CHAPTER 76

4 1 0
                                    

Micko

PABALAGBAG kong inihagis ang mga papeles na nasa harap ko. Wala akong kagana-ganang magtrabaho ngayon. Wala akong ganang magbasa ng kung anu-ano. Gusto ko lang muna magkulong at mapag-isa. Sinubukan ko nang lunurin 'yung sarili ko sa alak pero mas lalo lang akong na-depress.

Hindi ko pa rin makalimutan si Jenica hanggang ngayon. Alam kong nagkamali ako sa ginawa ko sa kanya. Mahal ko pa rin siya pero hindi ko na kayang makita pa siya. Tapos na 'yung story naming dalawa.

Nasa gitna akong ng matinding pag-isip ng mag-ring yung telephone. Napilitan akong sagu you dahil ayokong maapektuhan 'yung company dahil sa mga katangahan ko.

"Hello."

"Hello, Sir," bungad ng secretary ko."May gusto po sanang makipag-usap sa inyo. Architect Richmond Apricot po. Kaya lang wala naman po kayong appointment sa kanya nga "Patuluyin mo siya," putol ko sa pagsasalita ng secretary ko.

"Ok, Sir."

Ibinagsak ko na 'yung telephone. Wala talaga akong kalakas-lakas. Parang ngayon nagsi-sink in sa 'kin ang katangahan ko.

Hinawakan ko ang panga kong tinamaan ng mga kamao ni Rupert. Ang sakit pa rin ng mga 'yon. Pero walang- wala naman kung iko-compare sa sakit ng puso ko.

Naulinagan ko na lang ang paghahatid ng ng sekretarya ko kay Richmond sa opisina ko "Have a seat," sabi ko sa nag-iisang kapatid ni Jenica.

Naupo nga siya sa harap ko.

"What brings you here?" kalmado kong tanong pa sa totoo lang, gusto ko nang itanong sa kanya kung kahit kamusta na ba yung ate niya, o kung kumakain ba siya sa tamang oras, o kung nakalimutan na ba 'ko ni Jenica kahit saglit.

"Kumusta ka na?"

"I'm fine."

Napabuntong-hininga si Richmond. "Alam kong hinayaan kitang makasama ulit si ate. Gusto ko man lang hindi pa tayo nakakapag-usap nang maayos. Kaya nga sanang makabawi sa pagkakamaling nagawa ko. Ganu'n din si mama. Naniniwala siyang may pag-asa pa kayong dalawa."

"Pero sa tingin mo ba hanggang ngayon ganu'n pa rin ang magiging paniniwala ni Tita Therese after what I did?" tanong ko out of the blue.

"Sort of," diretsong sagot ni Richmond na ikinagulat ko.

Kumunot ang noo ko. "What do you mean?"

"Alam naman naming ginawa mo 'yon para maghiganti. Pero hindi ibigsabihin, masama ka na, Kuya Micko. Alam kong mahal mo pa si Ate Veronica. Alam kong kaya ka bumalik dahil gusto mo talaga siyang makita. Pero sinunod mo lang ang dinidikta ng isip mo dahil gusto mong isalba ang pride mo."

Nagulat ako sa mga binitawang salita ni Richmond.

Ganu'n nga ba talaga?

Bakit mas kilala pa nila ako kesa sa sarili ko?

Oo, mahal na mahal ko pa rin si Jenica. Pero sa tingin ko, wala nang pag-asa. Hindi na kami puwedeng magkaayos pa. Sobra-sobra na 'yung sakit na ipinaramdam namin sa isa't isa. Wala nga siguro kaming happy ending.

"Kuya Micko. Mahal mo ba 'yung kapatid ko?"

Napatitig ako kay Richmond.

Ano bang isasagot ko?

Hindi ko alam.

Hindi ko maintindihan 'yung paghahalo ng puso't isip ko.

Pero, siguro naman puwede kong sundin ang puso ko ngayon.

"Oo," sagot ko para maging malinaw na ang lahat.

"Then, patunayan mo."

Kiss Me, Handsome Bully 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon