CHAPTER 55

3 2 0
                                    

Micko

"THANKS for the dinner, Mr. Rivera."

Isang tipid na ngiti at tango na lang ang naisagot ko sa anak ng investor ng company namin. I waved my right hand bilang good-bye ko sa kanya bago siya pumasok sa mansyon nila. Nang makapasok na siya, nakahinga ako nang maluwang. Naglakad ako pabalik sa kotse ko. Sa wakas, makakauwi na ko. Nakakapagod 'tong araw na to.

Maliban pa sa trabaho ko sa opisina, marami pa "kong ibang pinagkakaabalahan. Mabuti na lang at kinakaya ko lahat. Hindi rin biro na hindi ako puwedeng matulog sa isang buong magdamag tuwing Biyernes ng gabi dahil sa schedule ko at seven a.m. hanggang nine a.m. naman tuwing Lunes.

Napilitan lang akong makipag-dinner sa kanya dahil iyon ang gusto ni Mr. Bautista. Hindi naman sa hindi ko gusto si Loiselle. Actually, she's one of the prettiest ladies I have dated since I came back from Europe. But I'm not into bitchy types. Simula pa man nu'ng una akong magka-girlfriend eh mga simpleng babae na talaga ang gusto ko.

Nalukot ang mukha ko nang maalala ko ang tungkol sa kanya. Honestly, ayoko nang maalala ang mga nangyari noon. Ayoko nang maalala ang napakaraming bangungot sa buhay ko.

Ayoko na.

Napailing ako. Walang tigil sa pagfa-flashback ang mga alaala sa isip ko. Hindi ko sila mapigilan. Parang inuulit ulit sa isip ko kung paano napaiyak ng isang walang kwentang babae ang isang Micko Rivera.

Three years ago...

TAHIMIK kong tinititigan ang babaeng natutulog ngayon sa kama ko. Mukhang pagod na pagod si Jenica. Hindi na niya nagawang makauwi. Tinawagan ko pa tuloy si Tita Therese and sinabi kong nakatulog na sa kuwarto ko sa Jenica. Mabuti na lang at malaki ang tiwala sa 'kin ng mama nitong bubuwit na to. Alam naman siguro kasi nila na hinding-hindi ako lalagpas sa limitasyon ko.

"Wag kayong mag-iisip nang kung anu-ano dahil hinding-hindi ako gagawa ng masama. Mahal na mahal ko 'tong babaeng to at kahit madalas siyang sakit ng ulo ko dahil sa clumsiness niya, siya pa rin ang nag-iisang babaeng gusto kong iharap sa altar.

Kahit kanina pa ko nakahiga sa tabi niya, hindi pa rin ako makaramdam ng antok. Gusto ko lang titigan si Jenica. Hindi ko maialis ang mga mata ko sa maamo niyang mukha. She's the most gorgeous angel of all. She's beautiful inside and out.

I moved and kissed her on the lips. Hindi ko alam kung naramdaman niya 'yon kaya bigla siyang gumalaw Akala ko, hindi magigising si Bubuwit kaya nagulat ako nang unti-unting dumilat ang mga mata niya.

"Ano'ng oras na?" tanong niya after ng five seconds na pagtitig niya sa 'kin.

"One in the morning."

Napakurap siya. And that was the sexiest thing for me. Gustung-gusto kong makita siyang kumukurap nang gano'n.

"Hala. Hindi na ko makakauwi," she said in a low, yet hesitant voice. "I'm sure magagalit si Mama sa 'kin."

I kissed her on her forehead. "I've already talked to her. And okay lang daw sa kanya na dito ka na muna matulog. So, go back to sleep. Babantayan naman kita, Bubuwit. "Di ko naman ako mawawala sa tabi mo eh."

"Alam ko naman 'yon," malambing niyang tugon as she hugged me tightly. "Alam ko namang takot ka ring mawala ako sa yo. Ganu'n din kasi yung nararamdaman ko. Ayoko nang mawala ka pa sa 'kin. Ikaw lang ang gusto kong makasama in the future."

Hindi ko mapigilang ngumiti nang marinig ko 'yung mga sinabi ni Jenica. Bihira siyang magsabi nang gano'n. Kaya oras na magsalita siya, pinanghahawakan ko na 'yon. Malaki ang tiwala ko sa kanya, gaya ng tiwala niya sa 'kin. Mahal naman talaga namin ang isa't isa eh. Alam kong hindi niya ko iiwan.

"Hindi ka ba natatakot sa mga trials?" tanong ko. Wala yung ibig-sabihin. Gusto ko lang talagang malaman kung ano ang perspective niya sa relasyon namin. Gusto ko lang marinig na mahal rin talaga ako ng babaeng mahal ko.

"Ba't ako matatakot? Alam mo, kapag nagmamahal ang isang tao, hindi siya bumibitiw hangga't kaya niya. Puwera na lang siguro kong matindi na yung dahilan... Pero kahit na. Walang karapatan ang isang taong magmahal kung duwag siya. Kasama sa pagmamahal ang trials. Love can move a mountain."

Lalo akong napangiti. She's very smart indeed. Parang laging may assurance ang mga sinasabi niya. At dahil do'n, mas lalo kong minamahal si Jelaine Veronica Apricot

"I love you," I uttered while staring at her. She smiled. "I love you more, Micko," sagot niya na nakapagpawala ng lahat ng pagod ko nang mga oras nayon.

Napangiwi ako. Ano ba ng pumapasok sa isip ko at kailangan ko pang maalala ang mga nangyari noon? That was just part of the past. Ayoko na 'yong maalala. Ayoko na "yong isipin.

Ayoko na siyang makita.

Seryoso akong pumasok sa loob ng kotse. Kailangan ko nang umuwi. Hinihintay na 'ko ni Mommy at ng kapatid kong si Irish. Nakapangako ako sa kanila na sabay kaming magdi-dinner tonight.

Minsan na lang kaming magkasama-sama dahil busy na kami sa mga trabaho namin. Kakauwi lang rin ni mommy this week galing sa Spain. Si Irish naman, nilulunod ang sarili sa trabaho. Parang kelan lang, pinapatahan ko pa siya dahil isa pa siyang iyaking bata. Pero ngayon, isa na siyang matagumpay na architect. And I'm so proud of her.

Pareho kaming single ng kapatid ko. But I'm not like her na wala nang ginawa kundi pairalin ang pagiging bitter niya. Kalalaki ko ba namang tao tapos mag-iinarte ako nang gaya ng sa kapatid ko? How rude.

Hindi ko pa nabubuksan ang engine ng kotse ko nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Nang silipin ko kung sino ang tumatawag, I let out a great laugh. "Yung kapatid ko. I'm pretty sure na galit na galit na naman 'to. Hindi kasi siya boto sa pakikipag-date ko sa mga anak ng investors ng company.

"Hello," kaswal kong sabi nang sagutin ko 'yung call.

"ANO KA BA NAMAN, KUYA! ANONG ORAS NA! BUSY KA NA NAMAN SA PAMBABABAE! MALAMIG NA 'YUNG NILUTO KO! PWEDE BANG-"

I laughed out loud again. "Hey, hey. Calm down little sis. Masyado ka na namang high blood. I'm on my way," pagsisinungaling ko. Kapag hindi ko kasi siya binigyan. ng dahilan para kumalma, bubungangaan niya na naman ako like I was the younger one. "Just wait for me. I'll be there in twenty minutes flat."

"Twenty minutes?" maarteng tanong ng kapatid ko. "Don't make fool of me, Kuya. Alam ko namang hindi ka na naman darating on time. Sinabi ko na naman kasi sa 'yong 'wag mong susundin si Mommy eh! Alam mo namang hindi ako boto na makipag-date ka kung kani-kanino. You're almost selling youself, Kuya. Mas bagay pa rin kayo ni Ate Veny

"Shut up," malamig kong sabi. Biglang tumabang ang sistema ko. "Wag ka nang magsalita nang kung anu-ano.

Uuwi na 'ko. 'Bye."

Tuluyan na 'kong nawala sa mood. Bakit ba hindi pa rin makalimutan ng mga tao sa paligid ko ang tungkol sa kanya? Ilang taon na ang lumilipas. Wala na kaming communication. Pinutol ko na ang lahat ng koneksiyon ko sa kanya. Hindi na 'ko pumupunta sa lugar kung saan alam kong makikita ko siya. Wala na akong balita sa kanya... at wala na rin akong pakialam.

Kahit bigyan man ako ng isanlibong chance na makita't makausap pa siya, hindi ko na 'yon gagawin pa.

Ayoko na.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon