CHAPTER 65

6 1 0
                                    

Rupert Matthew

TAHIMIK kong pinanood na makaalis si Micko at Veny. lyon na siguro ang isa sa pinakamasakit na eksenang nakita ko sa buong buhay ko. Ang makita si Veny na kasama 'yung lalaking mahal niya talaga.

Hindi ko matanggap. Bakit kahit ilang beses na siyang pinaiyak ni Micko, hindi pa rin nawawala 'yung pagmamahal niya sa damuhong 'yon? Bakit siya pa rin 'yung gusto ni Veny? Ano ba'ng meron sa kanya na wala ako?

Pero ano pa bang magagawa ko? Wala. Wala dahil inirerespeto ko sila. Tatanggapin ko kung anumang laman ng puso ni Veny. Sana lang 'wag na siyang paiyakin ulit ni Micko. Dahil oras na mangyari 'yon, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa kanya.

Si Veny ang babaeng pinapangarap ko simula pa noon. Nasa kanya na lahat ng characteristics ng babaeng gusto kong makasama sa harap ng altar. Pero alam kong hindi naman puwedeng mangyari 'yon. Kahit bali-baliktarin ko ang mundo, alam kong hinding-hindi niya 'ko magugustuhan.

Kaibigan lang siguro talaga ang turing niya sa 'kin.

liwas na lang muna ko sa kanila, Gusto kong ma enjoy ni Veny "yung mga panahong inagaw ko sa kanila ni Micko......Gusto kong makita si Veny na totoong masaya kasama ang lalaking mahal niya. Kahit masakit.

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon