micko ang nasa harap ko. Hindi siya yung lalaking mahal ko.

"You can't do this to me..."

"I already did."

Napahagulgol ako. Pa'no niya nagawa sa 'kin 'to? Pa'no niya 'ko napagmukhang tanga?

Bakit nagawa sa 'kin 'to ni Micko Rivera?!

"All this time, pinasakay mo lang ako?" tanong ko sa pagitan ng pag-agos ng mga luha sa mata ko. "All this time na inaakala kong okay na lahat, nakipaglaro ka lang pala

"It's your fault. Nagpauto ka sa 'kin. You know how much I hate you to the core. You blamed me for the fault that I never did. Sinayang mo 'yung pagmamahal ko sa 'yo, Apricot. Sinayang mo lahat ng pangarap na binuo natin. Sinayang mo 'yung mga panahong ikaw na 'yung sinasamba ko. Sinayang mo lahat-lahat!" nagngingitngit sa galit na sabi ni Micko.

Dahan-dahan akong napaatras. Hindi natigil sa pagpatak 'yung mga luha ko, pero parang tumigil 'yung mundo ko dahil sa sinabi ng taong mahal na mahal ko.

"L... I love you, Micko." "Hindi kita kailangan."

With those words, napatakbo ako palayo sa kanya. Napatakbo ako habang umiiyak dahil kay Micko Rivera.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon